“Lesson 20: Tahanan,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 20,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 20
Home
Layunin: Matututo akong magtanong at sumagot sa mga tanong kung saan nakatira ang isang tao.
Personal Study
Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.
Study the Principle of Learning: Love and Teach One Another
Mahalin at Turuan ang Isa’t Isa
I can learn by the Spirit as I love, teach, and learn with others.
Maaari akong matuto sa pamamagitan ng Banal na Espiritu kapag ako ay nagmahal, nagturo, at natuto na kasama ng iba.
Ikaw ay anak ng Diyos. Nais Niyang tulungan kang lumago at umunlad. Nais Niyang tulungan kang magkaroon ng mga bagong kakayahan at matuto ng maraming mabuting bagay. Ang isang mahalagang paraan para matuto ay ang turuan ang iba. Kapag nagturo ka sa isa pang tao, maaaring lumago ang sarili mong pang-unawa. Binigyan ka na ng Diyos ng isang napakagandang pangako:
“At binibigyan ko kayo ng kautusan na turuan ninyo ang isa’t isa ng doktrina ng kaharian.
“Masigasig kayong magturo at ang aking biyaya ay dadalo sa inyo, upang kayo ay lalong ganap na matagubilinan …
“Upang kayo ay maging handa sa lahat ng bagay” (Doktrina at mga Tipan 88:77–78, 80).
Kapag tinuturuan at pinaglilingkuran natin ang isa’t isa, inaanyayahan natin ang Espiritu na sumaatin. Maaari tayong tulungan ng Espiritu na mas makaunawa at mas mabilis na matuto. Ang pagtuturo sa iba ay isang paraan na dinaragdagan ng Diyos ang kakayahan nating matuto. Kung minsa’y natatakot tayong magturo sa iba. Kung minsa’y iniisip natin na wala tayong anumang maibibigay. Ngunit alam ng Diyos na napakarami ninyong kabutihang maibabahagi sa iba. Kapag ibinahagi natin ang ating natututuhan, tinuturuan natin ang isa’t isa. Kapag tinuruan ninyo ang iba at ibinahagi ang inyong mga karanasan, tutulungan kayo ng Espiritu na mas matuto pa.
Ponder
-
Paano makakatulong sa iyo ang pagtuturo sa iba na mag-ibayo ang iyong pagkatuto?
-
Ano ang ilang paraan na makakatulong kang turuan at suportahan ang mga nasa iyong EnglishConnect group?
Memorize Vocabulary
Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang lagyan ng label ang mga bagay sa iyong tahanan para maalala mo ang mga salitang Ingles.
Where do you live? |
Saan ka nakatira? |
I live in … |
Nakatira ako sa … |
Nouns 1
apartment |
apartment |
house |
bahay |
Nouns 2
bathroom/bathrooms |
banyo/mga banyo |
bedroom/bedrooms |
silid-tulugan/mga silid-tulugan |
closet/closets |
aparador/mga aparador |
dining room |
komedor, silid-kainan |
family room |
silid-pampamilya |
kitchen |
kusina |
living room |
salas |
room/rooms |
kuwarto/mga kuwarto |
stairs |
hagdanan |
Prepositions
above |
sa itaas |
across from |
katapat |
below |
sa ibaba |
next to |
sa tabi ng |
left of/to the left of |
kaliwa ng/sa kaliwa ng |
right of/to the right of |
kanan ng/sa kanan ng |
Practice Pattern 1
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”
Q: Where do you live?A: I live in an (noun 1).
Examples
Q: Where do you live?A: I live in an apartment.
Q: Where does she live?A: She lives in a house.
Practice Pattern 2
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang bigkasin nang malakas ang mga pattern. Isiping irekord ang sarili mo. Pansinin ang iyong pagbigkas at katatasan.
Q: Where is the (noun 2)?A: It’s (preposition) the (noun 2).
Examples
Q: Where is the closet?A: It’s next to the bedroom.
Q: Where is the dining room?A: It’s to the right of the kitchen.
Use the Patterns
Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.
Conversation Group
Activity 1: Practice the Patterns
(10–15 minutes)
Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:
-
Magpraktis na magtanong.
-
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
-
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Ulitin para sa pattern 2.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(10–15 minutes)
Magtanong at sumagot sa mga tanong kung saan kayo nakatira ng iyong pamilya. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.
-
A: Where do you live?
-
B: I live in an apartment.
-
A: Where is the kitchen in your apartment?
-
B: In my apartment, the kitchen is next to the living room.
Activity 3: Create Your Own Conversations
(15–20 minutes)
Part 1
Tingnan ang floor plan. Magtanong at sumagot sa mga tanong kung nasaan ang mga kuwarto. Magsalitan.
Example
-
A: Where is the dining room?
-
B: The dining room is to the right of the kitchen.
Part 2
Magdrowing ng isang floor plan nang mabilis. Lagyan ng label ang mga kuwarto. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa floor plan. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan.
New Vocabulary
How many bedrooms are there? |
Ilan ang silid-tulugan doon? |
Is there a living room? |
Mayroon bang salas? |
Example
-
A: How many rooms are there?
-
B: There are two rooms.
-
A: Is there a kitchen?
-
B: Yes, there is.
-
A: Where is the living room?
-
B: The living room is next to the kitchen.