Mga Calling sa Mission
2. Organisasyon at mga Aktibidad ng Missionary


tinuturuan ni Jesucristo ang mga disipulo

2

Organisasyon at mga Aktibidad ng Missionary

2.0

Pambungad

Sinabi ng Panginoon, “Isaayos ang inyong sarili at italaga sa bawat [lalaki at babae] ang kanyang pangangasiwaan” (Doktrina at mga Tipan 104:11). Ang bahaging ito ng hanbuk na ito ay naglalarawan ng organisasyon ng mission at nagpapaliwanag kung paano kayo higit na magtutulungan at magkakaisa ng iyong kompanyon, makikibahagi sa mga aktibidad ng mission, magpaplano ng mga iskedyul sa araw-araw, at maglilingkod sa kapwa nang may dalisay na pag-ibig ni Cristo (tingnan sa Moroni 7:44–47).

Para malinaw na maunawaan, ginagamit ng mga pamantayang ito ang katawagang mga batang missionary leader sa pagtukoy sa mga missionary na may mga tungkulin sa pamumuno, tulad ng mga senior companion, sister training leader, o zone leader. Ang mga mission leader ay tumutukoy sa iyong mission president, na mayhawak ng mga susi ng priesthood, at kanyang asawa.

Ginagamit din ng mga pamantayang ito ang mga katawagang bishop, stake president, ward, at stake. Gamitin ang kaugnay na mga tuntunin kung angkop sa mga branch president, mga district president, mga branch, at mga district.

2.1

Pamunuan ng Mission

Ang iyong pinakamahalagang responsibilidad, anuman ang iyong tungkulin sa pamumuno, ay maging tapat at masigasig na missionary. Ang tagubiling ito mula sa Panginoon na nakatala sa Doktrina at mga Tipan ay angkop din sa iyo: “Ang bagay na magiging pinakamahalaga para sa iyo ay magpahayag ng pagsisisi sa [henerasyong] ito, upang ikaw ay makapagdala ng mga kaluluwa sa akin” (Doktrina at mga Tipan 15:6).

2.1.1

Mga Mission Leader: Ang Iyong Mission President at Kanyang Asawa

Ang iyong mission president at kanyang asawa, na magkasamang naglilingkod bilang iyong mga mission leader, ay tinawag ng Diyos at na-set apart na pamunuan ang mission. Sila ay magkasamang nagmamahal at naglilingkod sa iyo, tumutulong na maisakatuparan mo ang iyong layunin bilang missionary, at tinutulungan kang manatiling ligtas at masaya.

Maraming responsibilidad ang inyong mga mission leader para sa mission. Magtutulungan sila para suportahan at hikayatin ka, makikinig sa iyong mga problema, sasagutin ang mga tanong, susuriin ang progreso at magpapayo. Dahil hawak ng iyong mission president ang ilang partikular na mga susi ng priesthood, siya ang tumatayong hukom ng lahat sa mission. Ang mga kasalanang seksuwal at iba pang mabibigat na kasalanan ay dapat ipagtapat sa iyong mission president (tingnan sa Mosias 26:29–30). Magtapat nang lubusan sa kanya. Tutulungan ka niya na magsisi (tingnan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan [2011], 28–29).

Maaari mong anyayahan ang asawa ng mission president, isang senior missionary, o iyong kompanyon na sumama sa anumang interbyu ng mission president. Ang iyong desisyong anyayahan ang iba na samahan ka ay hindi nakakabawas sa pagmamahal, malasakit, o paghanga sa iyo ng mga mission leader.

2.1.2

Mission Presidency

Ang iyong mission president ang namumuno sa mission na taglay ang mga susi ng priesthood. Siya ay miyembro ng mission presidency kasama ang dalawang counselor.

Ang mga counselor sa mission presidency, tulad ng mga counselor sa stake presidency o bishopric, ay tumutulong sa pag-oorganisa at sa gawain. Hindi pinangangasiwaan ng mga counselor sa mission presidency ang mga bagay na tungkol sa pagiging karapat-dapat ng missionary.

2.1.3

Organisasyon ng Pamunuan ng Mission

Ang iyong mission president ay gumagamit ng paghahayag at mga susi ng priesthood sa pag-oorganisa ng gawain. Nag-aatas siya ng mga batang missionary na maging mga trainer, senior companion, district leader, sister training leader, zone leader, at assistant. Ang mga assistant, office missionary, at iba pang mga missionary ay hindi nag-aatas sa mga missionary na mamuno o nag-a-assign sa mga area kung saan ka maglilingkod. Gayunman, maaaring sumangguni ang mission president sa kanyang asawa o sa kanyang mga assistant tungkol sa mga missionary assignment.

Ang iyong mga mission leader at ang mga assistant, zone leader, at sister training leader ay mga miyembro ng mission leadership council. Pinag-uusapan ng mga lider na ito ang tungkol sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga missionary at nagpaplano para matulungang umunlad ang mission at maisulong ang gawain.

