Mga Hanbuk at Calling
6. Ang Bishopric


“6. Ang Bishopric,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2020).

“6. Ang Bishopric,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

6.

Ang Bishopric

6.1

Ang Bishop at Kanyang mga Counselor

Taglay ng bishop ang mga susi ng priesthood para pamunuan ang gawain ng Simbahan sa ward (tingnan sa 3.4.1). Siya at ang kanyang mga counselor ang bumubuo sa bishopric. Sila ay tumatanggap ng patnubay mula sa stake presidency. Pinangangalagaan nila ang mga miyembro ng ward nang may pagmamahal at tinutulungan silang maging mga tunay na tagasunod ni Jesucristo (tingnan sa Moroni 7:48).

Ang bishop ay may limang pangunahing responsibilidad:

  • Siya ang namumunong high priest sa ward.

  • Siya ang pangulo ng Aaronic Priesthood.

  • Siya ay isang pangkalahatang hukom.

  • Pinangangasiwaan niya ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan, kabilang ang pangangalaga sa mga nangangailangan.

  • Siya ang namamahala sa mga talaan, pananalapi, at sa paggamit ng meetinghouse.

Dahil taglay ng bishop ang mga susi ng priesthood, siya ang may karapatang tumanggap ng paghahayag para sa ward (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 128:11). Samakatwid, may ilang responsibilidad na siya lamang ang makagagawa. Ang mga ito ay ilalarawan sa bahaging ito.

Ang pangunahing responsibilidad ng bishop ay sa bagong henerasyon sa ward, kabilang na ang mga young single adult. Upang mapagtuunan niya ang responsibilidad na ito, itinatalaga niya sa iba ang maraming takdang-gawain (tingnan sa 4.2.6). Maaari siyang magtalaga ng mga takdang-gawain sa kanyang mga counselor, sa clerk at mga assistant clerk, sa executive secretary, sa mga lider ng korum at organisasyon, at sa iba pa.

Kung hindi kaya ng bishop na gampanan ang kanyang mga responsibilidad, maaaring pansamantalang kumilos sa kanyang ngalan ang isang counselor, maliban kung iba ang nakasaad sa hanbuk na ito. Ang bishop o ang kanyang counselor ay sumasangguni sa stake president kung may mga tanong siya tungkol sa pagkilos ng counselor sa ngalan ng bishop.

6.1.1

Namumunong High Priest

Ang bishop ang pangunahing espirituwal na lider ng ward. Nagpapakita siya ng halimbawa sa pamamagitan ng paglilingkod “nang may kabanalan ng puso” (Mosias 18:12). Siya ay nagtuturo, nagpapasigla, at nagbibigay-inspirasyon (tingnan sa Mateo 20:28). Sinusunod niya ang mga alituntunin ng pamumuno sa Doktrina at mga Tipan 121:34–46.

Ang bishop ay isang matapat na disipulo ni Jesucristo. Siya ay tapat sa kanyang mga tipan. Siya ay matapat sa kanyang asawa at pamilya. Nagpapakita siya ng halimbawa ng kabutihan para sa kanyang pamilya, sa ward, at sa komunidad. (Tingnan sa 1 Timoteo 3:2-7.) Ang kanyang mga counselor ay mga lalaking gayundin ang pagkatao.

Ang bishop ay nagbibigay ng patnubay at payo sa iba pang mga lider ng ward. Hinihikayat niya sila na gampanan ang kanilang mga responsibilidad.

6.1.1.1

Mga Organisasyon at mga Priesthood Quorum sa Ward

Ang bishop ang may responsibilidad para sa mga organisasyon ng Young Women at Relief Society sa ward. Iniaatas niya sa kanyang mga counselor ang responsibilidad para sa mga organisasyon ng Sunday School at Primary at iba pang mga programa sa ward. (Tingnan sa 9.3.1, 11.3.1, 12.3.1, at 13.2.1.)

Ang mga responsibilidad ng bishop para sa mga Aaronic Priesthood quorum ay nakasaad sa 6.1.2. Ang kanyang mga responsibilidad para sa mga elders quorum ay nakasaad sa 8.3.1.

Ginagabayan din ng bishop ang elders quorum president at Relief Society president sa pamamahala sa ministering. Nakikipagpulong siya sa kanilang dalawa nang hindi bababa sa isang beses bawat quarter para tugunan ang mga pangangailangan ng mga indibiduwal at pamilya (tingnan sa 21.2).

6.1.1.2

Mga Ordenansa at Basbas

Ang bishop ang namamahala sa pangangasiwa ng mga sumusunod na ordenansa at basbas sa ward:

  • Ang sakramento

  • Pagbibigay ng pangalan at basbas sa mga bata

  • Binyag at kumpirmasyon ng 8-taong-gulang na mga child of record (para sa mga may kapansanan sa pag-iisip, tingnan ang 18.3; para sa mga convert, tingnan ang 18.7.1.2)

  • Paggagawad ng Aaronic Priesthood at mga ordinasyon sa mga katungkulan ng deacon, teacher, at priest

Para sa impormasyon tungkol sa mga ordenansa at basbas, tingnan ang kabanata 18.

