Mga Calling sa Mission
5. Awtoridad at mga Ordenansa ng Priesthood


Baptism [Binyag] ni J. Kirk Richards

5

Awtoridad at mga Ordenansa ng Priesthood

Ang priesthood ay ang awtoridad na ibinibigay ng Diyos sa Kanyang mga anak upang magdala ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ang awtoridad ng priesthood ay pinamamahalaan ng mga priesthood leader na tumatanggap at gumagamit ng mga susi ng priesthood. Yamang nakasaad sa mga banal na kasulatan na “lahat ng ibang mga may kapangyarihan [at] tungkulin sa simbahan ay nakaakibat sa [Melchizedek priesthood na] ito” (Doktrina at mga Tipan 107:5), lahat ng ginagawa sa ilalim ng pamamahala ng mga susi ng priesthood na iyon ay ginagawa nang may awtoridad ng priesthood.

Kapag ang isang babae ay na-set apart para mangaral ng ebanghelyo bilang full-time missionary, siya ay kumikilos sa ilalim ng awtoridad ng priesthood para isagawa ang isang tungkulin ng priesthood. Sinumang mayroong calling na natanggap mula sa taong mayhawak ng mga susi ng priesthood ay ginagamit ang awtoridad ng priesthood sa pagtupad sa mga gawaing ibinigay sa kanya.

Kung ikaw ay isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood, magkakaroon ka ng pagkakataong makibahagi sa mga ordenansa at basbas ng priesthood.

Para sa iba pang impormasyon tingnan ang bahagi 7.11, “Mga Ordenansa at Basbas ng Priesthood.”