Primary
Welcome


Larawan
ipinintang larawan na nagpapakita kay Jesus na may hawak na tupa

Welcome

Welcome sa iyong bagong calling. Nagpapasalamat kami sa pagmamahal at katapatan mo sa Ama sa Langit na ipinakita mo sa iyong kahandaang maglingkod sa Kanyang mga anak. Sa pamamagitan mo, maaantig Niya ang mga puso, mapalalakas ang pagbabalik-loob, at magagabayan ang Kanyang mga anak na lalaki at babae sa landas ng tipan.

Mga Sanggunian na Dapat Malaman

Ang Pangkalahatang Hanbuk at mga sanggunian sa Aking Calling ng Simbahan ay tutulong sa iyo na maunawan at magampanan ang iyong calling. Basahin ang mga deskripsyon sa ibaba para mas maunawaan kung paano gamitin ang dalawang sangguniang ito.

Pangkalahatang Hanbuk: Ang Pangkalahatang Hanbuk: Ang Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nagbibigay ng detalyadong mga tagubilin para sa iba’t ibang responsibilidad mo. Gamitin ang hanbuk na ito sa kabuuan ng iyong paglilingkod at mapanalanging isaalang-alang ang mga itinuturo nito.

Aking Calling: Ang Aking Calling ay nagbibigay ng overview ng mga bago mong responsibilidad. Kasama sa mga overview na ito ang ilang link sa Pangkalahatang Hanbuk para sa karagdagang detalyadong impormasyon.

Print