6.1.1.3

Mga Council at Miting

Pinamumunuan ng bishop ang ward council at ang ward youth council (tingnan sa 29.2.5 at 29.2.6). Ginagamit niya ang mga council na ito upang tumulong sa pag-oorganisa ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan sa ward. Itinatalaga niya ang karamihan sa gawaing ito at nagpa-follow up sa mga takdang-gawain (tingnan sa 4.2.6).

Inaanyayahan ng bishop ang mga lider na magsanggunian kung paano bumuo ng espirituwal na lakas at pagkakaisa sa ward. Hinihikayat niya ang lahat ng miyembro ng council na humingi ng inspirasyon at makibahagi sa mga talakayan. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:122; tingnan din sa 7.6 sa hanbuk na ito.)

Ang bishopric ang nagpaplano ng mga sacrament meeting at iba pang mga miting ng ward na nakalista sa kabanata 29. Ang bishop ang namumuno sa mga miting ng ward maliban kung dadalo ang isang miyembro ng stake presidency, Area Seventy, o General Authority. Ang mga miting na ito ay maaaring pangasiwaan ng mga counselor ng bishop. Maaari din nilang pamunuan ang mga ito kung wala ang bishop.

6.1.1.4

Mga Pagtawag at Pagrelease

Ang mga responsibilidad ng bishop sa mga pagtawag at pagrelease ay nakasaad sa kabanata 30. Maaari niyang atasan ang kanyang mga counselor na magbigay ng mga calling at magsagawa ng mga pagrelease gaya ng nakasaad sa Chart ng mga Calling (30.7).

6.1.2

Pangulo ng Aaronic Priesthood

“Ang [bishopric] ang panguluhan ng pagkasaserdoteng [Aaronic], at humahawak sa mga susi o kapangyarihan ng nabanggit” (Doktrina at mga Tipan 107:15; tingnan din sa talata 20). Taglay ng bishop ang sumusunod na mga responsibilidad bilang pangulo ng Aaronic Priesthood sa ward. Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor.

  • Suportahan ang mga magulang sa pagtuturo sa mga kabataan. Tulungan ang mga kabataan na maglingkod nang tapat, gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan, at maghandang tanggapin ang mga ordenansa sa templo. Tulungan ang mga kabataang lalaki na maghandang maorden sa mga katungkulan ng priesthood at maglingkod ng full-time mission. Kung nais ng mga kabataang babae na maglingkod ng full-time mission, tulungan silang maghanda. Ang programang Mga Bata at Kabataan ay makatutulong sa mga pagsisikap na ito (tingnan sa ChildrenandYouth.ChurchofJesusChrist.org).

  • Ang bishopric ang namamahala sa mga Aaronic Priesthood quorum at mga Young Women class. Ang bishop ang president ng priests quorum (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:87–88). Ang kanyang first counselor ay responsable sa teachers quorum. Ang kanyang second counselor ay responsable sa deacons quorum. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pamumuno sa Aaronic Priesthood quorum, tingnan ang 10.3, 10.4, at 10.5.

  • Sumangguni sa ward Young Women president. Hindi niya itinatalaga sa isang counselor ang responsibilidad na ito. Siya at ang kanyang mga counselor ay regular ding nakikibahagi sa mga miting, paglilingkod, at aktibidad ng Young Women (tingnan sa 11.3.1).

  • Regular na interbyuhin ang mga kabataan. Para sa mga tuntunin tungkol sa mga interbyu na ito, tingnan ang 31.1.7.

  • Suportahan ang mga pamilya at mga lider at guro sa Primary sa kanilang mga pagsisikap na tulungan ang mga bata na gumawa at tumupad ng mga tipan (tingnan sa kabanata 12).

6.1.3

Pangkalahatang Hukom

Ang bishop ang pangkalahatang hukom sa ward (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:71–74). Nagsisikap siyang tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas bilang isang mabuting hukom (tingnan sa 3 Nephi 27:27). Siya ay may mga sumusunod na responsibilidad:

  • Tulungan ang mga kabataan at adult na maging kwalipikado at maging karapat-dapat na magkaroon ng temple recommend.

  • Magsagawa ng mga interbyu sa pagiging karapat-dapat gaya ng nakasaad sa 31.1.5. Maaari niyang iawtorisa ang kanyang mga counselor na isagawa ang ilang mga interbyu (tingnan sa 31.1.6). Para sa mga tuntunin tungkol sa mga interbyu sa pagiging karapat-dapat, tingnan ang 31.1.1.

