Pambungad sa Manwal ng Bagong Tipan para sa Seminary Teacher
Ang Layunin ng Seminaries at Institute of Religion ay “tulungan ang mga kabataan at young adult na maunawaan ang mga turo at Pagbabayad-sala ni Jesucristo at umasa rito, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo, at ihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at iba pa para sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit” (Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo: Isang Hanbuk para sa mga Titser at Lider sa Seminaries and Institutes of Religion [2012], x, SimbahanniJesucristo.org).
Ang mga lesson at iba pang resources sa manwal na ito ay ginawa upang tulungan kang makamit ang layuning ito. Ang mga ito ay makatutulong sa iyo na magturo sa pamamagitan ng Espiritu, magtuon kay Jesucristo, ituro ang Kanyang doktrina na matatagpuan sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta, at anyayahan ang mga estudyante na masigasig na matuto. Sa paggawa nito, matutulungan mo ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo.
Mga Kasangkapang Tutulong sa Iyong Maghandang Magturo
Ang mga Banal na KasulatanAng pag-aaral gamit ang scripture block ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ay isang mahalagang paraan upang makapaghanda sa pagtuturo sa mga estudyante. Ang mga lesson na nilalaman ng manwal na ito ay maaaring mangailangan ng inspiradong titser na regular na nag-aaral ng mga banal na kasulatan at naghahangad ng patnubay ng Espiritu Santo. Habang regular mong pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan, makatitiyak ka na bibigyan ka ng Ama sa Langit ng inspirasyon sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu tungkol sa kung paano iaangkop ang mga materyal na ito sa mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.
Mga Lingguhang Buod
Ang manwal na ito ay isinaayos ayon sa mga lingguhang scripture block ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Para sa bawat lingguhang scripture block, ang manwal na ito ay magbibigay ng lingguhang buod na sinusundan ng limang lesson. Ang lingguhang buod ay nagbibigay ng buod ng materyal sa pagtuturo para sa linggong iyon gayundin ang impormasyong partikular sa lesson upang matulungan kang maghandang magturo. Makikita mo ang sumusunod na impormasyon para sa bawat lesson:
-
layunin ng lesson
-
mga ideya sa paghahanda ng estudyante
-
listahan ng mga object lesson, handout, larawan, video, o iba pang materyal na maaaring kailanganing ihanda nang maaga
-
mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference (kung ia-access ang content sa pamamagitan ng Gospel Library app o sa Gospel Library online sa SimbahanniJesucristo.org)
Ang pagrerebyu ng lingguhang buod sa simula ng bawat linggo ay makatutulong sa iyong magpasya kung aling mga lesson ang ituturo at anong mga materyal ang kokolektahin o ihahanda nang maaga.
Mga Tip sa Pagtuturo
Ipinaliliwanag sa mga tip sa pagtuturo ang mga inirerekomendang gawain at alituntunin sa pagtuturo na makatutulong sa iyo na maging mas mahusay na titser. Ang bawat lesson ay naglalaman ng tip sa pagtuturo na kasunod agad ng pambungad sa lesson. Makakakita ka ng mga karagdagang gawain at alituntunin sa pagtuturo sa library ng mga kasanayan sa pag-unlad ng titser na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org. Kapag nadarama mong handa ka na, subukang gawin ang mga tip na ito habang nagtuturo ka. Kapag ginawa mo ito, mapapansin mong humuhusay ang kakayahan mong magturo.
Tagubilin sa Pagtuturo
Ang mga tagubilin sa pagtuturo ay ginawa upang tulungan kang maghandang magturo. Ang mga tagubiling ito ay maaaring magpaliwanag ng mga layunin ng mga aktibidad ng lesson o magbigay ng mga mungkahi kung paano iaangkop ang nilalaman ng lesson upang mas matugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante. Maaaring kabilang sa mga mungkahing ito ang mga alternatibong pamamaraan, tanong, o aktibidad na tutulong sa iyo na iangkop ang nilalaman at mga aktibidad kung kinakailangan.
