“Lesson 9: Damit at mga Kulay,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 9,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 9
Clothing and Colors
Layunin: Matututo akong ilarawan kung ano ang suot ng isang tao.
Personal Study
Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.
Study the Principle of Learning: Counsel with the Lord
Sumangguni sa Panginoon
I improve my learning by counseling with God daily about my efforts.
Pinaghuhusay ko ang aking pag-aaral sa pamamagitan ng pagsangguni sa Diyos araw-araw tungkol sa aking mga pagsisikap.
Ang pagkatuto ay isang prosesong nangyayari sa paglipas ng panahon. Nais ng Diyos na tulungan kang matuto at lumago. Nais Niyang tulungan kang matuto kung paano gumawa ng maliliit na hakbang para maisakatuparan ang mga dakila o malalaking bagay. May kuwento sa Aklat ni Mormon tungkol sa isang malakas na lalaking may pananampalataya na nagngangalang Alma. Siya ay isang propeta ng Diyos at pinuno ng kanyang bansa. Itinuro ni Alma:
“Sa maliliit at mga karaniwang bagay ay naisasakatuparan ang mga dakilang bagay. … Makipagsanggunian sa Panginoon sa lahat ng iyong mga gawain, at gagabayan ka niya sa kabutihan” (Alma 37:6, 37).
Ang Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ng maliliit at mga karaniwang bagay. Ang maliliit na pagkilos ay maaaring magkaroon ng malalaking resulta sa paglipas ng panahon. Tayo ay nananalangin sa Ama sa Langit sa pangalan ng Kanyang Anak na si Jesucristo. Sa pagdarasal at pag-aaral ng banal na kasulatan, maaari kang sumangguni o humingi ng payo sa Panginoon. Matutulungan ka Niyang pumili ng maliliit at mga karaniwang paraan para maging mas mahusay. Kailangan mo bang paghusayin ang iyong pag-unawa sa pakikinig? Kapag sumangguni ka sa Diyos sa panalangin, maaari kang magdesisyong gumugol ng 10 minuto sa isang araw sa pagpapraktis ng Ingles na kasama ang isang kaibigan. Nahihirapan ka bang tandaan ang mga bagong salita? Kapag sumangguni ka sa Diyos, maaari kang magpasiyang rebyuhin ang mga salita habang sakay ka ng bus. Ang iyong patuloy na pagsisikap ay maghahatid ng “mga dakilang bagay” habang natututo ka ng Ingles.
Ponder
-
May kasabihan ba sa kultura mo na katulad ng “maliliit at mga karaniwang bagay”?
-
Paano ka maaaring sumangguni o humingi ng payo sa Diyos tungkol sa iyong mga pagsisikap?
-
Ano ang maliliit na bagay na magagawa mo para matuto ng Ingles?
Memorize Vocabulary
Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang gamitin ang mga salita sa iyong buhay. Isipin kung kailan at saan mo puwedeng gamitin ang mga salitang ito.
I’m |
ako ay |
he’s |
siya ay (lalaki) |
she’s |
siya ay (babae) |
they’re |
sila ay |
wearing |
nakasuot |
looking for |
hinahanap |
this/these |
ito/ang mga ito |
that/those |
iyan/ang mga iyan |
clothing |
damit |
color/colors |
kulay/mga kulay |
Nouns
coat/coats |
amerikana/mga amerikana |
dress/dresses |
bestida/mga bestida |
pants |
pantalon |
shirt/shirts |
polo/mga polo |
shoe/shoes |
sapatos/mga sapatos |
skirt/skirts |
palda/mga palda |
sweater/sweaters |
sweater/mga sweater |
Adjectives
orange |
orange |
purple |
purple |
yellow |
dilaw |
Practice Pattern 1
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”
Q: What are you wearing?A: I’m wearing a (adjective) (noun).
Questions
Answers
Examples
Q: What is he wearing?A: He’s wearing a red shirt.
