“Lesson 21: Tahanan,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 21,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 21
Home
Layunin: Matututo akong ilarawan ang banyo at silid-tulugan.
Personal Study
Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.
Study the Principle of Learning: Counsel with the Lord
Sumangguni sa Panginoon
I improve my learning by counseling with God daily about my efforts.
Pinaghuhusay ko ang aking pag-aaral sa pamamagitan ng pagsangguni sa Diyos araw-araw tungkol sa aking mga pagsisikap.
Nagtuturo si Jesucristo sa isang grupo ng mga tao nang lapitan Siya ng isang binata at tanungin kung ano ang kailangan niyang gawin para umunlad. Ang itinanong ng binata ay isang bagay na maaaring itanong ng bawat isa sa atin kapag sumangguni tayo sa Ama sa Langit para maging mas mahusay:
“Ano pa ang kulang sa akin?” (Mateo 19:20).
Maaari mo ring itanong ang bagay na ito sa panalangin. Nagdarasal tayo sa Diyos sa pangalan ng Kanyang Anak na si Jesucristo. Sa tulong ng Diyos, maaari mong matukoy ang mga kaalamang kulang sa iyo at hangaring punan ang mga ito. Halimbawa, kung nahihirapan kang magsalita nang matatas, maaari kang mag-ukol ng 10 minuto para magpraktis ng pagsasalita nang hindi nag-aalala na baka magkamali ka. O kung marami kang pagkakamali, maaari kang mag-ukol ng 10 minuto para magpraktis ng pagsasalita nang dahan-dahan at maingat. Ang pagsangguni sa Panginoon ay maipauunawa sa iyo kung anong maliliit na hakbang ang kailangan mong gawin para makamtan ang iyong mga mithiin.
Ponder
-
Kapag sumasangguni ka sa Diyos, ano ang nakikita mong mga kulang sa iyong pagkatuto?
-
Anong maliliit na mithiin ang maitatakda mo para mapunan ang mga kulang na iyon?
Memorize Vocabulary
Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang lagyan ng label ang mga bagay sa iyong tahanan para maalala mo ang mga salitang Ingles.
There is … |
May … |
There are … |
May mga … |
Nouns
bathroom/bathrooms |
banyo/mga banyo |
bathtub/bathtubs |
bathtub/mga bathtub |
bed/beds |
kama/mga kama |
bedroom/bedrooms |
silid-tulugan/mga silid-tulugan |
blanket/blankets |
kumot/mga kumot |
cupboard/cupboards |
paminggalan/mga paminggalan |
door/doors |
pinto/mga pinto |
floor |
sahig |
lamp/lamps |
lampara/mga lampara |
mirror/mirrors |
salamin/mga salamin |
pillow/pillows |
unan/mga unan |
shower/showers |
dutsa/mga dutsa |
sink/sinks |
lababo/mga lababo |
toilet/toilets |
kubeta/mga kubeta |
towel/towels |
tuwalya/mga tuwalya |
window/windows |
bintana/mga bintana |
Prepositions
above |
sa itaas |
in |
sa |
next to |
sa tabi ng |
on |
sa ibabaw ng |
under |
sa ilalim ng |
Practice Pattern 1
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”
A: Tell me about your (noun).B: There is (noun) in the (noun).
Examples
A: Tell me about your bathroom.B: There is a mirror in the bathroom. There are sinks.
A: Tell me about your bedroom.B: There is a window in the bedroom. There are pillows.
Practice Pattern 2
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang gawin ang conversation group activities 1 at 2 bago magkita-kita ang iyong grupo.
Q: Where is the (noun)?A: The (noun) is above the (noun).
Examples
Q: Where are the towels?A: The towels are under the sink.
Q: Where is the window?A: The window is above the bed.
Use the Patterns
Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.
Conversation Group
Activity 1: Practice the Patterns
(10–15 minutes)
Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:
-
Magpraktis na magtanong.
-
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
-
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Ulitin para sa pattern 2.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(10–15 minutes)
Tingnan ang mga larawan. Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa bawat kuwarto. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan.
Example
-
A: Tell me about the bedroom.
-
B: There is a bed in the bedroom. There is a mirror next to the bed. There are clothes on the floor.
-
A: Where is the blanket?
-
B: The blanket is on the bed.
Activity 3: Create Your Own Conversations
(15–20 minutes)
Part 1
Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa isang silid-tulugan. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan.
New Vocabulary
big |
malaki |
small |
maliit |
messy |
magulo |
clean |
malinis |
Example
-
A: Tell me about your bedroom.
-
B: There is a pillow on the bed. There is a blanket on the bed. There is a lamp next to the bed.
-
A: Is it messy or clean?
-
B: It is clean.
-
A: Where is the window?
-
B: The window is above the bed.
Part 2
Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa isang banyo. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan.
Example
-
A: Tell me about your bathroom.
-
B: There is a sink in the bathroom. There is a mirror above the sink. There is a cupboard under the sink. There is a shower next to the toilet.
-
A: Is it big or small?
-
B: It is small.
-
A: Where is the towel?
-
B: The towel is next to the shower.