2.1.4

Mga Responsibilidad ng mga Batang Missionary Leader

Ang mga batang missionary leader, tulad ng lahat ng missionary, ay sumusunod sa tagubilin ni Jesucristo na “[pag]lingkuran [ang Diyos] nang buong puso, kakayahan, pag-iisip at lakas,” at “[inaalala] ang pananampalataya, karangalan, kaalaman, kahinahunan, tiyaga, kabaitang pangkapatid, kabanalan, pag-ibig sa kapwa-tao, kababaang-loob, sigasig” (Doktrina at mga Tipan 4:2, 6). Ang mga tungkulin sa pamumuno ay hindi nagpapahiwatig ng espesyal na pagkilala o promosyon o nagpapakita ng kahalagahan ng isang missionary.

Ang mga batang missionary leader ay may responsibilidad na:

  • Maghanap, magturo, magbinyag, at kaibiganin ang mga tao.

  • Magpakita ng halimbawa ng mga pamantayan ng missionary para sa pag-uugali (tingnan sa 3.0).

  • Bigyan ng training ang iba pang mga missionary at pamunuan ang mga companion exchange (tingnan sa 2.3.1).

  • Iparating ang impormasyon at tagubilin mula sa mission leadership council sa mga missionary na pinamumunuan nila.

  • Mahalin at kaibiganin ang iba pang mga missionary. Tulungan silang maunawaan ang kahalagahan ng kanilang mga pagsisikap.

  • Makinig sa mga problema ng iba pang mga missionary. Magbigay ng suporta at payo.

  • Ituwid ang iba pang mga missionary nang may kabaitan at nang pribado, kung kinakailangan, at pagkatapos ay magpakita ng “ibayong pagmamahal” (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 121:41–43).

  • Makipagtulungan nang husto sa mga lokal na lider at miyembro.

Tulad ng lahat ng missionary, dapat mamuno nang katulad ni Cristo ang mga elder at sister na may mga tungkulin sa pamumuno. Kung ang ugali ng sinumang missionary, kabilang ang mga batang missionary leader, ay tila hindi naaayon sa mga kautusan at pamantayan ng missionary, kausapin ang missionary tungkol sa isyung ito. Kung hindi nalutas ang isyu, sabihin ang iyong mga inaalala sa mga batang missionary leader o sa mission president at hindi sa iba pang mga missionary, miyembro, o kaibigan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa partikular na mga tungkulin at responsibilidad ng mga batang missionary leader (mga trainer, senior companion, district leader, sister training leader, zone leader, at mga assistant sa president), tingnan sa bahagi 7.1, “Mga Responsibilidad ng mga Batang Missionary Leader.”

2.1.5

Personal na mga Responsibilidad

“[Tuparin ang iyong] mga tungkulin sa Panginoon,” (Jacob 1:19), maging self-reliant sa espirituwal, at “kumilos para sa [iyong] sarili” (2 Nephi 2:16) sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Panginoon at pagsunod sa Espiritu. Kapag may mga tanong o problema ka:

  • Sundin ang turo na “pag-aralan ito sa iyong isipan; pagkatapos … itanong mo sa akin kung ito ay tama” (Doktrina at mga Tipan 9:8).

  • Humingi ng patnubay sa pamamagitan ng personal na paghahayag; panalangin; at pag-aaral ng mga banal na kasulatan (lalo na ang Aklat ni Mormon), Mangaral ng Aking Ebanghelyo, mga turo ng mga buhay na propeta, at ang mga pamantayang ito.

Kung kailangan mo ng karagdagang tulong pagkatapos ipamuhay ang mga alituntuning ito, magtanong sa iyong kompanyon o sa mga batang missionary leader. Kadalasan, matutulungan ka nila na mahanap ang mga sagot sa iyong mga tanong at malutas ang iyong mga problema. Kung hindi, magpatulong sa iyong mga mission leader, sa iyong mga magulang, o sa mga lider ng priesthood sa iyong home ward. Pakiusap huwag kontakin ang headquarters ng Simbahan. Kung gagawin mo ito, sasabihin din sa iyo na kausapin mo ang iyong mission president.

Kausapin ang iyong mission president sa mga isyung tungkol sa pagiging karapat-dapat. Kausapin ang sinuman sa iyong mga mission leader tungkol sa mga problemang kailangan ng agarang kaligtasan, kabilang ang pananakit o pang-aabuso, o iba pang mga problemang hindi malulutas ng iba pang mga missionary.

Maaaring may mga pagkakataon sa iyong misyon na nahihirapan kang magtuon sa iyong gawain dahil sa mga kasalukuyang problema, mga problemang personal o sa pamilya, o maging ang mga naranasan noon. Nauunawaan namin iyan. Huwag mag-atubiling ibahagi ang iyong mga problema sa iyong kompanyon, mga batang missionary leader, o sa sinuman sa iyong mga mission leader at humingi ng tulong.

