“Kahandaan ng mga Stake at Ward sa Emergency,” Kahandaan sa Emergency (2023)
Kahandaan ng mga Stake at Ward sa Emergency
“Humanda ka at manatiling handa, ikaw at ang buong hukbo na natipon sa palibot mo, at maging bantay ka nila” (Ezekiel 38:7).
Pambungad
Magagamit ng mga stake at ward council ang gabay na ito para magawa o ma-update ang kanilang mga plano sa pagtugon sa emergency. Ang mga planong ito ay dapat maging maikli at simple at napakaepektibo kapag naka-coordinate sa mga plano ng komunidad. Maaaring tumawag ang mga lider sa stake at ward ng mga welfare specialist para tumulong sa mga pagsisikap na tumugon sa emergency at sa mga pagsisikap na makipag-ugnayan sa oras ng emergency. Dapat regular na rebyuhin at i-update ng mga council ang mga plano.
Sa tulong ng gabay na ito, dapat ay makagawa kayo ng:
-
Isang plano ng stake at ward sa kahandaan sa oras ng emergency
-
Isang pagsusuri sa mga pangangailangan at gagawing mga hakbang
Step 1: Tukuyin ang mga Kalamidad na Maaaring Mangyari
Ilista ang mga kalamidad na gawa ng tao o dulot ng kalikasan na maaaring mangyari sa inyong lugar. Para sa bawat uri ng kalamidad, tukuyin ang mga kinakailangang gawin. Halimbawa, sa isang kalamidad na maaaring makapinsala ng mga bahay—tulad ng lindol, sunog, baha, o bagyo—ang isang mahalagang gawin ay humanap ng pansamantalang matitirhan para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan.
Gamitin ang mga worksheet na Disaster Review [Rebyu tungkol sa Kalamidad] at Planning for Disruptions [Pagpaplano para sa Pagkaputol ng Kuryente at Tubig] para makumpleto ang hakbang na ito.
Step 2: Mangalap ng Kritikal na Impormasyon
Mahalaga ang komunikasyon sa pagtugon sa emergency. Bahagi ng kakayahang makipag-ugnayan sa oras ng emergency ang pagkakaroon ng angkop na contact at resource information. Ang pagtitipon at pag-iingat ng impormasyong ito ay nagpapadali sa pag-assess ng mga pangangailangan at tulong na ibibigay. Tipunin ang sumusunod na kritikal na impormasyon, at regular itong i-update:
-
Contact information para sa lahat ng miyembro at missionary na nakatira sa mga lugar na sakop ng stake o ward
-
Mapa ng lugar, kabilang na ang mga lokasyon ng mga tirahan ng mga miyembro at missionary at ang mga lokasyon ng resources sa komunidad
-
Isang listahan ng mga miyembro na may espesyal na pangangailangan, tulad ng mga may kapansanan at matatanda
-
Isang listahan ng mga miyembrong may mga kagamitan o kasanayan (tulad ng medical o emergency response training) na magiging napakahalaga sa panahon ng kalamidad
-
Contact information ng mga ahensya para sa kaligtasan ng publiko (tulad ng pulisya, bumbero, o doktor)
-
Contact information ng mga organisasyon sa komunidad (tulad ng Red Cross o Red Crescent) na nagbibigay ng mga serbisyong pang-emergency tulad ng pagkain, pansamantalang tirahan, at pangangalagang medikal
-
Contact information ng mga area welfare leader at lokal na welfare operation ng Simbahan, kung mayroon
Gamitin ang Critical Information [Kritikal na Impormasyon] at ang worksheet na Actions and Assignments [Mga Aksiyon at Assignment] para makumpleto ang hakbang na ito.
Step 3: Gumawa ng Outline ng mga Gawain at Pamamaraan
Planuhin kung paano ioorganisa at isasagawa ng council ang bawat isa sa mga gawain sa pagtugon sa emergency na nakalista sa ibaba, na tinutukoy kung sino ang responsable sa bawat gawain at kung anong mga pamamaraan ang susundin nila. Magtalaga ng isang pangunahin at isang alternatibong lokasyon kung saan magtitipon ang mga miyembro ng council pagkatapos ng isang emergency para pamahalaan ang mga gawain sa pagtulong.
Paghahanda para sa kalamidad:
-
Bumuo ng mabubuting pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng pamahalaan at iba pang mga organisasyon na tumutulong sa komunidad.