  • Payuhan ang mga miyembro ng ward na naghahangad ng espirituwal na patnubay, may mabibigat na personal na problema, o nakagawa ng mabibigat na kasalanan, tinutulungan silang makakuha ng tulong mula sa nagpapagaling na kapangyarihan ni Jesucristo. Maaaring hilingin ng bishop sa kanyang mga counselor, elders quorum president at Relief Society president, at iba pa na payuhan ang mga miyembro ng ward tungkol sa ilang bagay. Gayunman, ang bishop lamang ang nagpapayo sa mga miyembro ng ward tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pagkamarapat, pang-aabuso, at pag-apruba sa paggamit ng pondo ng handog-ayuno. Para sa mga tuntunin sa pagpapayo, tingnan ang 31.2.

  • Sa ilalim ng pamamahala ng stake president, magdaos ng mga membership council kung kinakailangan ayon sa mga tuntunin sa kabanata 32.

6.1.4

Pag-oorganisa ng Gawain ng Kaligtasan at Kadakilaan

Inoorganisa ng bishop ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan sa ward (tingnan sa kabanata 1). Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor at iba pang mga lider ng ward.

Tinutulungan ng bishop ang mga miyembro na ipamuhay ang ebanghelyo. Tinutulungan niya silang palakasin ang kanilang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 20:29). Tinuturuan niya silang manalangin at pag-aralan ang mga banal na kasulatan. Inaanyayahan Niya silang gumawa ng mga tipan sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan. Hinihikayat niya silang tuparin ang kanilang mga tipan.

Pinalalakas ng bishop ang mga miyembro ng Simbahan. Hinihikayat niya ang mga pamilya na makibahagi sa regular na panalangin ng pamilya at sama-samang pag-aralan ang ebanghelyo, kabilang na sa home evening. Tinuturuan niya silang mahalin at paglingkuran ang isa’t isa. Itinuturo niya sa pamamagitan ng salita at halimbawa na maaaring magampanan ang mga calling sa Simbahan nang hindi nagiging sagabal sa pagtupad sa mga responsibilidad sa pamilya. Tinitiyak din niya na ang mga aktibidad sa Simbahan ay sumusuporta sa mga pagsisikap ng mga magulang na palakihin ang kanilang mga anak sa kabutihan.

Bukod sa pagtulong sa mga miyembro na ipamuhay ang ebanghelyo, ang bishop ay mayroong iba pang mga responsibilidad sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan. Halimbawa:

  • Tinutulungan niya ang mga lalaki na maghandang maordenan sa mga katungkulan sa priesthood.

  • Pinamumunuan niya ang mga pagsisikap na pangalagaan ang mga nangangailangan sa ward (tingnan sa 6.1.4.1 at 22.2.1).

  • Ginagabayan niya ang elders quorum presidency at Relief Society presidency sa kanilang pamumuno sa mga pagsisikap sa ministering sa ward (tingnan sa 21.2.1).

  • Pinag-uugnay niya ang gawain ng elders quorum presidency at Relief Society presidency habang pinamumunuan nila ang mga pagsisikap ng ward na ibahagi ang ebanghelyo at palakasin ang mga bago at nagbabalik na miyembro (tingnan sa 23.1).

  • Pinag-uugnay niya ang mga pagsisikap ng elders quorum presidency at Relief Society presidency habang pinamumunuan nila ang gawain sa templo at family history sa ward (tingnan sa 25.2).

  • Tinutulungan niya ang mga miyembro na maghandang tumanggap ng temple recommend at mga ordenansa sa templo (tingnan sa 27.1).

6.1.4.1

Pamumuno sa mga Pagsisikap na Pangalagaan ang mga May Temporal na Pangangailangan

Ang bishop ay inutusan ng Diyos na hanapin at pangalagaan ang mga may temporal na pangangailangan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:112). Itinatalaga niya ang malaking bahagi ng gawaing ito sa Relief Society presidency at elders quorum presidency.

Ang ilang tungkulin ay maaari lamang gawin ng bishop. Halimbawa, tinutukoy niya ang uri, halaga, at tagal ng anumang temporal na tulong na ibibigay ng Simbahan. Sa paggawa nito, madalas siyang sumasangguni sa Relief Society president at elders quorum president. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 22.4 at 22.5.

Itinuturo ng mga miyembro ng bishopric ang mga alituntunin ng pangangalaga sa mga nangangailangan at pag-asa sa sariling kakayahan (tingnan sa 22.1). Itinuturo din nila ang batas ng ayuno (tingnan sa 22.2.2). Pinangangasiwaan nila ang pagtitipon ng mga handog-ayuno (tingnan sa 34.4.2).