Alalahanin ang paanyaya ng Tagapagligtas: “Isaalang-alang ako sa bawat pag-iisip; huwag mag-alinlangan, huwag matakot. Masdan ang sugat na tumagos sa aking tagiliran, at gayon din ang bakas ng mga pako sa aking mga kamay at paa; maging matapat, sundin ang aking mga kautusan, at inyong mamamana ang kaharian ng langit. Amen” (Doktrina at mga Tipan 6:36–37).

2.2

Mga Magkompanyon

Ang Panginoon ay tumatawag ng mga missionary na hahayo nang dala-dalawa upang ipangaral ang Kanyang ebanghelyo. “Sila ay humayo nang dala-dalawa, at ganito sila ay mangaral sa daan sa bawat kongregasyon, magbibinyag sa pamamagitan ng tubig, at ang pagpapatong ng mga kamay” (Doktrina at mga Tipan 52:10). Makakasama mo sa gawain ang iba-ibang kompanyon sa buong misyon mo. Ang mga magkompanyon ay:

  • Nagkakaisa sa gawain at magkasamang nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo.

  • Sinusuportahan ang espirituwal, emosyonal, at pisikal na kapakanan ng isa’t isa.

  • Sinisikap na panatilihing ligtas ang isa’t isa.

  • Mananagot sa bawat isa sa pagsunod sa mga pamantayan ng missionary.

2.2.1

Suportahan ang Isa’t Isa

Dapat tulungan ng mga magkompanyon ang isa’t isa na matuto, umunlad, at magkaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 4 at “How Do I Develop Christlike Attributes?” sa Preach My Gospel [2018], chapter 6). Ang matutuhan ang pagtitiyaga at pagmamahal, at pagpapatawad, at pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng personalidad ay makatutulong sa iyo habambuhay.

Bilang magkompanyon:

  • Mahalin, igalang, at palakasin ang isa’t isa.

  • Magkasamang mag-aral araw-araw at madalas na magdasal nang magkasama sa buong maghapon.

  • Maging mapagpakumbaba at kilalanin ang kakayahan ng bawat isa.

  • Pakitunguhan ang isa’t isa tulad ng nais ninyong maging pakikitungo sa inyo.

  • Iwasan ang pamimintas at pagtatalo.

  • Iwasang magsalita nang hindi maganda tungkol sa isa’t isa sa iba pang mga missionary, mga miyembro ng Simbahan, o pamilya at mga kaibigan sa iyong home ward.

Kung may napansin kang anumang di-angkop na sitwasyon o ugali, kausapin ang iyong kompanyon tungkol dito. Kung hindi nalutas ang bagay na ito o kung naging abusado ang iyong kompanyon, magkaroon ng lakas-ng-loob at pagmamahal sa iyong kompanyon para humingi ng tulong sa inyong mission president (tingnan sa 3.9.2).

2.2.2

Manatiling Magkasama

Ang pananatili sa tabi ng iyong kompanyon ay makatutulong para maprotektahan siya sa pisikal at espirituwal na mga panganib, maling paratang, at kalungkutan. Sundin ang pamantayang ito ng missionary sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar. Huwag kailanman mag-isa.

  • Dapat nakikita at naririnig mo ang iyong kompanyon sa lahat ng oras maliban kung nasa banyo ka, iniinterbyu ng mission leader, o nag-iinterbyu para sa binyag (tingnan sa 2.3.6).

  • Dapat magkasama kayong natutulog sa iisang kuwarto pero hindi sa iisang kama.

  • Kapag gumagawa ng kani-kanyang gawaing-bahay, gamitin ang mabuting pagpapasiya para protektahan ang inyong sarili at sundin ang mga pamantayan ng pag-uugali ng missionary (tingnan sa 3.0).

  • Huwag magkaroon ng oras na nag-iisa. Halimbawa, huwag magpuyat o gumising nang mas maaga kaysa sa iyong kompanyon.

  • Kung nagkahiwalay kayong magkompanyon, kontakin kaagad ang inyong mission president.

2.2.3

Gumawa sa Inyong Area

“Humayo … at gumawa [kayo] nang buong lakas” (Jacob 5:72), at ituon ang inyong pagsisikap sa area kung saan kayo itinalagang magturo. Ituon ang inyong paggawa sa mga lugar kung saan malamang na matulungan ninyo ang mga tao na gumawa at tumupad ng mga tipan. Halimbawa, magtuon sa mga komunidad na malapit sa simbahan o sa komunidad kung saan nakatira ang matatapat na miyembro. Alalahanin ang pangako ng Panginoon: “Sinuman ang tatanggap sa inyo, naroroon din ako” (Doktrina at mga Tipan 84:88).

Maaari ninyong lisanin ang itinalagang area sa inyo dahil sa mga companion exchange (tingnan sa 2.3.1) o transfer (tingnan sa 2.3.2). Kung kinakailangan ninyong lumabas sa inyong area para sa iba pang dahilan, humingi ng pahintulot sa inyong district leader kapag lalabas kayo sa inyong area sa loob ng inyong district; o sa inyong mga zone leader kung kinakailangan ninyong magbyahe sa labas ng inyong district. Kinakailangang humingi kayo ng pahintulot sa inyong mission president, o sa taong inatasan niya, kapag lalabas kayo sa inyong zone.

