“Lesson 6: Pamilya,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 6,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 6
Family
Layunin: Matututo akong magsalita kung ilang tao ang nasa isang pamilya.
Personal Study
Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.
Study the Principle of Learning: You Are a Child of God
Ikaw ay Anak ng Diyos
I am a child of God with eternal potential and purpose.
Ako ay anak ng Diyos na may walang-hanggang potensyal at layunin.
Ang Diyos ang Ama ng ating espiritu, kaya tinatawag natin Siyang Ama sa Langit. Mahal ka ng iyong Ama sa Langit. Nais Niyang maunawaan mo kung sino ka talaga at ang relasyon mo sa Kanya. Sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta, itinuturo sa atin ng Diyos ang ating tunay na likas na pagkatao. Itinuro ni Pablo, isang propeta sa Biblia:
“Ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu na tayo’y mga anak ng Diyos” (Roma 8:16).
Totoo ang mga turo ni Pablo para sa iyo. Ikaw ay anak na babae o anak na lalaki lalaki ng isang mapagmahal na Ama sa Langit. Ikaw ay may walang-hanggang potensyal. May layunin ang Diyos sa iyong buhay. Kapag humiling ka sa Diyos, maaari ka Niyang tulungang makita kung sino ka at kung ano ang maaari mong kahinatnan. Tuwing nagdududa ka sa kakayahan mong matuto ng Ingles, tandaan na ikaw ay anak ng Diyos. Mahal ka Niya at nais ka Niyang lumago at umunlad. Kapag ikaw ay nanalangin humingi ng tulong sa Kanya, tutulungan ka Niyang matuto.
Ponder
-
Paano mo ilalarawan ang relasyon ng isang mapagmahal na ama sa kanyang anak?
-
Paano nakakaimpluwensya ang pagkaalam na mayroon kang mapagmahal na Ama sa Langit sa damdamin mo tungkol sa iyong sarili?
-
Paano mo mapapatibay ang iyong relasyon sa Ama sa Langit?
Memorize Vocabulary
Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Mag-isip ng mga sitwasyon kung kailan mo gagamitin ang salita sa iyong pang-araw-araw na buhay.
family |
pamilya |
have/has |
mayroon |
How many … ? |
Ilan … ? |
There are …/There is … |
May … |
Numbers
1 – one |
1 – isa |
2 – two |
2 – dalawa |
3 – three |
3 – tatlo |
Nouns
husband |
asawang lalaki |
wife |
asawang babae |
father (dad) |
ama (tatay) |
mother (mom) |
ina (nanay) |
brother/brothers |
kapatid na lalaki/mga kapatid na lalaki |
sister/sisters |
kapatid na babae/mga kapatid na babae |
child/children |
anak/mga anak |
daughter/daughters |
anak na babae/mga anak na babae |
son/sons |
anak na lalaki/mga anak ng lalaki |
boy/boys |
batang lalaki/mga batang lalaki |
girl/girls |
batang babae/mga batang babae |
person/people |
tao/mga tao |
Practice Pattern 1
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”
Q: How many (noun) are in your family?A: There are (number) (noun) in my family.
Examples
Q: How many people are in Sam’s family?A: There are four people in his family.
Q: How many sisters are in your family?A: There are two sisters in my family.
Q: How many sons are in your family?A: There is one son in my family.
Practice Pattern 2
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang gamitin ang mga pattern sa pakikipag-usap sa isang kaibigan. Maaari kang magsalita o magpadala ng mga mensahe.
Q: How many (noun) do you have?A: I have (number) (noun).
Examples
Q: How many children do you have?A: I have six children.
Q: How many brothers does she have?A: She has three brothers.
Use the Patterns
Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga ito nang malakas.
Conversation Group
Activity 1: Practice the Patterns
(10–15 minutes)
Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:
-
Magpraktis na magtanong.
-
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
-
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Ulitin para sa pattern 2.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(10–15 minutes)
Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa bawat pamilya. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.
New Vocabulary
who is |
sino ang |
Example: Yuka
-
A: Who is Yuka?
-
B: Yuka is the mother.
-
A: How many people are in Yuka’s family?
-
B: There are six people in her family.
-
A: How many children does Yuka have?
-
B: She has three children.
-
A: How many daughters does Yuka have?
-
B: She has two daughters.
-
A: How many sons are in her family?
-
B: She has one son.
Activity 3: Create Your Own Conversations
(15–20 minutes)
Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa mga tao sa iyong pamilya. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.
Example
-
A: How many people are in your family?
-
B: There are six people in my family.
-
A: How many sisters do you have?
-
B: I have three sisters.
-
A: How many children does your sister have?
-
B: She has six children.