Seminary
Pambungad sa Doctrinal Mastery


Pambungad sa Doctrinal Mastery

Ang Layunin ng Doctrinal Mastery

binatilyong nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Malalaman mo sa lesson na ito ang tungkol sa doctrinal mastery at kung paano nito mapagpapala ang iyong buhay at makatutulong sa iyo sa pagtatayo ng iyong espirituwal na saligan kay Jesucristo.

Pagtatayo ng saligan kay Jesucristo

buhawi

Nagbabala si Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa mga espirituwal na buhawi:

Elder Neil L. Andersen

Ang mas nakapag-aalala kaysa mga ipinropesiyang lindol at digmaan [sa mga huling araw] ay ang mga espirituwal na buhawi na maaaring bumunot sa inyo mula sa inyong mga espirituwal na pundasyon at ilapag ang inyong kaluluwa sa mga sitwasyong hindi ninyo sukat-akalain, na kung minsan ay halos hindi ninyo namamalayan na naalis na pala kayo sa inyong pundasyon.

(Neil L. Andersen, “Mga Espirituwal na Buhawi,” Liahona, Mayo 2014, 18)

  • Ano ang ilan sa mga espirituwal na buhawi na nagtatangkang bumunot sa atin mula sa ating mga espirituwal na saligan?

Isipin ang isang espirituwal na buhawi na maaaring nararanasan mo. Basahin ang Helaman 5:12 at alamin ang mga paraan para mapaglabanan ang buhawi na ito.

  • Ano ang napansin mo na makatutulong sa iyo na mapaglabanan ang mga espirituwal na buhawi?

  • Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng magtayo ng saligan kay Jesucristo?

  • Sa paanong paraan ka personal na makikinabang sa pagtatayo ng matibay na saligan kay Jesucristo?

Ang aking espirituwal na saligan

Pag-isipan ang iyong espirituwal na saligan at i-rate ang iyong sarili sa mga sumusunod na pahayag gamit ang “Sang-ayon,” “Medyo Sang-ayon,” “Medyo Hindi Sang-ayon,” o “Hindi Sang-ayon.”

  1. Nagtatayo ako ng matibay na saligan kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo.

  2. Dinaragdagan ko ang aking kaalaman tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang doktrina.

  3. Komportable akong gamitin ang mga banal na kasulatan upang ipaliwanag ang doktrina ni Jesucristo.

  4. Nahahanap ko ang mga sagot sa mga tanong ko o ng iba tungkol sa ebanghelyo.

Doctrinal mastery

Matutulungan ka ng seminary na itayo ang iyong saligan kay Jesucristo habang natututuhan mo ang Kanyang doktrina, lumalapit sa Kanya, at nagiging Kanyang disipulo (tingnan sa 3 Nephi 11:39). Basahin ang unang dalawang talata sa kabanata na “Pambungad sa Doctrinal Mastery” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022), at alamin ang mga paraan na matutulungan ka ng seminary na maitayo ang iyong saligan kay Jesucristo.

  • Ano ang nalaman mo?

May dalawang pangunahing resulta sa doctrinal mastery na tutulong sa iyo na maitayo ang iyong saligan kay Jesucristo. Basahin ang dalawang resulta sa doctrinal mastery sa kabanata na “Pambungad sa Doctrinal Mastery” ng Doctrinal Mastery Core Document.

Pag-aaralan at isasaulo mo ang doctrinal mastery sa bawat linggo ng seminary. Sa karamihan ng mga lesson na ito, pag-aaralan mo ang isa sa 24 na scripture passage mula sa Bagong Tipan na kilala bilang mga doctrinal mastery passage. Ang sumusunod na diagram ay naglalarawan ng gagawin mo sa mga doctrinal mastery lesson.

flow chart para sa doctrinal mastery

Alamin at ipaliwanag ang doktrina

Sa simula ng lesson, sinuri mo ang iyong sarili kung gaano ka kakomportable sa paggamit ng mga banal na kasulatan para ipaliwanag ang doktrina ni Jesucristo. Ano pa mang pagsusuri ang gawin mo sa iyong sarili, ang pag-aaral ng doctrinal mastery ay magpapaibayo sa iyong kaalaman tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang doktrina. Mag-iibayo ang kakayahan mong ipaliwanag ang Kanyang doktrina gamit ang mga banal na kasulatan.