Kung kailangan ninyong umalis sa inyong area dahil sa isang emergency, gaya ng kalamidad o pag-atake o agarang pagpapagamot, unahin ang pagpunta sa ligtas na lugar o paghingi ng tulong medikal at pagkatapos ay kontakin ang inyong mission president o ang mga batang missionary leader sa lalong madaling panahon.

2.2.4

Pagtulong sa mga Tao sa Labas ng Inyong Area

Habang nasa misyon kayo tiyak na makakakilala kayo ng mga taong nakatira sa labas ng area ninyo. Kung interesado silang malaman ang tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo, maaari kayong:

  • Magbahagi ng mensahe sa kanila.

  • Makipag-ugnayan sa kanila sa inaprubahang social media (tingnan sa 7.5.6).

  • Paturuan sila sa mga missionary na naka-assign sa lugar kung saan sila nakatira at magbahagi ng impormasyon tungkol sa kanila sa naka-assign na mga missionary (tingnan sa 2.3.4).

  • Sa pahintulot ng inyong mission president, gumamit ng teknolohiya (tingnan sa 7.5.4) para makipagtulungan sa mga missionary kung saan nakatira ang mga indibiduwal upang tumulong sa pagtuturo at suportahan sila. Maaari din ninyong hikayatin ang inyong sariling pamilya at mga kaibigan na tumulong sa pagtuturo sa kanila, nang may pahintulot (tingnan sa 3.9.5).

Kapag gumagawa kasama ang iba pang mga missionary o miyembro kapwa sa loob at labas ng inyong area o mission:

  • Mag-usap para malaman kung paano pinakamainam na matutulungan ang interesadong tao na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

  • Isaalang-alang ang oras ng mga miyembro o iba pang mga missionary.

  • Ipaubaya sa mga missionary na naka-assign sa area kung saan nakatira ang tao ang responsibilidad sa pagtuturo sa lalong madaling panahon kung maaari.

2.3

Mga Aktibidad ng Gawaing Misyonero

Nakikibahagi ang mga missionary sa iba-ibang aktibidad para masunod ang utos ng Panginoon na “ihanda ang bawat kinakailangang bagay” (Doktrina at mga Tipan 88:119) upang maisakatuparan ang Kanyang gawain. Kabilang sa mga aktibidad na ito ang pakikibahagi sa mga companion exchange at transfer, pakikipagtulungan sa mga miyembro, pagtugon sa mga referral, pagtuturo, pakikibahagi sa mga council at meeting, at paglilingkod. Ang mga elder ay maaari ding magsagawa ng mga interbyu para sa binyag bilang bahagi ng kanilang mga aktibidad bilang missionary.

2.3.1

Mga Companion Exchange

Sa companion exchange o pagpapalitan ng kompanyon, isang batang missionary leader, gaya ng isang sister training leader o assistant sa president, ang sasama at makikipagtulungan sa ibang missionary. Sa companion exchange, ang lider ay magtuturo, magsasanay, at matututo mula sa missionary. Susundin ng lider ang tagubilin ng Panginoon na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan na palakasin ang iba pang missionary “sa lahat ng [kanilang] pakikipag-usap, sa lahat ng [kanilang] panalangin, sa lahat ng [kanilang] panghihikayat, at sa lahat ng [kanilang] ginagawa” (Doktrina at mga Tipan 108:7).

Responsibilidad ng mga batang missionary leader ang pagpaplano para sa mga companion exchange sa mga missionary na pinamumunuan nila. Ang mga sister ay nakikipagpalit sa iba pang mga sister, at ang mga elder ay nakikipagpalit sa iba pang mga elder.

Sa halos lahat ng mission, ang mga batang missionary leader ay karaniwang nakikipagpalitan ng kompanyon isang beses sa bawat transfer.

  • Ang mga district leader ay nakikipagpalitan sa bawat elder sa kanilang district.

  • Ang mga zone leader ay nakikipagpalitan sa bawat district leader at kung kinakailangan sa iba pang mga elder sa kanilang zone.

  • Ang mga sister training leader ay nakikipagpalitan sa bawat sister sa zone o mga zone na naka-assign sa kanila.

  • Ang mga assistant sa president ay nakikipagpalitan sa mga zone leader o iba pang mga elder ayon sa tagubilin ng mission president.

  • Ang companion exchange ay karaniwang tumatagal ng 24 na oras. Para sa bawat companion exchange, ang batang missionary leader ay dapat:

    • Makipagpalitan ng kompanyon sa area ng batang missionary leader. Kung minsan, ang companion exchange ay maaaring gawin sa area ng missionary kapag naaangkop.

    • Planuhin nang mas maaga ang companion exchange.