Pagtugon sa kalamidad:
-
Magtakda ng isang pamamaraan sa pagrereport ng nakalap na impormasyon sa oras ng kalamidad. Ang mga report tungkol sa mga miyembro ay dapat karaniwang tinitipon ng mga ministering brother at sister at pagkatapos ay ipinararating sa ganitong pagkakasunud-sunod:
-
Mga ministering brother at sister
-
Mga lider ng elders quorum at Relief Society
-
Ang Bishop
-
Ang Stake president
-
Ang Area Seventy
-
Ang Area Presidency, director for temporal affairs, at welfare and self-reliance manager
-
-
Alamin at ireport ang kalagayan ng mga miyembro at missionary.
-
Tumulong sa paghahanap at pagtagpuin ang mga magkakapamilyang nagkahiwa-hiwalay.
-
Humingi ng tulong-medikal para sa mga taong nasugatan o may iba pang mga problema sa kalusugan.
-
I-coordinate ang mga pagtulong sa mga opisyal ng pamahalaan at iba pang mga organisasyon na tumutulong sa komunidad.
-
Alamin ang mga pangangailangan at isaayos ang pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo—tulad ng pagkain, pansamantalang tirahan, sanitasyon, at damit—para sa mga miyembro at iba pa.
-
Alamin at ireport ang kalagayan ng mga gusali at ari-arian ng Simbahan.
Tulong pagkatapos ng kalamidad:
-
Tulungan ang mga miyembro na nasira ang mga bahay o ari-arian, nagkaroon ng trauma, o nawalan ng kabuhayan.
-
Makipagtulungan sa mga opisyal ng pamahalaan at sa mga organisasyon na nagbibigay ng tulong para matukoy at matugunan ang mga oportunidad na makatulong ang Simbahan sa mga pangangailangan ng komunidad.
Gamitin ang Kritikal na Impormasyon at ang worksheet na Mga Aksiyon at Assignment para makumpleto ang hakbang na ito.
Step 4: Tukuyin ang mga Pamamaraan ng Komunikasyon sa Panahon ng Emergency
Ang isang mahalagang bahagi ng pagtugon sa kalamidad ay ang pagsunod ng mga lider ng Simbahan sa mga tagubilin para sa komunikasyon na pang-emergency at pagkakaroon ng bukas na linya ng komunikasyon sa headquarters ng Simbahan, mga miyembro ng Simbahan, at mga lider ng komunidad.
Tumukoy at magplano ng mga alternatibong pamamaraan ng komunikasyon na maaaring gamitin kung sakaling masira ang mga linya ng telepono, cell phone, o ruta ng transportasyon sa panahon ng kalamidad. Maaaring kabilang sa mga pamamaraang ito ang:
-
Komunikasyon sa internet (kabilang na ang email, social media, at instant messaging)
-
Text messaging sa cell phone (na maaaring available kahit hindi makatawag)
-
Amateur radio
-
Personal na pagkontak sa pamamagitan ng paglalakad, pagbibisikleta, at iba pang mga paraan ng transportasyon
Kung kinakailangan, maaaring tumawag ang mga priesthood leader ng mga miyembro ng kanilang unit para maging mga communication specialist. Kadalasan ay may sariling kagamitan sa komunikasyon at mahalagang karanasan ang mga kwalipikadong specialist.
Sumangguni sa mga worksheet na Disaster Review [Rebyu tungkol sa Kalamidad] at Planning for Disruptions [Pagpaplano para sa Pagkaputol ng Kuryente at Tubig] para makapagplano para sa pagkaputol ng mga linya ng komunikasyon. Bukod pa rito, gamitin ang worksheet na Critical Information—Equipment, Skills, and Communication Resources [Kritikal na Impormasyon—Kagamitan, mga Kasanayan, at Resources sa Komunikasyon] para matukoy kung paano ka makikipag-ugnayan sa oras ng kalamidad at anong mga pamamaraan ng komunikasyon ang gagamitin mo.
Step 5: Hikayatin ang mga Miyembro na Maghanda
Ang plano ng stake o ward sa kahandaan sa oras ng emergency ay makukumpleto lamang kapag isinakatuparan ito ng mga miyembro. Rebyuhin sa mga miyembro ang plano at hikayatin silang maging pamilyar sa mga tagubilin na nakapaloob dito.
Hikayatin palagi ang mga miyembro na makibahagi sa mga pagsisikap na maging handa—tulad ng paggawa ng sariling mga plano ng kanilang pamilya sa paghahanda at paglahok sa mga kaganapan sa paghahanda ng komunidad—at sundin ang mga tagubiling nakasaad sa Kahandaan ng Sarili at ng Pamilya sa Emergency at sa kanilang gabay sa paghahanda ng lokalidad. Maaaring kabilang sa mga paraan ng pagpaparating ng panghihikayat na ito ang:
-
Mga Elders quorum at Relief Society meeting
-
Sacrament meeting o mga mensahe sa stake conference
-
Mga mensahe mula sa mga ministering brother at sister