Primary
Mga Responsibilidad


Larawan
grupo ng kababaihan at mga bata

Ang Aking Calling Bilang Nursery Leader

Mga Responsibilidad

Ang Panginoon ay nagpapasalamat sa kahandaan mong maglingkod sa Kanyang Simbahan. Nasa ibaba ang isang maikling paliwanag ng mga responsibilidad para sa iyong calling.

Layunin ng Primary

Tinutulungan ng Primary ang mga bata na madama ang pagmamahal ng kanilang Ama sa Langit; matuto tungkol sa Kanyang plano ng kaligayahan; maipamuhay ang ebanghelyo ni Jesucristo; at madama at makilala ang Espiritu Santo at kumilos ayon sa impluwensya nito. Ang Primary ay panahon din para maghanda, gumawa, at tumupad ng mga sagradong tipan habang nakikibahagi ang mga bata sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. (Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 12.1.)

Nursery Leader

Ang pagtuturo sa mga anak ng Diyos ay isang sagradong pribilehiyo. Tinutulungan ng nursery ang mga batang edad 18 buwan hanggang 3 taong gulang na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at matutuhan ang tungkol sa Kanyang plano ng kaligayahan. Minamahal, tinuturuan, at pinaglilingkuran ng mga nursery leader ang mga bata. Tinitiyak din nila ang kaligtasan at mabuting kapakanan ng mga bata (tingnan sa 12.1.5).

Mga Klase sa Araw ng Linggo

Ang mga Nursery leader ay nagtuturo mula sa Masdan ang Inyong mga Musmos. Sinusunod nila ang mga alituntunin sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas at sa kabanata 17 ng Pangkalahatang Hanbuk. Kapag nagtuturo ang mga adult sa mga bata sa Simbahan, dapat ay may hindi bababa sa dalawang responsableng adult na naroon (tingnan sa 12.3.5).

Mga Tuntunin at Patakaran

Lahat ng adult na naglilingkod sa mga bata at kabataan ay kailangang kumpletuhin ang training na Pagprotekta sa mga Bata at Kabataan sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org). Ang mga tuntunin at patakaran tungkol sa mga batang may espesyal na mga pangangailangan, mga kailangan ukol sa kaligtasan, programang Mga Bata at Kabataan, at iba pa ay matatagpuan sa bahagi 12.5 ng Pangkalahatang Hanbuk.

Print