    • Magtulungan sa pagtatakda ng mga mithiin kasama ang missionary tungkol sa kung ano ang isasakatuparan sa companion exchange. Makibahagi sa lahat ng aspeto ng gawaing misyonero, kabilang ang paghahanap, pagtuturo, pag-aaral ng magkompanyon, pag-aaral ng wika (kung angkop), pagpaplano sa araw-araw, at fellowshipping.

    • Magsanay sa paggamit ng mga banal na kasulatan at mga alituntunin mula sa Preach My Gospel.

    • Repasuhin at talakayin ang tungkol sa mga taong tinuturuan ng mga missionary.

    • Magbigay ng partikular at makatutulong na feedback sa missionary, kabilang ang mahusay na nagagawa ng missionary at kung paano mas huhusay pa ang missionary.

    • Maging handa sa pagtanggap ng feedback mula sa missionary tungkol sa mga bagay na dapat pang pagbutihin.

    • Repasuhin at talakayin ang natutuhan ng bawat missionary sa companion exchange.

    • Magreport ng tungkol sa companion exchange sa lingguhang liham sa mission president.

2.3.2

Mga Transfer

Ang mission office ang mag-aayos ng iyong biyahe sa oras na i-transfer ka para hindi ka nag-iisa. Sa ilang pagkakataon, dahil sa layo at iba pang bagay na isinasaalang-alang, maaaring iba ang ipagawa ng iyong mission president. Sa mga sitwasyong ito, maging lalong maingat, magpasiya nang may katalinuhan, at sundin ang Espiritu.

Kapag na-transfer ka:

  • Dumiretso sa iyong bagong area para makasama ang iyong bagong kompanyon.

  • Huwag kumain o uminom ng anuman na napabayaan mo habang nagbibiyahe ka.

  • Kapag bumibiyahe, tiyaking sapat ang baterya ng iyong phone para sa biyahe. Kung nagbibiyahe kang mag-isa nang mahigit tatlong oras, tumawag paminsan-minsan sa mission office.

Kung na-transfer ang iyong kompanyon at ikaw ay hindi, gawin ang gawain na kasama ang iba pang mga missionary, ayon sa tagubilin ng inyong mga batang missionary leader, hanggang sa dumating ang bagong kompanyon mo.

2.3.3

Mga Pagkakataong Magturo Kasama ang mga Miyembro

Anyayahan ang mga miyembro sa karaniwan at natural na mga paraan na samahan kayo sa inyong paghahanap, pagtuturo, pagbibinyag, at fellowshipping. Hikayatin at tulungan ang mga miyembro na kaibiganin ang mga taong tinuturuan ninyo at anyayahan ang mga taong iyon na makibahagi sa mga aktibidad ng ward at pamilya. Hilingin sa mga miyembro na magbahagi ng mahahalagang personal na karanasan at patotoo.

Kailangang manatiling magkasama ang mga magkompanyon. Dahil dito, walang pinapayagan na missionary exchanges na miyembro ang kompanyon. Gayunman, ang mga babaing miyembro (hindi bababa sa 16 na taong gulang o mas matanda pa ayon sa mga batas ng lugar) ay maaaring sumama at magturo kasama ang dalawa o higit pang mga sister missionary. Ang mga lalaking miyembro (hindi bababa sa 16 na taong gulang o mas matanda pa ayon sa mga batas ng lugar) ay maaaring sumama at magturo kasama ang dalawa o higit pang mga elder missionary. Maaaring magturo ang mga mag-asawa kasama ang mga sister o elder.

2.3.4

Mga Referral

Ang ibig sabihin ng referral ay kapag may isang taong humiling sa mga missionary na kontakin siya.

Kapag magtuturo sa mga taong ini-refer sa inyo:

  • Kontakin ang mga missionary, miyembro, o indibiduwal na nagbigay ng referral, kung maaari. Kausapin sila tungkol sa paraan kung paano tutulungan ang taong iyon.

  • Subukang kontakin kaagad ang taong ini-refer, karaniwan sa loob ng 24 na oras.

  • Makinig at alamin kung paano tutulungan ang taong ini-refer.

  • Ihatid ang anumang bagay na hiniling.

  • Magturo ayon sa mga pangangailangan at interes ng tao.

  • Patuloy na makipagtulungan sa mga missionary, miyembro, o indibiduwal na nagbigay ng referral (tingnan sa 2.2.4).

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga referral, tingnan sa “Member, Missionary, and Church Headquarters Referrals” sa “How Do I Find People to Teach?” sa Preach My Gospel, chapter 9.

2.3.5

Mga Meeting at mga Council

Nagsasanggunian ang mga missionary kapag nagbibigay at tumatanggap sila ng training at kapag nagpaplano at nagko-coordinate ng gawaing misyonero. Dapat nag-aanyaya ng Espiritu ng Panginoon ang mga miting at mga council at dapat maging isang pagkakataon ito para makatanggap ng paghahayag (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 6:32). Bukod pa riyan, ang pagtitipon ng mga missionary ay magbibigay sa inyo ng pagkakataon na patibayin ang isa’t isa at magkasamang magsaya sa inyong mga gawain (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 43:8; 50:22).

