Library
Kahandaan sa Emergency at mga Response Tool para sa mga Lider


“Kahandaan sa Emergency at mga Response Tool para sa mga Lider,” Kahandaan sa Emergency (2023)

Kahandaan sa Emergency at mga Response Tool para sa mga Lider

Various people serving together

Pangangasiwa sa mga Gawain ng mga Boluntaryo

Kapag hiniling ng isang apektadong stake na tumulong ang mga boluntaryo mula sa iba pang mga stake sa paglilinis pagkatapos ng kalamidad, dapat isulat nang maaga sa mga kahilingan ang partikular na bilang ng mga boluntaryong gagawa ng isang partikular na proyekto, na nakahanda na para sa mga ito kapag dumating sila roon.

Sa pamamahala ng lokal na pamunuan ng Simbahan, ang mga assignment ay maaaring kabilangan ng:

  • Director—magbibigay ng oryentasyon sa mga boluntaryo, pamamahalaan ang gawain, gagawa ng mga desisyon kung kinakailangan, pangangalagaan ang kaligtasan ng mga boluntaryo, at titiyaking naitala at naireport ang mga oras.

  • First Aid/Health Coordinator—magbibigay ng first aid, nutrisyon, at hydration sa mga boluntaryong nangangailangan nito.

  • Mga Team Leader—mamumuno sa mga grupo ng 2–20. Ang mga team leader ay dapat bigyan ng mga responding unit. Titiyakin ng bawat team leader na lahat ng nasa team ay may sapat na gagawin, may tamang kagamitan, at gumagawa. Kapag nakumpleto na ang mga ibinigay na assignment, ang team leader ay mag-iiskedyul ng mga bagong assignment. Magpapasiya siya kung paano pinakamainam na magagamit ang resources ng team. Responsibilidad ng mga team leader na ireport ang status ng bawat gawaing iniatas, kumpletuhin ang mga Work Crew Log, humiling ng karagdagang mga boluntaryo kung kailangan, at tiyaking ligtas ang bawat tahanan bago magbigay ng serbisyo.

  • Mga Field Supervisor—pupunta sa mga apektadong komunidad, magrereport sa operations center, mag-a-assign o mag-re-reassign ng mga boluntaryo, at kung hindi ay tutulong sa pagtiyak na ang lahat ng team ay may assignment at patuloy na kumikilos.

  • Supplies Coordinator—aayusin at pangangasiwaan ang mga kagamitan at supply, pati na ang mga first aid supply. (Tingnan sa “Mga Karaniwang Dapat Gawin sa Paglilinis Pagkatapos ng mga Pinsalang Dulot ng Baha,” sa ibaba.)

  • Journalist/Historian—kukunan ng retrato ang mga boluntaryo sa lahat ng yugto at sa lahat ng lokasyon. Karaniwa’y wala silang kaugnayan sa isang team kundi sakop nila ang buong apektadong lugar.

Pagdating sa itinalagang lokasyon, dapat ay naroon ang isang director o volunteer leader para matiyak na na-orient nang wasto ang lahat ng boluntaryo sa kanilang gawain, pati sa paggamit ng mga Assessment at Work Order form, at lutasin ang anumang mga problema sa kaligtasan.

Kadalasa’y dumarating ang mga boluntaryo sa iba’t ibang oras; dahil dito, kailangan ay tuluy-tuloy at organisado ang training upang hindi na kailanganing maghintay ang mga boluntaryo na mabigyan ng oryentasyon. Maaaring magbigay ang maraming trainer ng isang mabilis at sabay-sabay na oryentasyon para sa maraming boluntaryo.

Dapat itala ang “pagdating” at “pag-alis” ng mga boluntaryo sa lokasyon ng service project. Dapat iorganisa at bilangin ng ward o stake ang mga work team.

Impormasyong ibibigay sa mga boluntaryo:

  • Isang paglalarawan ng sitwasyon at ng gawaing isasakatuparan

  • Mga iminumungkahing dadalhin: kagamitan, damit, mga personal na supply, pagkain at tubig, at iba pa

  • Impormasyon tungkol sa mga tutulugan, availability ng mga paliguan at banyo, at iba pa

  • Mga kopya ng dokumentong may pamagat na “Disaster Cleanup Guidelines—Church Volunteers [Mga Tagubilin sa Paglilinis Pagkatapos ng Kalamidad—Mga Boluntaryo ng Simbahan]”

  • Paliwanag na tutulong ang mga boluntaryo ng Simbahan sa paglilinis at hindi sa muling pagtatayo ng mga gusali

  • Contact information para sa volunteer stake disaster response coordinator

  • Isang paalala na hindi dapat mag-proselyte ang mga boluntaryo habang naglilingkod

Impormasyong kakalapin sa proyekto:

  • Bilang ng mga boluntaryo at bilang ng oras ng paglilingkod (irerekord at irereport sa mga priesthood leader)

  • Pangalan at numero ng telepono ng (mga) indibiduwal na nagko-coordinate sa mga ginagawa ng mga boluntaryo

  • Lokasyon ng proyekto

  • Panahong itinagal ng proyekto

Iba pang mga pagsasaalang-alang:

  • Mga plano tungkol sa mga tutulugan.

