Mga Tulong para sa Mga Bata at Kabataan
Mga Responsibilidad


“Mga Responsibilidad,” Mga Bata at Kabataan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw: Isang Panimulang Gabay para sa mga Magulang at Lider (2019)

“Mga Responsibilidad”

Mga Responsibilidad

Tahanan at mga Magulang

Larawan
pamilyang naglalakad sa labas

Ano ang aking responsibilidad?

Maging mabuting halimbawa sa iyong mga anak. Ituro sa kanila kung paano umunlad sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay. Humanap ng mga paraan na matulungan silang malaman ang kagalakan sa pagtupad ng mga tipan, pagtuklas ng mga bagong talento, at paggawa ng mahihirap na bagay. Tulungan ang iyong pamilya na lalong mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at ipamuhay ang ebanghelyo sa araw-araw.

Ano ang gagawin ko?

Ipaalam sa iyong mga anak kung gaano mo sila kamahal. Maging bahagi ng kanilang buhay. Manalangin para matukoy ang kanilang mga indibiduwal na pangangailangan at planuhin ang pag-aaral ng ebanghelyo at mga aktibidad upang matugunan ang mga pangangailangang iyon. Palaging ibahagi ang iyong patotoo sa kanila. Kausapin ang mga lider kung paano nila matutulungan na suportahan ang iyong mga anak.

Saan ako magsisimula?

Patuloy na kausapin at pakinggan ang iyong mga anak. Manalangin at hilingin na malaman mo kung paano mo sila masusuportahan. Tulungan silang tuklasin ang mga bagay na interesado silang matutuhan at simulang ituro ang mga bagay na iyon. Simulan o ipagpatuloy ang pagdarasal ng pamilya, pag-aaral ng ebanghelyo, paglilingkod, at mga aktibidad para matulungang umunlad ang iyong mga anak.

Mga Lider at Guro sa Primary

Larawan
pamilya na magkakasamang naglalaro

Ano ang aking responsibilidad?

Mahalin at palakasin ang mga bata. Tulungan ang mga magulang sa pagtulong sa mga anak na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa kanila, maunawaan ang ebanghelyo ni Jesucristo, madama at makilala ang impluwensya ng Espiritu Santo, at maghandang gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan.

Ano ang gagawin ko?

Tiyakin na ang mga klase sa Primary at oras ng pag-awit ay tumutulong sa mga bata na madama ang Espiritu, mapalakas ang pananampalataya, at madama ang kagalakan ng ebanghelyo ni Jesucristo sa kanilang buhay. Gamit ang mga aspeto ng pag-unlad na iminungkahi sa Lucas 2:52 bilang gabay, magplano ng masaya at kawili-wiling paglilingkod at mga aktibidad na nagpapatatag ng patotoo, nagpapalakas ng mga pamilya, at naghihikayat ng pagkakaisa at personal na pag-unlad.

Saan ako magsisimula?

Kilalanin ang mga bata at kanilang mga pamilya, at tugunan ang kanilang mga pangangailangan. Bilang panguluhan ng Primary, manalangin at itanong kung paano ninyo matutulungan ang inyong mga guro, music leader, at activity leader na matulungan ang mga bata na tularan at sundin ang Tagapagligtas.

Mga Lider ng Young Women

Larawan
mga dalagitang nagsusulat

Ano ang aking responsibilidad?

Tulungan ang mga magulang at ang bishopric sa paggabay at pagbibigay-inspirasyon sa mga kabataang babae na maunawaan ang kanilang identidad bilang mga anak na babae ng Diyos, maghanda para sa mga tipan sa templo, at isakatuparan ang kanilang mga banal na layunin. Gabayan ang mga panguluhan ng klase sa kanilang pamumuno, pagmi-minister, at paglilingkod sa mga miyembro ng kanilang klase.

Ano ang gagawin ko?

Magpakita ng mabuting halimbawa bilang disipulo ni Jesucristo. Gabayan ang mga panguluhan ng klase sa kanilang pagpaplano nang may panalangin at tumulong sa pagtuturo ng mga lesson mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Young Women. Hikayatin sila na mamuno sa pagpaplano at pagsasagawa ng paglilingkod at mga aktibidad na tutulong sa mga kabataang babae na umunlad sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay. Tulungan pa ang mga kabataang babae na nangangailangan nito.

Saan ako magsisimula?

Kilalanin ang bawat kabataang babae. Kausapin ang mga kabataang babae, kanilang mga magulang, at ang bishopric tungkol sa paraan kung paano ninyo masusuportahan ang pag-unlad ng mga kabataang babae. Ipagdasal na malaman kung paano ninyo matutulungan ang mga panguluhan ng klase na magtagumpay sa kanilang mga tungkulin.

Mga Lider ng Aaronic Priesthood

Ano ang aking responsibilidad?