Kabilang sa mga miting na inoorganisa ng mga magkompanyon na missionary, mga batang missionary leader, at mission leader ang mga sumusunod:

  • Mga miting para sa araw-araw at lingguhang pagpaplano

  • Mga district council meeting

  • Mga zone conference

  • Mga mission leadership council meeting

Kabilang sa mga miting na inoorganisa ng mga lokal na lider ang mga sumusunod:

  • Mga missionary coordination meeting

  • Mga ward council meeting

2.3.6

Mga Interbyu para sa Binyag

Kapag nag-iinterbyu ng bibinyagan, ang mga elder ay dapat:

  • Repasuhin ang sinabi ng Panginoon sa Doktrina at mga Tipan 20:37.

  • Sundin ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo.

  • Itanong ang mga tanong sa interbyu para sa binyag na matatagpuan sa bahaging “Baptism and Confirmation: Questions and Answers” sa chapter 12 ng Preach My Gospel.

  • Iakma ang mga tanong ayon sa edad at maturity ng indibiduwal.

  • Tiyaking alam ng elders quorum president o ng ward mission leader ang tungkol sa interbyu para sa binyag nang maaga.

Kung gusto ng taong bibinyagan maaari niyang isama ang kanyang magulang, asawa, o iba pang adult sa interbyu para sa binyag. Maging sensitibo sa damdamin ng isang tao tungkol sa kanyang asawa o sa menor-de-edad na iniinterbyu. Sundin ang mga tuntunin sa Preach My Gospel para sa pag-iinterbyu at paghingi ng pahintulot na binyagan ang isang asawa at menor-de-edad na mga anak (tingnan sa “How to Conduct the Interview” sa “How Do I Prepare People for Baptism and Confirmation?” sa Preach My Gospel, chapter 12).

Ang mga district leader ang nag-iinterbyu ng mga bibinyagan na tinuruan ng mga missionary sa kanilang district, kabilang ang mga tinuruan ng mga assistant sa president, zone leader, at sister training leader sa kanilang district.

Ang mga zone leader ang nag-iinterbyu ng mga bibinyagan na tinuruan ng mga district leader sa kanilang zone.

Kung hindi maaaring magsagawa ng interbyu ang naka-assign na mga district at zone leader, mag-a-assign ang mission president ng isa pang elder para magsagawa ng interbyu.

2.3.7

Mga Binyag

Makipagtulungan sa elders quorum president o ward mission leader para maplano ang pagbibinyag (tingnan sa “The Baptismal Service” sa “How Do I Prepare People for Baptism and Confirmation?” sa Preach My Gospel, chapter 12). Kaagad simulan ang paghahanda para sa pagbibinyag hangga’t maaari.

2.4

Mga Aktibidad at Iskedyul sa Araw-araw

Planuhin ang inyong iskedyul para matupad ang inyong layunin bilang missionary at magtuon sa mga pangangailangan ng iba. Tandaan ang ipinangako ng Panginoon sa mga taong tinawag na mangaral ng ebanghelyo: “At kung mangyayaring kayo ay gagawa nang buo ninyong panahon sa pangangaral ng pagsisisi sa mga taong ito, at magdala, kahit isang kaluluwa sa akin, anong laki ng inyong kagalakang kasama niya sa kaharian ng aking Ama!” (Doktrina at mga Tipan 18:15).

2.4.1

Karaniwang mga Aktibidad sa Araw-araw

Isama ang mga sumusunod na aktibidad sa inyong iskedyul sa araw-araw:

  • Magtakda at repasuhin ang personal na mga mithiin, ang mga mithiin ninyong magkompanyon at ng mission.

  • Planuhin ang inyong iskedyul sa buong araw.

  • Maghanda ng mga lesson.

  • Pag-aralan ang mga banal na kasulatan, Preach My Gospel, mga turo ng mga buhay na propeta at apostol, at iba pang inaprubahang mga sanggunian o resources (tingnan sa 2.4.4).

  • Repasuhin ang isang paksang pangkalusugan o pangkaligtasan o isa sa mga pag-iingat sa paggamit ng teknolohiya (tingnan sa 4.0–4.7).

  • Maghanap ng mga taong tuturuan.

  • Makipagtulungan sa mga lokal na lider at miyembro.

  • Paglingkuran ang iba sa planado o di-planadong mga aktibidad.

  • Pangalagaan ang sariling mga pangangailangan, tulad ng pagkain at paghahanda para sa buong araw.

2.4.2

Halimbawa ng Iskedyul sa Araw-araw

Ang iskedyul sa araw-araw para sa inyong mission ay maaaring katulad ng iskedyul sa ibaba. Ang iskedyul sa araw-araw ay maaaring baguhin ng mission president para sa mga pista-opisyal, espesyal na kaganapan sa inyong mission, at marami pang iba.