Tinuturuan ng bishop ang iba pang mga lider ng ward sa kanilang mga responsibilidad na pangalagaan ang mga nangangailangan. Pinamumunuan din niya ang ward council sa mga pagsisikap na ito.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano pinangangalagaan ng bishop ang mga nangangailangan, tingnan ang 22.6.1.

6.1.5

Mga Talaan, Pananalapi, at ang Meetinghouse

Ang bishop ang namamahala sa mga talaan ng ward, pananalapi ng ward, at meetinghouse. Maaari niyang iatas sa kanyang mga counselor at mga clerk ang karamihan sa mga gawaing nauukol sa mga talaan at pananalapi. icon, mga tuntunin sa pag-aangkopMaaari niyang atasan ang isa sa kanyang mga counselor na magsilbing ward building representative, o maaari siyang tumawag ng ibang miyembro para gawin ito.

Para sa impormasyon tungkol sa mga talaan, tingnan ang kabanata 33. Para sa impormasyon tungkol sa pananalapi, tingnan ang kabanata 34. Para sa impormasyon tungkol sa mga meetinghouse, tingnan ang kabanata 35.

6.2

Mga Pagkakaiba ng mga Branch Presidency sa mga Bishopric

Sa isang branch, isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood ang tinatawag bilang branch president. Taglay niya ang mga susi ng priesthood na kailangan niya para mamuno (tingnan sa 3.4.1.1). Siya at ang kanyang mga counselor ay naglilingkod na katulad ng isang bishopric ngunit may mga sumusunod na pagkakaiba:

  • Ang branch president ay maaaring isang elder o high priest. Ang bishop ay dapat na isang high priest.

  • Ang branch president ay hindi sine-set apart bilang namumunong high priest. Gayunman, siya ang namumuno sa branch at nagtataglay ng lahat ng responsibilidad na inilarawan sa 6.1.1.

  • Ang mga counselor sa isang branch presidency ay hindi maaaring magbigay ng mga temple recommend (tingnan sa 26.3.1).

6.3

Ward Executive Secretary

Ang bishopric ay nagrerekomenda ng isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood na maglilingkod bilang ward executive secretary. Ibinibigay nila ang rekomendasyong ito sa stake presidency. Ang executive secretary ay dapat karapat-dapat na magkaroon ng temple recommend. Siya ay tinatawag at sine-set apart ng isang miyembro ng stake presidency o ng isang inatasang high councilor.

Ang executive secretary ay nakikipagtulungang mabuti sa bishop at sa kanyang mga counselor, ngunit hindi siya miyembro ng bishopric. Siya ay may mga sumusunod na responsibilidad:

  • Nakikipagpulong sa bishopric at naghahanda ng mga agenda o talaan ng pag-uusapan kapag inatasan.

  • Naglilingkod bilang miyembro ng ward council at dumadalo sa mga ward council meeting. Kapag inatasan ng bishopric, nagpa-follow-up sa mga takdang-gawain na ibinigay sa mga miting na ito.

  • Nag-iiskedyul ng mga appointment para sa bishopric.

  • Nag-iiskedyul ng mga interbyu para sa mga kabataan at adult na kailangang magpanibago ng kanilang mga temple recommend.

  • Kung inatasan ng bishopric, pag-ugnayin ang mga pagsisikap ng ward na tulungan ang mga miyembro na makakuha ng kopya ng mga magasin ng Simbahan (tingnan sa 38.8.8).

  • Tulungan ang bishopric sa mga bagay na may kinalaman sa seminary at institute, tulad ng pagtulong sa mga miyembro ng ward na magrehistro para sa mga klase (tingnan sa kabanata 15).

  • Nag-iingat ng isang updated na listahan ng mga pangalan at address ng mga miyembro ng ward na nasa military. Tinitiyak na alam ng mga lider ng ward ang mga tungkol sa mga miyembrong ito (tingnan sa 38.9.2). Ipinapaalam sa stake executive secretary kapag nagpaplano ang mga miyembro na pumasok sa military.

6.4

Ward Clerk at mga Assistant Ward Clerk

Ang bishop ay nagrerekomenda ng isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood na maglilingkod bilang ward clerk. Ibinibigay niya ang rekomendasyong ito sa stake presidency. Ang clerk ay dapat karapat-dapat na magkaroon ng temple recommend. Siya ay tinatawag at sine-set apart ng isang miyembro ng stake presidency.

Maaari ding tumawag ng mga assistant ward clerk (tingnan sa 33.4.3). Sila ay tinatawag at sine-set apart ng isang miyembro ng stake presidency o ng isang inatasang high councilor.

Ang mga clerk ay nakikipagtulungang mabuti sa bishop at sa kanyang mga counselor, ngunit hindi sila miyembro ng bishopric. Ang mga responsibilidad ng ward clerk at ng mga assistant ward clerk ay nakasaad sa 33.4.2 at 33.4.3.