“Lesson 22: Komunidad,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)
“Lesson 22,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral
Lesson 22
Community
Layunin: Matututo akong magtanong at magbigay ng direksyon.
Personal Study
Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.
Study the Principle of Learning: You Are a Child of God
Ikaw ay Anak ng Diyos
I am a child of God with eternal potential and purpose.
Ako ay anak ng Diyos na may walang-hanggang potensyal at layunin.
Isipin ang napag-alaman mo tungkol sa iyong pagkatao bilang anak ng Diyos. Isipin ang iyong relasyon sa Kanya. Isipin ang naituro Niya sa iyo tungkol sa iyong layunin at iyong potensyal. Pagnilayan ang mga karanasan mo sa pag-aaral ng Ingles. Paano mo nadama na tinutulungan ka Niyang gawin ang mga bagay na inakala mong imposible?
Ang iyong karanasan sa pakikipagtuwang sa Diyos para matuto ay naghanda sa iyo na tulungan ang iba.
Itinuro ni Jesus sa atin: “Ibinibigay ko sa inyo na maging ilaw ng mga taong ito. … Samakatwid hayaan na ang inyong ilaw ay magliwanag sa harapan ng mga taong ito, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at luwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit” (3 Nephi 12:14, 16).
Napakarami mong maibabahaging liwanag. Maaari kang maging halimbawa kung paano matutulungan ng Diyos ang Kanyang mga anak na matuto at umunlad. Maaari mong ibahagi kung paano ka tinulungan ng Diyos na matuto ng Ingles. Maaari mong tulungan ang iba na matutong makipagtuwang sa Diyos para maabot ang kanilang potensyal. Maaari mong ibahagi sa kanila kung paano ka naniwala sa pahayag na “Ako ay anak ng Diyos na may walang-hanggang potensyal at layunin.”
Ponder
-
Paano ka magiging ilaw sa mga tao sa paligid mo?
-
Paano mo patuloy na malilinang ang relasyon mo sa iyong Ama sa Langit habang natututo ka at lumalago?
Memorize Vocabulary
Pag-aralan ang kahulugan at pagbigkas ng bawat salita sa harap ng iyong conversation group. Subukang gamitin ang mga bagong salita sa pakikipag-usap o sa mensahe sa isang taong marunong ng Ingles.
go |
humayo |
turn |
lumiko |
How do I get to … ? |
Paano ako makakarating sa … ? |
Nouns
bank |
bangko |
grocery store |
bilihan ng grocery |
restaurant |
restawran |
store |
tindahan |
train station |
istasyon ng tren |
First Street/1st Street |
Unang Kalye/Kalye 1 |
Green Lane |
Berdeng Eskinita o Daanan |
Adverbs
north |
hilaga |
south |
timog |
east |
silangan |
west |
kanluran |
left |
kaliwa |
right |
kanan |
straight |
diretso |
Prepositions
across from |
katapat |
between |
sa pagitan ng |
in front of |
sa harap ng |
next to |
sa tabi ng |
Practice Pattern 1
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Maaari mong palitan ang nakasalungguhit na mga salita ng mga salita sa bahaging “Memorize Vocabulary.”
Q: Where is the (noun)?A: It’s next to the (noun).
Examples
Q: Where is the grocery store?A: It’s next to the bank.
Q: Where is the grocery store?A: It’s between the restaurant and the bank.
Practice Pattern 2
Magpraktis na gamitin ang mga pattern hanggang sa maging tiwala kang magtanong at sumagot sa mga tanong. Subukang gamitin ang mga pattern sa pakikipag-usap sa isang kaibigan. Maaari kang magsalita o magpadala ng mga mensahe.
Q: How do I get to the (noun)?A: Go (adverb) on First Street.
Examples
Q: How do I get to the store?A: Go north. Turn right on First Street.
Q: How do I get to the train station?A: Go straight. Turn left on Green Lane. Turn right on B Street.
Use the Patterns
Sumulat ng apat na tanong na maaari mong itanong sa iba. Sumulat ng sagot sa bawat tanong. Basahin ang mga iyon nang malakas.
Conversation Group
Activity 1: Practice the Patterns
(10–15 minutes)
Rebyuhin ang listahan ng bokabularyo na may kasamang partner.
Praktisin ang pattern 1 na may kasamang partner:
-
Magpraktis na magtanong.
-
Magpraktis na sumagot sa mga tanong.
-
Magpraktis na makipag-usap gamit ang mga pattern.
Ulitin para sa pattern 2.
Activity 2: Create Your Own Sentences
(10–15 minutes)
Magtanong at sumagot sa mga tanong na tungkol sa isang lungsod o bayan na alam mo. Sabihin ang lahat ng maaari mong sabihin. Magsalitan.
New Vocabulary
bakery |
bakery |
bookstore |
bookstore |
church |
simbahan |
library |
silid-aklatan |
park |
parke |
post office |
post office |
school |
paaralan |
Example
-
A: Where is the bank?
-
B: It’s next to the post office.
-
A: Where is the park?
-
B: It’s across from my house.
Activity 3: Create Your Own Conversations
(15–20 minutes)
Magdula-dulaan. Tingnan ang mapa. Si partner A ang pipili kung saan manggagaling at saan pupunta. Si partner B ang magbibigay ng direksyon. Magpalitan ng ginagampanang papel.
Example
-
A: I’m at the grocery store. How do I get to the bank?
-
B: Go south on Main Street. Turn left on C Street. Then turn right on 1st Street. The bank is across from the train station.