Tulungan ang mga magulang at bishopric sa paghahanda ng mga kabataang lalaki para sa ordenasyon sa mga katungkulan sa priesthood, mga tipan sa templo, misyon, at mga banal na tungkulin. Bigyan sila ng inspirasyon para maunawaan ang kanilang layunin at identidad bilang mga anak na lalaki ng Diyos. Gabayan ang mga panguluhan ng korum sa kanilang pamumuno, pagmi-minister, at paglilingkod sa mga miyembro ng kanilang mga korum at sa pangangasiwa nila sa ordenansa ng sakramento.

Ano ang gagawin ko?

Magpakita ng mabuting halimbawa bilang disipulo ni Jesucristo. Gabayan ang mga panguluhan ng korum sa paggamit nila ng kanilang mga susi, pangangasiwa sa ordenansa ng sakramento, at mapanalanging magplano at tumulong sa pagtuturo ng mga lesson mula sa Come, Follow Me—Para sa Young Men. Tulungan silang magplano at magsagawa ng paglilingkod at mga aktibidad na tutulong sa mga kabataang lalaki na umunlad sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay. Hayaan silang mamuno. Tulungan pa ang mga kabataang lalaki na nangangailangan nito.

Saan ako magsisimula?

Mag-ukol ng oras sa mga kabataang lalaki. Kilalanin at mahalin ang bawat isa sa kanila. Kausapin ang bishopric, ang mga kabataang lalaki, at kanilang mga magulang upang malaman kung paano ninyo sila masusuportahan sa kanilang pag-unlad upang maging higit na katulad ng Tagapagligtas. Manalangin na malaman kung paano ninyo matutulungan ang inyong mga panguluhan ng korum sa paggamit ng kanilang mga susi at magtagumpay sa kanilang mga tungkulin.

Mga Guro sa Sunday School

Larawan
kabataan na nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Ano ang aking responsibilidad?

Sikaping tulungan ang mga kabataan na lumapit kay Cristo sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsunod sa Kanyang doktrina. Turuan ang mga kabataan na maunawaan, ibahagi, at ipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo.

Ano ang gagawin ko?

Magpakita ng mabuting halimbawa bilang disipulo ni Jesucristo, at tulungan ang mga kabataan na palakasin ang kanilang pananampalataya. Hikayatin sila na pag-aralan ang mga banal na kasulatan sa tahanan—nang mag-isa at kasama ang kanilang pamilya. Tulungan silang maghanda at magturo ng mga alituntunin ng doktrina. Hikayatin sila na ipamuhay ang natututuhan nila para sa kanilang personal na pag-unlad.

Saan ako magsisimula?

Sikaping magturo tulad ng ginawa ng Tagapagligtas. Kilalanin ang bawat kabataan. Ipagdasal na malaman kung paano mo sila matutulungan na maging higit na katulad ng Tagapagligtas. Palakasin ang mga miyembro ng klase at kanilang mga magulang sa pagsisikap na matutuhan at maituro ang ebanghelyo sa simbahan at sa kanilang mga tahanan.

Ang Bishopric at mga Panguluhan ng Klase at Korum

Larawan
lalaking nakikipagkamay sa isang binatilyo

Ano ang kanilang responsibilidad?

Ang bishopric ang panguluhan ng Aaronic Priesthood sa ward at responsable sa mga kabataang babae at lalaki. Kumikilos ang mga panguluhan ng mga korum ng Aaronic Priesthood taglay ang mga susi na iginawad nang italaga o i-set apart ang mga quorum president. Ang mga panguluhan ng mga klase sa Young Women ay kumikilos sa ilalim ng awtoridad ng priesthood na natanggap nang italaga o i-set apart sila ng isang miyembro ng bishopric.

Ano ang gagawin nila?

Dapat pagsumikapan ng mga panguluhan na maging tunay na mga disipulo ni Jesucristo habang tinutulungan nila ang bawat miyembro ng korum o klase na madamang minamahal sila at matuklasan ang kagalakan sa pamumuhay ng ebanghelyo. Sa tagubilin ng bishopric, pamumunuan ng mga panguluhan ng korum ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood sa pangangasiwa sa ordenansa ng sakramento. Kapwa namumuno ang mga panguluhan ng korum at klase sa pagtitipon ng Israel sa magkabilang panig ng tabing at sa pangangalaga sa mga nangangailangan.

Saan sila magsisimula?

Natututuhan ng mga panguluhan ang kanilang mga tungkulin sa Panginoon at sa kanilang mga lider. Sila ay nananalangin para sa mga miyembro ng klase o korum at inaalam ang kanilang mga pangangailangan. Sinusuportahan nila sila na maging mga disipulo ni Jesucristo. Nagsasanggunian sila kung anong mga lesson, aktibidad, at paglilingkod ang magpapala at magpapalakas sa mga kabataan at magdudulot ng pagkakaisa sa kanilang klase o korum.

Print