Resources ng Simbahan
Pambungad
May mga pagkakataon na dumarating ang mga pagsubok at paghihirap sa ating buhay, at bagama’t maaaring mahirap ang panahong ito, mahalagang malaman na hindi ka nag-iisa. Itinuro ni Cristo na “lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan” (Mateo 11:28–30). May mga lokal na lider at resources na makatutulong sa iyo sa mahihirap na sandaling ito. May resources tayo na makatutulong sa iba’t ibang sitwasyon, kabilang na ang pagiging handa at pagtugon sa mga emergency.
Anong Pagkain ang Available sa Bishops’ Storehouse?
Responsibilidad ng bishop na pangalagaan ang mga maralita at nangangailangan sa mga lugar na sakop ng kanyang ward. Ang isang resource na available para maisakatuparan ang gawaing ito ay ang bishops’ storehouse—isang lugar na maaaring puntahan ng mga nangangailangan para makakuha ng pagkain at iba pang mga supply ayon sa rekomendasyon ng kanilang bishop.
Ang mga storehouse ay nagbibigay ng kaparehong uri ng mga produktong matatagpuan sa anumang grocery store, kabilang na ang mga de-lata, pampalasa, produkto sa pagluluto, sariwang produkto, gatas, karne, at pasta. Mayroon ding mga produkto para sa personal hygiene at mga supply sa paglilinis ng bahay.
Saan Ko Mahahanap ang Bishops’ Storehouse na Malapit sa Akin?
Mahalagang tandaan na ang mga storehouse na ito ay nasa iba’t ibang lugar sa buong North at South America. Sa labas ng US, mayroon ding ilang grocery store na may mga kontrata na magagamit bilang mga bishops’ storehouse. Kausapin ang iyong bishop o branch president para malaman kung anong mga opsiyon ang available sa inyong lugar.
Paano Ako Makahihingi ng Tulong sa Aking mga Lokal na Lider?
Kung nahihirapan ka dahil sa isang emergency, hindi ka nag-iisa. Handa ang mga lokal na lider na tulungan ka. Ang Relief Society president o elders quorum president ay mga lider sa kongregasyon na binigyan ng training para tulungan ang mga indibiduwal sa ward. Maaari silang makatulong sa pagsagot sa mga form para sa pag-order ng pagkain, makipagtulungan sa bishop sa paghingi ng tulong sa Family Services, at magbigay ng payo kung paano harapin ang mga partikular na sitwasyon.
Paano Ko Matutulungan ang Iba Bilang Isang Lokal na Lider?
Sa ilalim ng pamamahala ng mga lider na may wastong mga susi ng priesthood at sa patnubay ng angkop na mga council, maaaring makatanggap ng mga pagpapala ang mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng resources na ito sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang komunidad at paglilingkod sa paraan ng Panginoon. Ang ilan sa mga tool at resources na iyon ay kinabibilangan ng mga self-reliance group, addiction recovery group, at emotional resilience group, bukod sa marami pang iba. Kung gustong gamitin ng inyong ward o stake ang mga tool at resources na ito sa inyong lokal na komunidad, mag-klik dito para matulungan kang magsimula.
Saan Ako Makahihingi ng Payo para sa Hamon sa Kalusugan ng Pag-iisip?
Ang Family Services ay tumutulong sa mga lider ng Simbahan na pangalagaan ang mga indibiduwal na may mga hamon sa pakikisalamuha at sa emosyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng resources na naaayon sa mga alituntunin ng ebanghelyo.
Ang Family Services ay maaaring magbigay ng suporta sa pakikisalamuha, emosyonal, at mental na kalusugan pagkatapos ng isang kalamidad o krisis. Kapag dumaranas ng mga hamon na hindi natin makontrol, tumutugon ang bawat isa sa atin sa maraming iba’t ibang paraan. Kung minsa’y nahihirapan tayo, at OK lang iyan. Sa ibang mga pagkakataon naman, maaari tayong tumugon nang may katatagan sa paggamit ng ating mga kalakasan at resources. Karaniwan na sa atin ang tumugon nang may pagsisikap at kalakasan.
Ang emergency response tele-support services ay nakatuon sa pagpapakita ng pagkahabag, pagtukoy at paggawang normal sa mga pagtugon, pagbibigay ng mga pangunahing estratehiya para makayanan ang sitwasyon, pagsasaliksik kung paano suportahan ang iba (mga bata, matatanda, ministering), at pagbibigay ng pag-asa at resources. Ang emergency response tele-support ay hindi nangangailangan ng anumang paperwork o bayad.
Kabilang sa iba pang mga serbisyo ang:
-
Consultation Services para sa mga Lider ng Simbahan
-
Suporta sa COVID-19
-
Counseling Services
-
Mga Support Group
-
Emergency Response Psychosocial Services
Mga Emergency Response Supply
Ang mga emergency ay kadalasang naghahatid ng di-inaasahang mga hamon, pero handa ang mga lokal na lider na tumulong sa pagbibigay ng mga supply na kailangan sa mga sitwasyong ito. Kung ikaw ay nasa isang emergency, maaaring magbigay ang Simbahan ng mga cleanup kit at iba pang mga emergency reponse supply. Maaaring makatulong ang mga lokal na lider na hilingin ang mga item na ito sa pamamagitan ng kanilang welfare and self-reliance contact.