Pag-aaral ng Ingles
Lesson 11: Ang Aking mga Aktibidad


“Lesson 11: Ang Aking mga Aktibidad,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)

“Lesson 11,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral

grupo ng mga binatilyong nakangiti

Lesson 11

My Activities

Layunin: Matututo akong magsalita tungkol sa ginagawa ngayon ng isang tao at sa kanyang mga gawain.

Personal Study

Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.

icon a
Study the Principle of Learning: Exercise Faith in Jesus Christ

Manampalataya kay Jesucristo

Jesus Christ can help me do all things as I exercise faith in Him.

Matutulungan ako ni Jesucristo na gawin ang lahat ng bagay kapag nananampalataya ako sa Kanya.

Si Nephi ay isang propeta sa Aklat ni Mormon. Noong mas bata pa siya, inutusan si Nephi at ang kanyang mga kapatid na lalaki na kunin ang isang sagradong aklat. Mahalaga ang aklat ng ito dahil itinuro doon ang plano ng Diyos at ang tungkuling ginagampanan ni Jesucristo. Ang aklat ay pag-aari ng isang masamang lalaking nagngangalang Laban. Sinubukan ni Nephi at ng kanyang mga kapatid na hingin iyon. Hindi pumayag si Laban. Sinubukan ni Nephi at ng kanyang mga kapatid na bilhin iyon. Dalawang beses tumanggi si Laban at ninakaw nito ang lahat ng pera nila. Matapos mabigo nang dalawang beses, nagalit ang mga kapatid ni Nephi at gusto na nilang tumigil.

Hinikayat ni Nephi ang kanyang mga kapatid sa pagsasabing, “Tayo nang umahon muli sa Jerusalem, at tayo ay maging matapat sa pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon; sapagkat masdan, siya ay higit na makapangyarihan kaysa lahat ng sangkatauhan” (1 Nephi 4:1).

Tinulungan si Nephi ng tiwala niya sa Diyos na subukan iyon sa pangatlong pagkakataon. Sa pagkakataong ito, sa tulong ng Diyos, nagtagumpay siya sa pagkuha sa sagradong aklat. Itinuturo sa atin ng karanasan ni Nephi na ang pagsubok at kung minsa’y pagkabigo ay bahagi ng paggawa ng isang bagay na mahirap. Ang pagkatuto ng isang bagong wika ay mahirap at nangangailangan ng daan-daang oras. Nasubukan mo na sigurong mag-aral ng Ingles dati, at hindi naging maayos iyon. Hindi ka siguro nakadalo sa inyong lingguhang miting o nalimutan mong mag-aral. Subukang muli kapag nabigo ka. Kapag sumasampalataya ka kay Jesucristo, maaari Niyang gawing tagumpay ang kabiguan.

dalagitang nakangiti

Ponder

  • Paano tayo magiging katulad ni Nephi at patuloy na sumubok kapag nabibigo tayo?

  • Paano tayo matutulungan ng ating pananampalataya kay Jesucristo na matuto mula sa ating mga kabiguan?

icon b
Memorize Vocabulary

Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang gamitin ang mga bagong salita sa pakikipag-usap o sa mensahe sa isang taong marunong ng Ingles.

now

ngayon

Verbs/Verbs + ing

come home/coming home

umuwi/umuuwi

do homework/doing homework

gumawa ng homework/gumagawa ng homework

eat dinner/eating dinner

kumain ng hapunan/kumakain ng hapunan

exercise/exercising

ehersisyo/nag-eehersisyo

get ready for bed/getting ready for bed

maghandang matulog/naghahandang matulog

go to bed/going to bed

matulog/natutulog

make lunch/making lunch

maghanda ng tanghalian/naghahanda ng tanghalian

pray/praying

manalangin/nananalangin

relax/relaxing

pahinga/nagpapahinga

take a nap/taking a nap

umidlip/umiidlip

take a walk/taking a walk

umidlip/umiidlip

visit my friends/visiting my friends

bumisita sa aking mga kaibigan/bumibisita sa aking mga kaibigan

watch movies/watching movies

manood ng sine/nanonood ng sine

work/working

magtrabaho/nagtatrabaho

Tingnan ang lesson 10 para sa iba pang verbs.

Time

morning

umaga

afternoon

hapon

evening

gabi

icon c
Practice Pattern 1

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong.

Q: What are you doing now?A: I am (verb + ing).