  • Availability ng mga paliguan at banyo.

  • Transportasyon, pagkain, inumin, at iba pa.

  • Maaaring makilahok ang mga kabataan (edad 10–18) sa mga proyekto at iba pang mga aktibidad sa pagtulong pagkatapos ng kalamidad, pati na sa mga proyektong paglilinis, donation center, at food drive.

  • Dapat planuhing mabuti ng mga lokal na lider ang gagawin at tagubilinan ang mga magulang tungkol sa edad ng mga kabataang pinahihintulutang tumulong. Dapat bigyan ng maingat na pagsasaalang-alang ang pagsama ng mga kabataan sa mahihirap na proyekto gaya ng pag-aalis ng putik o iba pang materyal sa apektadong lugar.

  • Maraming gawain kung saan ang mga miyembrong may espesyal na mga pangangailangan ay maaaring makilahok at makadama ng kasiyahan sa paglilingkod sa iba (halimbawa, mga call center, donation center, paghahanda ng pagkain, at mga gawain sa shelter).

Paano Ko Matutulungan ang Iba na Maghanda?

VOAD (sa US lamang): Ang Voluntary Organizations Active in Disaster (VOAD) ay nagko-coordinate ng tulong sa pagitan ng mga boluntaryong ahensya, mga grupo ng iba’t ibang relihiyon, at mga organisasyon ng pamahalaan na kasali sa pagtulong sa panahon ng kalamidad.

Mga Tuntunin para sa mga Kinatawan ng Simbahan sa VOAD

Bakit nakikilahok ang Simbahan sa VOAD?

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay isang bumobotong miyembro ng National VOAD organization at sumusuporta sa plataporma at misyon ng VOAD. Sa paglahok sa VOAD, ang Simbahan ay isang opisyal na bahagi ng emergency response community sa Estados Unidos.

Ang mga organisasyong tulad ng Red Cross at Salvation Army ay mga aktibong miyembro din ng VOAD. Maraming bansa, estado, at lokal na organisasyon ng pamahalaan kabilang ang Homeland Security at FEMA ang aktibo ring nakikilahok sa mga pagsisikap na makapaghanda at makipag-coordinate. Mahalagang makipagtulungan sa iba pang mga response organization bago magkaroon ng emergency o kalamidad.

Ano ang isang state VOAD?

Ang National VOAD organization ay nahahati sa mga state chapter. May isang state VOAD chapter sa bawat isa sa 50 estado. Ang ilan sa mas malalaking estado ay mayroong mahigit sa isang chapter. Karamihan sa mga state VOAD chapter ay nagpupulong nang buwanan para talakayin ang mga pagsisikap na makapaghanda at makapag-coordinate. Ang naka-assign na VOAD specialist ay hinihikayat na dumalo sa mga buwanang pulong ng VOAD. Ang impormasyon tungkol sa bawat state chapter ay matatagpuan sa National VOAD website.

Ano ang mga tungkulin ng isang VOAD specialist?

Ang naka-assign na VOAD specialist ay dapat maging aktibong miyembro ng VOAD chapter ng kanyang estado sa pamamagitan ng paggawa ng mga sumusunod:

  • Dumalo sa mga buwanang pulong.

  • Magbayad ng mga dapat bayaran kung kailangan (kontakin lamang ang area welfare manager para sa iba pang impormasyon).

  • Makilahok sa mga conference call bago at pagkatapos ng mga kalamidad.

  • Mag-alok ng tulong ng Simbahan kapag angkop.

Ano ang maaaring ibigay ng Simbahan?

Sa ilalim ng pamamahala ng Area Seventy sa apektadong area, maaaring hilingin ng area welfare manager at ng VOAD specialist ang sumusunod na tulong:

  • Boluntaryong paggawa

  • Pagkain at inumin

  • Mga kumot

  • Mga pangunahing medical supply

  • Mga cleaning kit

  • Mga hygiene kit

  • Crisis counseling at emosyonal na suporta mula sa Family Services

  • Pansamantalang tirahan

Tingnan ang FEMA Emergency Management Institute para sa karagdagang resources at training.

Kaugnay na mga Link