Mga Tulong para sa Mga Bata at Kabataan
Mensahe mula sa Unang Panguluhan


“Mensahe mula sa Unang Panguluhan,” Mga Bata at Kabataan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw: Isang Panimulang Gabay para sa mga Magulang at Lider (2019)

“Mensahe mula sa Unang Panguluhan”

Mensahe mula sa Unang Panguluhan

Minamahal kong mga kapatid,

Ang mga bata at kabataan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay minamahal na mga anak na lalaki at anak na babae ng Diyos. Sila ay may kakayahang makaimpluwensya nang malaki sa mundo.

Ang mga alituntuning itinuro sa pagsisikap na ito para sa mga bata at kabataan ay kumakatawan sa isang mas dakila at mas banal na paraan para mahikayat ang bagong henerasyon na tularan at sundin si Jesucristo at ipamuhay ang Kanyang ebanghelyo sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay. Kasama sa malaking pagsisikap na ito ang pag-aaral ng ebanghelyo, ang pribilehiyong maglingkod, personal na pag-unlad, at masasayang aktibidad. Ang pagsisikap na ito ay nagsisimula sa tahanan. Ang mga magulang ay may sagradong responsibilidad na turuan ang kanilang mga anak sa liwanag at katotohanan. Ang mga lider ng Simbahan ay nagbibigay ng mahalagang suporta at patnubay sa mga bata, kabataan, at kanilang mga pamilya.

Mahal namin kayo. May tiwala kami sa inyo. Nangangako kami na patuloy kayong pagpapalain at tutulungan ng ating Ama sa Langit habang inaakay at ginagabayan ninyo ang Kanyang mga anak nang may pananampalataya.

Ang Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawang Apostol

ang Tagapagligtas