Mga Bata at Kabataan
Pagsunod sa Tagapagligtas sa Lahat ng Aspeto ng Inyong Buhay


“Pagsunod sa Tagapagligtas sa Lahat ng Aspeto ng Inyong Buhay,” Panimulang Gabay para sa Mga Bata at Kabataan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2019)

“Pagsunod sa Tagapagligtas sa Lahat ng Aspeto ng Inyong Buhay,” Panimulang Gabay para sa Mga Bata at Kabataan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Pagsunod sa Tagapagligtas sa Lahat ng Aspeto ng Inyong Buhay

Larawan
espirituwal, panlipunan, intelektuwal, pisikal

Nais ng Ama sa Langit na kayo ay matuto at umunlad. Isinugo Niya ang Kanyang Anak na si Jesucristo upang maging perpektong halimbawa para sa ating lahat sa lahat ng paraan. Itinuturo sa atin sa mga banal na kasulatan na sa Kanyang kabataan, “Lumalaki si Jesus sa karunungan at sa pangangatawan, at sa pagbibigay lugod sa Dios at sa mga tao” (Lucas 2:52).

Si Jesucristo ay umunlad sa lahat ng aspeto ng Kanyang buhay—sa espirituwal (pagbibigay-lugod sa Diyos), sa panlipunan (pagbibigay-lugod sa tao), sa pisikal (pangangatawan) at sa intelektuwal (karunungan)—at ito ay magagawa rin ninyo!

Ano ang mga ginagawa na ninyo sa mga aspetong ito? Simulang isipin kung ano ang gusto ninyong pagbutihin o simulang gawin.

Isulat o idrowing ang inyong mga ideya sa mga kahon sa ibaba:

Espirituwal

Panlipunan

Pisikal

Intelektuwal

Print