Q: What is she wearing?A: She’s wearing an orange skirt.
Q: What are they looking for?A: They’re looking for black shoes.
Practice Pattern 2
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong.
Q: Do you like this (adjective) (noun)?A: Yes, I like that (adjective) (noun).
Questions
Answers
Examples
Q: Do you like this green sweater?A: No, I don’t like that green sweater.
Q: Do you like these red shoes?A: Yes, I like those shoes.
Use the Patterns
Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga ito nang malakas.
Additional Activities
Kumpletuhin online ang mga aktibidad at assessment sa lesson sa englishconnect.org/learner/resources o sa EnglishConnect 1 Workbook.
Act in Faith to Practice English Daily
Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw. Gamitin ang iyong “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Rebyuhin ang iyong mithiin sa pag-aaral at i-evaluate ang iyong mga pagsisikap.
Conversation Group
Discuss the Principle of Learning: Counsel with the Lord
(20–30 minutes)
-
Basahin nang malakas ang alituntunin ng pagkatuto para sa lesson na ito.
-
Tatalakayin ang mga tanong.
Activity 1: Practice the Patterns
(10–15 minutes)
Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:
-
Magpraktis na magtanong.
-
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
-
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Ulitin para sa pattern 2.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(10–15 minutes)
New Vocabulary
belt/belts |
sinturon/mga sinturon |
sock/socks |
medyas/mga medyas |
suit/suits |
amerikana/mga amerikana |
tie/ties |
kurbata/mga kurbata |
Part 1
Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa iyong damit. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.
Example
-
A: What are you wearing?
-
B: I’m wearing blue pants, a white shirt, yellow socks, and red shoes.
Part 2
Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa damit ng bawat tao. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.
Example: Eliana
-
A: What is Eliana wearing?
-
B: She’s wearing a gray shirt and black pants.
Image 1: Nadia
Image 2: Obasi
Image 3: Mateo
Image 4: Hina
Activity 3: Create Your Own Conversations
(15–20 minutes)
Pagsasadula. Si partner A ay nagtatrabaho sa isang tindahan ng mga damit. Si partner B ay namimili ng mga damit at sapatos. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa mga bagay na nasa bawat larawan. Magpalitan ng ginagampanang papel. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.
Example
-
A: What are you looking for?
-
B: I’m looking for shoes.
-
A: Do you like these brown shoes?
-
B: No, I don’t like those brown shoes.
Image 1
Image 2
Image 3
Image 4
Image 5
Evaluate
(5–10 minutes)
I-evaluate ang iyong pag-unlad sa mga layunin at sa mga pagsisikap mong magpraktis ng Ingles araw-araw.
Evaluate Your Progress
I can:
-
Talk about clothing and colors.
Magsalita tungkol sa damit at mga kulay.
-
Say what I and others are wearing.
Sabihin kung ano ang suot ko at ng iba.
Evaluate Your Efforts
I-evaluate ang iyong mga pagsisikap na:
-
Pag-aralan ang alituntunin ng pagkatuto.
-
Isaulo ang bokabularyo.
-
Praktisin ang mga pattern.
-
Magpraktis araw-araw.
Magtakda ng mithiin. Isaalang-alang ang mga mungkahi sa pag-aaral sa “Tracker sa Personal na Pag-aaral.”
Ibahagi ang iyong mithiin sa isang partner.
Act in Faith to Practice English Daily
“Maaari tayong manalangin sa ating Ama sa Langit at tumanggap ng patnubay at direksyon, mabalaan sa panganib at ligalig, at mabigyan ng kakayahan na gumawa ng mga bagay na hindi natin kakayanin nang mag-isa. …
“Manalangin … at [pagkatapos ay] makinig! Isulat ang mga naiisip ninyo. Itala ang inyong nadama at isagawa ang mga bagay na ipinahiwatig sa inyong gawin” (Russel M. Nelson, “Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2018, 94–95).