Paghahanda ng Estudyante
Ang bawat lesson ay may kasamang mungkahi sa pagtulong sa mga estudyante na ihanda ang kanilang isipan at puso para sa karanasan sa pag-aaral. Inililista ng bawat lingguhang buod ang mga ideya sa paghahanda ng estudyante para sa limang lesson sa linggong iyon. Maaari mong tingnan ang mga ideyang ito sa simula ng linggo at mapanalanging magpasya kung aling mga ideya sa palagay mo ang pinakamahusay na makatutulong sa iyong mga estudyante. Hindi mo kailangang gamitin ang bawat mungkahi sa paghahanda ng estudyante. Maaari mong iangkop ang mga ito o maaari kang gumawa ng sarili mong mga ideya. Marami sa mga mungkahing ito ang ginawa upang ibigay sa mga estudyante nang mas maaga ng isang araw o mahigit pa bago ang karanasan sa pag-aaral.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaralAng bahaging ito ng lesson ay may mga kasamang posibleng paraan na matatalakay mo ang karanasan sa pag-aaral. Hindi mo kailangang gamitin ang lahat ng nilalamang ito sa mga lesson na itinuturo mo. Upang magkaroon ang iyong mga estudyante ng pinakamagandang karanasan, dapat mong gamitin ang nilalaman sa bahaging ito bilang gabay sa halip na isang script. Kung nagsisimula ka pa lang bilang seminary teacher, makabubuting magsimula sa pamamagitan ng pagsunod nang mabuti sa mga iminungkahing aktibidad sa pag-aaral. Habang humuhusay ka bilang titser, magiging pamilyar ka sa mga pangangailangan ng iyong mga estudyante at mapapahusay ang kakayahan mong tumanggap ng inspirasyon. Maiaangkop mo nang mas mahusay ang nilalaman ng manwal na ito upang mabigyan ang iyong mga estudyante ng mga karanasang nakapagpapabalik-loob at nauugnay sa pag-aaral.
Komentaryo at Pinagmulang ImpormasyonKaramihan ng mga lesson ay naglalaman ng bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” sa katapusan ng lesson. Ang bahaging ito ay naglalaman ng karagdagang impormasyon na makatutulong na mapalalim ang pagkatuto. Maaari kang makahanap ng mga posibleng sagot sa mga tanong ng mga estudyante o pahayag ng mga lider ng Simbahan na maaari mong isama sa lesson. Ang bahaging ito ay available lang kung ia-access mo ang manwal ng titser sa pamamagitan ng Gospel Library app o sa Gospel Library online sa SimbahanniJesucristo.org. Ang karamihan ng impormasyon sa bahaging ito ay kasama rin sa online na kurikulum ng seminary at sa manwal ng estudyante (sa ilalim ng heading na “Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?”) kung ia-access ito sa pamamagitan ng Gospel Library app o sa Gospel Library online. Ang “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” ay hindi kasama sa PDF na bersiyon ng manwal ng titser o estudyante.
Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaralAng bahaging ito, na kasama rin sa katapusan ng lesson, ay may mga karagdagang ideya sa pagtalakay sa karanasan sa pag-aaral. Ang mga karagdagang aktibidad sa pag-aaral ay kasama lang sa manwal ng titser kung ia-access mo ito sa pamamagitan ng Gospel Library app o sa Gospel Library online sa SimbahanniJesucristo.org. Ang bahaging ito ay hindi kasama sa PDF na bersiyon ng manwal ng titser o sa manwal ng estudyante.
Doctrinal Mastery
Ang isang mahalagang priyoridad para sa iyo bilang titser ay tulungan ang mga estudyante na maisakatuparan ang mga resulta ng doctrinal mastery. Kabilang sa mga resultang ito ang pagtulong sa mga estudyante na
-
matutuhan at maisabuhay ang mga banal na alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at
-
isaulo ang mga scripture passage at ang doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo na itinuturo ng mga ito.
