Mga Pagkakataong Magboluntaryo
Pambungad
Maraming paraan para makibahagi sa iyong komunidad, mula sa training at mga sertipikasyon hanggang sa pagtulong sa iba na maghanda. Narito ang ilang paraan para makapagsimula:
Paano Ako Maaaring Makibahagi?
JustServe: Ang JustServe ay isang libre at maaaring iangkop na mga serbisyo para mga boluntaryo at komunidad. Sa pamamagitan ng JustServe, ang mga boluntaryo at organisasyon mula sa lahat ng relihiyon at lahi ay makakakita at makakapag-post ng mga proyekto. Tinutulutan nito ang mga boluntaryo na tumulong sa kanilang komunidad, ikinokonekta ang mga organisasyon sa mga boluntaryong malapit sa kanila, at nagbibigay ng mga pagkakataon sa mga komunidad na magsama-sama para sa mga adhikaing mahalaga sa kanila.
FEMA (US lamang): Ang Federal Emergency Management Agency (FEMA) ay isang resource para sa mga mamamayan at emergency personnel na maghanda para sa, tumugon sa, at makabangon mula sa mga kalamidad. Sa pamamagitan ng FEMA, maaari kang maghanda para sa mga kalamidad, mag-sign up para sa mga emergency alert, makahanap ng mga pagkakataong magboluntaryo, at makahingi ng tulong sa oras ng kalamidad kung kwalipikado.
Mga Boluntaryo sa Emergency Response: Ang mga boluntaryong ito mula sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nakatuon sa paglilinis pagkatapos ng mga kalamidad. Ikino-coordinate ang mga boluntaryong ito sa pamamagitan ng mga lokal na lider ng Simbahan. Ang access sa mga lokasyon ng kalamidad ay kontrolado ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na responsable sa kaligtasan ng publiko. Nakikipagtulungan ang mga lider ng Simbahan sa mga pinuno ng lokal na pamahalaan para matiyak na gumagawa sila sa mga lokasyon na malapit sa kanila.
CERT (US lamang): Ang Community Emergency Response Team (CERT) program ay nagtuturo sa mga miyembro ng komunidad tungkol sa paghahanda para sa mga kalamidad at nagbibigay ng training sa kanila tungkol sa mga pangunahing kasanayan sa pagtugon sa kalamidad, tulad ng kaligtasan sa sunog, paghanap at pagsagip, organisasyon ng team, at mga operasyong medikal sa oras ng kalamidad. Ang training na ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga miyembro ng CERT na tumulong sa kanilang komunidad kapag nagkaroon ng mga kalamidad.
Tingnan ang FEMA CERT Training para sa training at karagdagang resources.