“Lesson 12: Oras at Kalendaryo,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 12,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 12
Time and Calendar
Layunin: Matututo akong magsalita tungkol sa oras at petsa.
Personal Study
Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.
Study the Principle of Learning: Take Responsibility
Tanggapin ang Responsibilidad
I have the power to choose, and I am responsible for my own learning.
May kapangyarihan akong pumili, at ako ang responsable sa sarili kong pagkatuto.
Ikaw ay isang kinatawan; may kapangyarihan kang kumilos para sa iyong sarili. Kadalasa’y gusto nating maghintay sa mga lider, guro, o iba pa na sabihin sa atin kung ano ang gagawin. Gusto nating sila ang magbigay sa atin ng paisa-isang tagubilin. Gusto ng Diyos na maunawaan natin na bilang Kanyang mga anak, may kapangyarihan tayo sa ating kalooban na gumawa ng mabubuting pasiya at sumulong.
Ipinaliwanag Niya na ang Kanyang mga anak ay “nararapat na maging sabik sa paggawa ng mabuting bagay, at gumawa ng maraming bagay sa kanilang sariling kalooban, at isakatuparan ang maraming kabutihan; Sapagkat ang kapangyarihan ay nasa kanila, kung saan sila ay kinatawan ng kanilang sarili. At yayamang ang tao ay gumagawa ng mabuti hindi mawawala sa kanila ang kanilang gantimpala” (Doktrina at mga Tipan 58:27–28).
Ang kapangyarihang iyon ay nasa iyo. Maaari mong tanggapin ang responsibilidad para sa iyong pagkatuto. Kung maysakit ang guro at hindi makarating, maaari mong piliing magpraktis na kasama ng iba pang mga mag-aaral. Kung mayroon kang hindi maunawaan, maaari kang humingi ng tulong. Kung kailangan mo ng mga ideya kung paano makapag-aral nang mas mahusay, maaari mong itanong sa iba pang mga mag-aaral sa iyong grupo kung ano ang umuubra sa kanila. May kapangyarihan kang pumili at kumilos. Sa Diyos, ikaw ang nagpapasiya kung ano ang matututuhan at kahihinatnan mo.
Ponder
-
Ano sa paniwala mo ang iyong responsibilidad bilang mag-aaral?
-
Ano ang magagawa mo para tanggapin ang responsibilidad sa sarili mong pagkatuto?
Memorize Vocabulary
Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang matuto ng iba pang mga salitang magagamit mo sa mga pattern. Isiping gumamit ng diksyunaryo o tagasalin o magtanong sa isang kaibigan.
date |
petsa |
day |
araw |
time |
oras |
at |
sa |
on |
noong |
Time
noon |
tanghali |
midnight |
hatinggabi |
five o’clock/5:00 a.m. |
alas-singko ng umaga/5:00 n.u. |
five thirty/5:30 p.m. |
alas-singko y medya ng hapon/5:30 n.h. |
Days
Sunday |
Linggo |
Monday |
Lunes |
Tuesday |
Martes |
Wednesday |
Miyerkules |
Thursday |
Huwebes |
Friday |
Biyernes |
Saturday |
Sabado |
Saturday, January 1st |
Sabado, Ika-1 ng Enero |
Verbs
clean the house |
linisin ang bahay |
get the mail |
kunin ang liham |
wash the dishes |
maghugas ng mga pinagkainan |
Practice Pattern 1
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”
Q: What time is it?A: It’s (time).
Examples
Q: What time is it?A: It’s five o’clock.
Q: What day is it?A: It is Sunday.
Q: What day is it?A: It’s February 5th.
Practice Pattern 2
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang gamitin ang mga pattern sa pakikipag-usap sa isang kaibigan. Maaari kang magsalita o magpadala ng mga mensahe.
Q: When do you (verb)?A: I (verb) on (day).
Examples
Q: When do they clean the house?A: They clean the house on Monday.
Q: When do you get the mail?A: I get the mail at noon.
Q: When does he wash the dishes?A: He washes the dishes at 5:30 p.m.
Use the Patterns
Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.
Conversation Group
Activity 1: Practice the Patterns
(10–15 minutes)
Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:
-
Magpraktis na magtanong.
-
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
-
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Ulitin para sa pattern 2.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(10–15 minutes)
New Vocabulary
Is it Friday, June 9th? |
Biyernes ba ito, ika-9 ng Hunyo? |
Tingnan ang kalendaryo. Pumili ng isang araw. Huwag sabihin sa partner mo kung aling araw ang pinili mo. Magtanong at sumagot sa mga tanong para mahulaan ang araw. Magsalitan.
Example
-
A: What day is it?
-
B: It’s Wednesday.
-
A: Is it Wednesday, June 7th?
-
B: No.
-
A: Is it Wednesday, June 14th?
-
B: Yes, it’s Wednesday, June 14th.
Activity 3: Create Your Own Conversations
(15–20 minutes)
Part 1
Magtanong at sumagot sa mga tanong kung kailan mo ginagawa ang isang bagay. Gumamit ng bokabularyo mula sa lesson na ito at sa lesson 11. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.
Example
-
A: When do you wake up?
-
B: I wake up at 7:00 a.m.
-
A: When do you visit your friends?
-
B: I visit my friends on Saturday at 5:30 p.m.
Part 2
Magtanong at sumagot sa mga tanong kung kailan ka nagdiriwang ng mahahalagang kaganapan. Pag-usapan ang mahahalagang kaganapan sa listahan o mag-isip ng iba pang mahahalagang kaganapan. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan.
New Vocabulary
anniversary |
anibersaryo |
celebrate |
magdiwang |
holiday |
holiday |
Mahahalagang Kaganapan
-
Kaarawan mo
-
Kaarawan ng isang miyembro ng pamilya
-
Isang anibersaryo
-
Ang paborito mong holiday (Pasko; Araw ng Kalayaan; Bagong Taon)
Example
-
A: When do you celebrate your sister’s birthday?
-
B: I celebrate my sister’s birthday on December 10th.