Hanapin ang listahan ng mga doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan at ang mahahalagang parirala ng mga ito. Makikita mo ang listahang ito malapit sa katapusan ng Doctrinal Mastery Core Document. Pumili ng isa sa mga scripture passage na interesado kang pag-aralan, na makatutulong sa isang personal na pangangailangan, o sa tanong mo.

icon ng pagsusulat sa journal1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Aling scripture passage ang pinili mo?

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng scripture passage na ito tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo?

  • Sa paanong paraan mapagpapala ang iyong buhay kapag alam mo kung paano ipaliliwanag ang doktrina mula sa scripture passage na ito?

Pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Sa mga doctrinal mastery lesson, magkakaroon ka ng pagkakataong matutuhan pa at gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang matulungan ka sa pagsagot ng mga tanong na personal at tungkol sa lipunan pati na rin ng mga tanong tungkol sa doktrina, mga gawain, o kasaysayan ng Simbahan. Ang pag-aaral at paggamit ng mga alituntuning ito ay tutulong sa iyo na maitayo ang iyong saligan sa Tagapagligtas at bumaling sa Kanya kapag nahaharap ka sa mga tanong. Ang tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman na magsasanay kang gamitin sa seminary ay:

  • Kumilos nang may pananampalataya.

  • Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.

  • Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos.

Kung hindi ka pamilyar sa mga alituntuning ito, maaari mong basahin ang talata 5–12 sa kabanata ng “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document.

icon ng pagsusulat sa journal2. Sagutin sa iyong study journal ang kahit dalawa sa mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang alam mo sa mga alituntuning ito?

  • Ano ang naging mga karanasan mo sa mga alituntuning ito?

  • Sa iyong palagay, paano makatutulong sa iyo ang mga alituntuning ito na maitayo ang iyong saligan kay Cristo at mapaglabanan ang mga espirituwal na buhawi?

Mga doctrinal mastery scripture passage

Bawat taon sa seminary hihikayatin kang isaulo ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 24 na doctrinal mastery scripture passage.

Si Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol ay nagturo ng tungkol sa pagsasaulo ng mga banal na kasulatan.

2:3

Ang Bisa ng Banal na Kasulatan

Ang mga banal na kasulatan ay tulad ng mumunting liwanag na tumatanglaw sa ating isipan at nagbibigay-puwang sa patnubay at inspirasyong mula sa kaitaasan.

Elder Richard G. Scott

Malaking tulong ang nagagawa ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan. Ang pagsasaulo ng isang talata ay pagbubuo ng [bagong] pagkakaibigan. Ito’y parang pagkakaroon ng bagong kakilala na makatutulong sa oras ng pangangailangan, makapagbibigay ng inspirasyon at kapanatagan, at pagmumulan ng panghihikayat para sa kinakailangang pagbabago.

(Richard G. Scott, “Ang Bisa ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Nob. 2011, 6)

Isipin ang mga sumusunod na tanong:

  • Sa iyong palagay, bakit makatutulong na maisaulo ang iba’t ibang scripture passage?

  • Sa iyong palagay, paano makatutulong sa iyo ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan para maitayo ang iyong saligan kay Jesucristo at mapaglabanan ang mga espirituwal na buhawi?

Rebyuhin sandali ang 24 na doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa kursong Bagong Tipan. Maaari mong gamitin ang Doctrinal Mastery app o ang Doctrinal Mastery Core Document. Maaari mong simulang isaulo ang reperensya at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa scripture passage na pinili mo kanina.

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Bakit mahalaga ang doctrinal mastery?

Itinuro ni Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Pangulong M. Russell Ballard

“[Ang Doctrinal Mastery] ay magtutuon sa pagpapalago at pagpapalakas ng pananampalataya ng ating mga estudyante kay Jesucristo at pagpapaibayo ng kakayahan nilang mamuhay ayon sa ebanghelyo. Sa paghugot ng lakas mula sa mga banal na kasulatan at salita ng mga propeta, matututo silang kumilos nang may pananampalataya kay Cristo upang magtamo ng espirituwal na kaalaman at pang-unawa sa Kanyang ebanghelyo. At magkakaroon sila ng mga pagkakataong matuto kung paano [gagamitin] ang doktrina ni Cristo at mga alituntunin ng ebanghelyo sa mga tanong at hamong naririnig at nakikita nila araw-araw sa mga kaedad nila at sa social media.

(M. Russell Ballard, “Ang mga Oportunidad at Responsibilidad ng mga CES Teacher sa Ika-21 Siglo” [isang gabi kasama ang isang General Authority, Peb. 26, 2016], ChurchofJesusChrist.org)