Ang pagsasaulo ng mga napiling scripture passage at ng doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo na itinuturo ng mga scripture passage na ito ay nangangahulugang magagawa ng mga estudyante na
-
malaman at matutuhan ang doktrinang itinuturo sa mga doctrinal mastery scripture passage;
-
ipaliwanag nang malinaw ang doktrina gamit ang mga nauugnay na doctrinal mastery scripture passage;
-
ipamuhay ang doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa kanilang mga pagpili sa araw-araw at sa mga tugon nila sa mga isyu at tanong tungkol sa doktrina, personal na buhay, lipunan, at kasaysayan; at
-
tandaan at hanapin ang mga doctrinal mastery scripture passage at isaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.
Maaaring mahirap ito sa una, ngunit magtiwala ka na makatutulong sa iyo ang manwal na ito sa pagtulong sa iyong mga estudyante na makamit ang doctrinal mastery. Sa bawat hanay o set ng limang lesson sa manwal na ito, makakakita ka ng lesson na makatutulong sa mga estudyante na maisakatuparan ang mga resultang ito. Ang mga lesson na ito ay mga doctrinal mastery passage lesson o mga doctrinal mastery review lesson.Mga Doctrinal Mastery Passage LessonAng mga doctrinal mastery passage lesson—gayundin ang kontekstuwal na lesson bago ang bawat lesson—ay dapat ituring na mahalaga. Dapat ituro ang bawat doctrinal mastery passage lesson sa school year, kabilang ang mga lesson na hindi naituro noong walang klase sa seminary. Kabilang sa mahahalagang lesson na ito ang:
-
Pambungad sa Doctrinal Mastery
-
Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Mga Bahagi 1, 2, at 3
-
ang kontekstuwal na lesson bago ang bawat isa sa 24 na doctrinal mastery passage lesson
-
24 na doctrinal mastery passage lesson (halimbawa, “Doctrinal Mastery: Lucas 2:10–12” o “Doctrinal Mastery: Juan 3:5”)
Tumutulong ang mga doctrinal mastery passage lesson sa mga estudyante na
-
isaulo ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan,
-
ipaliwanag ang doktrina, at
-
magsanay na ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrinang itinuturo sa scripture passage.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano tutulungan ang mga estudyante na maisakatuparan ang mga resulta ng doctrinal mastery, tingnan ang pagsasanay na “Doctrinal Mastery” na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org.
Mga Doctrinal Mastery Review Lesson Ang mga doctrinal mastery review lesson ay nagbibigay ng mga pagkakataong rebyuhin (o sa ilang pagkakataon, malaman) ang ilan sa mga doctrinal mastery passage at pagsikapang isakatuparan ang mga resulta ng doctrinal mastery. Opsiyonal ang mga doctrinal mastery review lesson. Kung hindi napag-aralan ng mga estudyante ang isang doctrinal mastery passage lesson dahil walang klase, maaari mong ituro ang di-napag-aralang lesson bilang kapalit ng isang doctrinal mastery review lesson.
Pagtulong sa mga Estudyante na I-assess ang Kanilang Pagkatuto
Ang pag-assess ay mahalagang bahagi ng pagkatuto. Ang mga pagkakataong huminto at pagnilayan ang pagkatuto ay maaaring maging magandang karanasan para sa mga estudyante at makahikayat sa kanila sa tuloy-tuloy nilang paglago at pag-unlad tungo sa pagiging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Ibinigay ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mahusay na payong ito para sa mga titser:
“Tandaan na ang estudyante ay hindi isang lalagyan na pupunuin; ang estudyante ay isang apoy na pagniningasin”
(“Mga Anghel at Panggigilalas” [Church Educational System Training Broadcast], Hunyo 12, 2019, https://www.churchofjesuschrist.org/study/broadcasts/miscellaneous-events/2019/06/14holland?lang=tgl).
Ang pagbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong i-assess ang kanilang pagkatuto ay isang paraan upang maipamuhay ang payo ni Elder Holland. Sa pamamagitan ng pag-assess sa kanilang pagkatuto, ang mga estudyante ay magiging aktibong kalahok sa proseso ng pagkatuto at mas magiging responsable sa kanilang pag-aaral. May ilang karanasan sa pag-aaral na kasama sa kurikulum na ito na ginawa upang bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataong pagnilayan ang natututuhan nila at kung paano sila lumalago bilang disipulo ni Jesucristo.