Questions

pattern 1 tanong ano ang ginagawa mo ngayon

Answers

pattern 1 sagot nag-pandiwa ako

Examples

mag-amang umiidlip sa labas

Q: What are you doing now?A: I am relaxing.

mag-inang nagluluto ng hapunan

Q: What are they doing now?A: They are making dinner.

Q: What is he doing now?A: He is visiting his friends.

icon d
Practice Pattern 2

Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang gawin ang conversation group activities 1 at 2 bago magkita-kita ang inyong grupo.

Q: When do you (verb)?A: I (verb) in the (time).

Questions

pattern 2 tanong kailan ka pandiwa

Answers

pattern 2 sagot pandiwa ako sa oras

Examples

Q: When do you work?A: I work in the morning.

pamilyang kumakain ng hapunan

Q: When do they eat dinner?A: They eat dinner in the evening.

babaeng nag-aaral ng textbook

Q: When does she do homework?A: She does homework in the afternoon.

icon e
Use the Patterns

Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.

Additional Activities

Kumpletuhin online ang mga aktibidad at assessment sa lesson sa englishconnect.org/learner/resources o sa EnglishConnect 1 Workbook.

Act in Faith to Practice English Daily

Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw. Gamitin ang iyong “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Rebyuhin ang iyong mithiin sa pag-aaral at i-evaluate ang iyong mga pagsisikap.

Conversation Group

Discuss the Principle of Learning: Exercise Faith in Jesus Christ

(20–30 minutes)

dalagitang nakangiti

icon 1
Activity 1: Practice the Pattern

(10–15 minutes)

Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.

Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:

  • Magpraktis na magtanong.

  • Magpraktis na sumagot sa mga tanong.

  • Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.

Ulitin para sa pattern 2.

icon 2
Activity 2: Create Your Own Sentences

(10–15 minutes)

Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa ginagawa ngayon ng mga tao sa bawat larawan. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.

Example 1: Igor

lalaking kumakain ng hapunan
  • A: What is Igor doing now?

  • B: He is eating lunch.

Example 2: Hua and Bao

lalaki at babaeng nagluluto
  • A: What are Hua and Bao doing now?

  • B: They are cooking dinner.

Image 1: Imani

batang natutulog

Image 2: Sophie

batang nagdarasal

Image 3: Raquel and Vinny

lalaki at babaeng nagmimiting

Image 4: Lily and Suri

dalawang babaeng estudyanteng naka-backpack

Image 5: Luis’s Family

pamilyang kumakain ng hapunan

Image 6: Maria’s Family

dalawang ina at kanilang mga anak na babae na nag-uusap

icon 3
Activity 3: Create Your Own Conversations

(15–20 minutes)

Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa aktibidad sa bawat larawan. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.

Example

babaeng nag-aaral ng textbook
  • A: When do you do homework?

  • B: I do homework in the evening.

Image 1

babaeng nag-eehersisyo sa labas

Image 2

batang babaeng pinaghahandaan ang araw

Image 3

remote control na binubuksan ang telebisyon

Image 4

anak na babae na sinasalubong ang amang umuwi galing sa trabaho

Image 5

lalaking natutulog

Image 6

babaeng nakangiti at nakaupo sa harap ng desk

Image 7

cleaning solution na iwiniwisik

Evaluate

(5–10 minutes)

I-evaluate ang iyong pag-unlad sa mga layunin at sa mga pagsisikap mong magpraktis ng Ingles araw-araw.

Evaluate Your Progress

I can:

  • Say what I am doing now.

    Sabihin kung ano ang ginagawa ko ngayon.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Talk about what others are doing now.

    Pag-usapan kung ano ang ginagawa ngayon ng iba.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha
  • Describe daily routines.

    Ilarawan ang mga araw-araw na gawain.

    mukha na walang damdamin, kuntentong mukha, masayang mukha

Evaluate Your Efforts

I-evaluate ang iyong mga pagsisikap na:

  1. Pag-aralan ang alituntunin ng pagkatuto.

  2. Isaulo ang bokabularyo.

  3. Praktisin ang mga pattern.

  4. Magpraktis araw-araw.

Magtakda ng mithiin. Isaalang-alang ang mga mungkahi sa pag-aaral sa “Tracker sa Personal na Pag-aaral.”

Ibahagi ang iyong mithiin sa isang partner.

Act in Faith to Practice English Daily

“Dahil kay Jesucristo, hindi kailangang itakda ng ating mga kabiguan kung sino tayo. Maaari tayong pinuhin ng mga ito” (Dieter F. Uchtdorf, “Kasama Natin ang Diyos,” Liahona, Mayo 2021, 9)