“Lesson 15: Mga Trabaho at Propesyon,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 15,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 15
Jobs and Careers
Layunin: Matututo akong magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa trabaho ng isang tao.
Personal Study
Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.
Study the Principle of Learning: Exercise Faith in Jesus Christ
Manampalataya kay Jesucristo
Jesus Christ can help me do all things as I exercise faith in Him.
Matutulungan ako ni Jesucristo na gawin ang lahat ng bagay kapag nananampalataya ako sa Kanya.
Ang mga disipulo ni Jesucristo ay nasa isang bangka. Malakas ang hangin, at mataas ang mga alon. Sa gitna nito, nakita nila si Jesus na naglalakad sa tubig papunta sa kanila. Tinanong si Jesus ng isa sa Kanyang mga disipulo na si Pedro kung puwede siyang lumakad sa tubig para salubungin Siya. Inanyayahan ni Jesus si Pedro na gawin ang tila imposible.
Sinasabi sa atin sa Biblia ang sumunod na nangyari: “[At nang bumaba] si Pedro sa bangka [ay] lumakad [siya] sa ibabaw ng tubig patungo kay Jesus.
“Ngunit nang mapansin niya ang hangin, natakot siya, at nang siya’y papalubog na ay sumigaw siya, Panginoon, iligtas mo ako!
“Inabot kaagad ni Jesus ang kamay niya at hinawakan siya, na sinasabi sa kanya, O ikaw na maliit ang pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?” (Mateo 14:29–31).
Noong una, kumilos si Pedro nang may pananampalataya, at mahimala siyang nagsimulang lumakad sa tubig. Ngunit nang tumigil siya sa pagtingin kay Jesus at nagsimulang tumingin sa unos, nagsimula siyang lumubog. Tulad ni Pedro, kung magtutuon ka sa iyong mga pangamba, baka gustuhin mong huminto. Sa halip, maaari kang magtuon kay Jesus. Ang matuto ng bagong wika ay maaaring tila imposible. Magtiwala na matutulungan ka ni Jesucristo na gawin ang mga bagay na tila imposible.
Ponder
-
Ano ang ilang paraan na maaari kang magtuon sa iyong pananampalataya kay Jesucristo kapag nahihirapan ka o nanghihina?
-
Gaano na lumago ang iyong paniniwala kay Jesucristo mula nang magsimula ka sa EnglishConnect?
Memorize Vocabulary
Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang matuto ng iba pang mga salitang magagamit mo sa mga pattern. Isiping gumamit ng diksyunaryo o tagasalin o magtanong sa isang kaibigan.
Verbs
build |
magtayo |
clean |
maglinis |
deliver |
magligtas |
design |
magdisenyo |
help |
tumulong |
manage |
mamahala |
own |
sarili |
sell |
magbenta |
serve |
magsilbi; maglingkod |
Nouns
business/businesses |
negosyo/mga negosyo |
building/buildings |
gusali/mga gusali |
computer/computers |
kompyuter/mga kompyuter |
customer/customers |
customer/mga customer |
employee/employees |
empleyado/mga empleyado |
product/products |
produkto/mga produkto |
warehouse/warehouses |
warehouse/mga warehouse |
Adjectives
challenging |
mahirap |
engaging |
nakakaengganyo |
fast-paced |
mabilis ang takbo |
meaningful |
makabuluhan |
stressful |
nakaka-stress |
Practice Pattern 1
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”
Q: What do you do for work?A: I (verb) (noun).
Examples
Q: What do you do for work?A: I manage a business.
Q: What does he do for work?A: He sells computers.
Q: What do they do?A: They design buildings.
Practice Pattern 2
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang unawain ang mga tuntunin sa mga pattern. Pag-isipan kung paano natutulad o naiiba ang Ingles sa iyong wika.
Q: Do you like to (verb) (noun)?A: Yes, it’s (adjective).
Examples
Q: Do you like to manage a business?A: Yes, it’s challenging.
Q: Does he like to sell computers?A: Yes, it’s fast-paced.
Q: Does she like to manage a warehouse?A: No, it’s stressful.
Q: Do they like to help customers?A: Yes, it’s engaging.
Use the Patterns
Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.
Conversation Group
Activity 1: Practice the Patterns
(10–15 minutes)
Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:
-
Magpraktis na magtanong.
-
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
-
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Ulitin para sa pattern 2.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(10–15 minutes)
Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa trabaho ng bawat tao. Magsalitan.
Example: Paul
-
A: What does Paul do for work?
-
B: He delivers products.
-
A: Does Paul like to deliver products?
-
B: Yes, it’s fast-paced.
Activity 3: Create Your Own Conversations
(15–20 minutes)
Pumili ng tatlong miyembro ng pamilya. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa trabaho ng bawat tao. Gumamit ng mga pattern at bokabularyo mula sa lesson na ito at sa lesson 14. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan.
New Vocabulary
fix |
ayusin |
airplane |
eroplano |
airport |
airport |
Example
-
A: Where does your brother work?
-
B: He works at an airport.
-
A: What’s his job?
-
B: He’s a mechanic.
-
A: What does he do for work?
-
B: He fixes airplanes.
-
A: Does he like to fix airplanes?
-
B: Yes, it’s challenging.