6:30 a.m.

Simulan ang araw.

6:30–10:00 a.m.

Manalangin.

Mag-ehersisyo (30 minuto).

Maligo, mag-almusal, maghanda para sa buong araw.

Personal na mag-aral (60 minuto).

Magplano (30 minuto).

10:00 a.m.–9:00 p.m.

Maghanap, magturo, at maglingkod sa iba.*

I-update ang mga digital o paper record ng mga nangyari sa buong araw.

Repasuhin sandali ang isang paksang pangkalusugan o pangkaligtasan o isa sa mga pag-iingat sa paggamit ng teknolohiya.

Mag-aral kayo ng kompanyon mo at maghanda ng mga lesson (30 minuto).

Pag-aralan ang mga karagdagang materyal para sa mga bagong missionary at trainer sa unang 12 linggo sa mission (30–60 minuto, kung angkop).

Pag-aralan ang wika sa inyong mission (30–60 minuto, kung angkop).

Mananghalian at maghapunan (hindi hihigit sa dalawang oras kapag pinagsama).

9:00 p.m.

Bumalik sa inyong tirahan, maliban kung mayroon kayong teaching appointment; kung magkagayon, bumalik sa tirahan nang 9:30 p.m.

9:00–9:30 p.m.

Magsulat sa iyong journal, maghanda para matulog, at manalangin.

9:30–10:30 p.m.

Matulog.

*Ang inyong mga aktibidad sa araw-araw ay dapat nakatuon sa pakikipag-ugnayan sa mga tao. Iiskedyul ang inyong mga aktibidad sa pagpaplano at pag-aaral sa buong araw para maiwasan ang pananatili nang mahabang oras sa inyong apartment. Kung malapit lang at may oras, maaari kayong umalis at bumalik sa inyong apartment para magawa ang mga ito.

Ang iskedyul na naaprubahan para sa inyong mission ay magbibigay ng oras sa paggawa, pamamahinga, at muling pagtutuon sa gawain. Mahalagang magkaroon ng sapat na pahinga at nutrisyon na makabubuti sa inyong espiritu, emosyon, at katawan.

2.4.3

Pagtatakda ng Mithiin at mga Oras ng Pagpaplano

Araw-araw at lingguhang magplano kasama ang iyong kompanyon. Isipin ang mga pangangailangan ng mga tinuturuan ninyo at kung paano makikipagtulungan sa mga miyembro kapag nirepaso ninyo ang progreso, nagtakda ng mga mithiin, at nagplano para sa araw-araw at para sa isang buong linggo (tingnan sa “How to Set Goals,” “The Weekly Planning Session,” at “Daily Planning Session” sa “How Do I Use Time Wisely?” sa Preach My Gospel, chapter 8).

2.4.4

Mga Oras ng Pag-aaral

Gamitin ang iyong oras sa personal na pag-aaral at pag-aaral kasama ang kompanyon sa pagtutuon sa mga banal na kasulatan (lalo na sa Aklat ni Mormon), Preach My Gospel, mga turo ng mga buhay na propeta (na matatagpuan sa Gospel Library), at ang mga pamantayang ito. Ang mga inaprubahang sanggunian o resources na ito ay magpapatibay sa iyong kaalaman at patotoo tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo at tutulong sa iyo na maghanda sa pagtugon sa mga pangangailangan ng inyong mga tinuturuan.

Kung inatasan ka na pag-aralan ang isang bagong wika, aralin at praktisin ito araw-araw.

Kung ikaw ay isang bagong missionary, mag-aral pa kasama ang iyong trainer nang karagdagang 30 hanggang 60 minuto bawat araw para sa unang 12 linggo sa mission field (tingnan sa “For New Missionaries: Additional Companion Study” sa “Introduction: How Can I Best Use Preach My Gospel?” sa Preach My Gospel).

2.4.5

Pagkain Kasama ang Iba

Kung angkop, ang inyong mission president at ang lokal na stake president ay magbibigay ng mga tagubilin para sa pag-iiskedyul ng pagkain kasama ang mga tao sa inyong mission. Kapag ang mga miyembro o iba pa ay nagbibigay ng pagkain o nag-aanyaya na kumain:

  • Igalang ang kanilang mga sitwasyon at oras.

  • Magpasalamat para sa pagkaing ibinigay o inihanda nila.

  • Hilingin na magturo ng 15 o 20-minutong lesson bago o pagkatapos kumain upang mapalakas ang inyong mga binisita at mabigyan kayo ng pagkakataong mapahusay ang inyong kakayahan na magturo sa pamamagitan ng Espiritu.

Isa pang adult na kapareho ninyo ng kasarian ang dapat kasama ninyong magkompanyon kapag kakain kayo kasama ang hindi ninyo kapareho ng kasarian.

2.5

Preparation Day

Ang mission president ay magtatalaga ng isang araw kada linggo bilang preparation day. Sa preparation day, pisikal, espirituwal, at emosyonal kayong mapapahinga habang “tuma[ta]yo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar” (Mosias 18:9). Magbibigay din ito sa iyo at sa iyong kompanyon ng mga pagkakataon na makasama ang iba pang missionary sa inyong district at masiyahan sa mga makabuluhang aktibidad sa paglilibang nang magkakasama (tingnan sa 3.6).

Mangyaring alalahanin ang napapanahong babala ng Panginoon: “Huwag kang tumakbo nang mas mabilis o gumawa nang labis kaysa sa iyong lakas” (Doktrina at mga Tipan 10:4), at “magpahinga sa inyong higaan nang maaga, upang kayo ay hindi mapagal; gumising nang maaga, upang ang inyong mga katawan at inyong mga isip ay mabigyang-lakas” (Doktrina at mga Tipan 88:124).

2.5.1

Mga Aktibidad sa Preparation Day

Ang mga aktibidad sa preparation day ay maaaring kapalooban ng (pero hindi limitado sa) mga sumusunod:

  • Pakikipag-usap sa iyong pamilya, mission president, at mga kaibigan (tingnan sa 3.9)

  • Paglalaba

  • Pagpapagupit ng buhok at iba pang pag-aayos ng sarili

  • Paglilinis

  • Pamimili

  • Pamamahinga

  • Pakikibahagi sa inaprubahang mga aktibidad sa paglilibang (tingnan sa 3.6)

2.5.2

Halimbawa ng Iskedyul sa Preparation Day

Ang iskedyul sa preparation day ay maaaring katulad ng sumusunod:

6:30 a.m.

Simulan ang araw.

6:30–8:00 a.m.

Manalangin.

Maligo, mag-almusal, maghanda para sa buong araw.

Magplano (30 minuto).

Personal na mag-aral (30 minuto).

8:00 a.m.–6:00 p.m.

Gawin ang mga aktibidad sa preparation day (tingnan sa 2.5.1).

Paalala: Lahat ng mga aktibidad sa preparation day ay dapat matapos nang 6:00 p.m.

6:00–9:00 p.m.

Maghanap, magturo, at maglingkod sa iba.

9:00 p.m.

Bumalik sa inyong tirahan. Kung mayroon kayong teaching appointment; bumalik nang 9:30 p.m. sa inyong tirahan.

9:00–9:30 p.m.

Magsulat sa iyong journal, maghanda para matulog, at manalangin.

9:30–10:30 p.m.

Matulog.

2.6

Mga Aktibidad sa Araw ng Sabbath

Magplano ng mga aktibidad sa araw ng Sabbath na makatutulong sa inyo na maisakatuparan ang inyong layunin bilang missionary na maghanap, magturo, magbinyag, at tulungan ang iba na matuto at maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Alalahanin ang mga turo ng Panginoon tungkol sa araw ng Sabbath sa Doktrina at mga Tipan 59:13–19, at pansinin ang mga salita at parirala na nagpapahiwatig na ang tunay na Sabbath ay kinapapalooban ng kagalakan, kaligayahan, masayang puso, at masayang mukha.

Kabilang sa mga aktibidad sa araw ng Sabbath ang pagpunta sa simbahan, pangkalahatang kumperensya, pangkalahatang sesyon ng stake conference sa araw ng Linggo, at karagdagang mga miting tulad ng ward council kapag inanyayahan. Kabilang din sa mga ito ang buwanang pag-aayuno.

Sa iyong mga pagsisikap bilang missionary, hindi iniutos ng Panginoon sa iyo na humayo nang hindi kumakain, maliban sa regular na buwanang pag-aayuno, o hindi matulog para maging mas tapat na missionary. Maaaring paminsan-minsan ay mag-ayuno ka para sa isang espesyal na dahilan, ngunit huwag mag-ayuno nang mahigit 24 na oras.

2.7

Paglilingkod sa Komunidad

Maaari kang matutong maging disipulo ni Jesucristo sa pamamagitan ng paglilingkod tulad ng ginawa Niya. Maghanap ng mga pagkakataong mapaglingkuran ang iyong kompanyon, ang mga taong tinuturuan ninyo, mga miyembro, at iba pang tao sa komunidad, “upang inyong malaman na kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos” (Mosias 2:17).

Dapat kang maglingkod nang may tapat na hangaring tulungan ang iba nang walang inaasahang kapalit. Sundin ang lahat ng patakaran sa paglilingkod (tingnan sa 7.2), lalo na ang anumang patakaran tungkol sa hindi pagtuturo habang naglilingkod at hindi paglilingkod kung saan makakasama mong mag-isa ang mga bata. Kung may tao na nagsabing interesado siya sa inyong mensahe, tumugon nang napakaikli at mag-iskedyul na puntahan sila sa ibang oras at lugar para magbahagi ng mensahe.

Para sa karagdagang impormasyon tingnan sa bahagi 7.2, “Mga Tagubilin para sa Paglilingkod.”