Mga lesson na “I-assess ang Iyong Pagkatuto”Ang manwal na ito ay may kasamang ilang lesson na “I-assess ang iyong pagkatuto.” Ang mga lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong maipaliwanag ang mahalagang doktrina mula sa Bagong Tipan, pagnilayan ang kanilang mga pag-uugali at hangarin, at ibahagi ang kanilang pag-unlad sa pagpapalago ng mga pag-uugaling tutulong sa kanila na maging mga mas tapat na disipulo ni Jesucristo. Ang mga lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makadama ng kagalakan habang nakikita nila ang kanilang pag-unlad at natutukoy nila ang mga aspeto para sa karagdagang pag-unlad sa hinaharap.
Mga Lesson sa Pagrerebyu ng Learning AssessmentSa katapusan ng bawat kalahati ng kurso, bibigyan mo ang mga estudyante ng learning assessment upang matulungan silang suriin ang kanilang kakayahang makamtan ang mga resulta ng doctrinal mastery. Dapat ituro ang lesson sa pagrerebyu ng mga learning assessment sa klase bago ang pagbibigay ng assessment. Matatagpuan ang mga lesson sa pagrerebyu ng learning assessment sa appendix ng manwal na ito. Kabilang sa mga lesson na ito ang mga aktibidad sa pagrerebyu na makatutulong sa mga estudyante na rebyuhin ang doktrina, mga reperensyang banal na kasulatan, at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng bawat isa sa mga doctrinal mastery passage na pinag-aralan nila sa una o pangalawang bahagi ng kurso. Ang mga lesson na ito ay makatutulong din sa mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Mga Learning AssessmentAng mga learning assessment para sa una at pangalawang bahagi ng kurso ay nakatuon sa doctrinal mastery at kasama sa appendix ng manwal na ito. Maaaring sagutan ng mga estudyante ang assessment habang may klase at pagkatapos ay iwasto ito sa klase sa tulong ng kanilang titser at iba pang kaklase. Para makatanggap ng credit para sa kursong ito sa seminary, kailangang magkaroon ang mga estudyante ng markang 75% o mas mataas sa bawat learning assessment. Maaaring ulitin ng mga estudyante ang mga assessment na ito nang maraming beses kung kinakailangan.
Para sa karagdagang impormasyon kung paano gamitin ang manwal na ito upang matulungan ang mga estudyante sa pag-assess ng pagkatuto, tingnan ang training na “Assessments Training” na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.
Mga Online Seminary Teacher
Kung ikaw ay isang online seminary teacher, maaaring kapaki-pakinabang sa iyo na tingnan ang nilalaman ng manwal para sa seminary teacher habang naghahanda ka ng mga lesson. Bagama’t halos magkapareho ang mga nilalaman ng mga lesson sa manwal na ito at ng mga lesson sa online na kurikulum ng seminary, kabilang din sa manwal para sa seminary teacher ang tagubilin sa pagtuturo at mga karagdagang aktibidad sa pag-aaral. Ang resources na ito ay makatutulong sa iyong masagot ang mga tanong ng mga estudyante, iangkop ang online content ng kurikulum, at maghanda para sa mga face-to-face class (personal man o virtual).
Bukod pa sa manwal na ito at sa online na kurikulum ng seminary, may karagdagang resource na tutulong sa iyong magturo sa online seminary. Sa bawat linggo ng kurikulum sa online seminary, may kasamang pahina na hindi inilathala para sa mga titser na may pamagat na “Mga Mungkahi para sa mga Online Teacher.” Ang pahinang ito ay may kasamang iba’t ibang mungkahi na makatutulong sa iyo na gawing mas makabuluhan ang karanasan sa online na pag-aaral para sa iyong mga estudyante. Maaaring kasama sa mga mungkahing ito ang mga sumusunod:
-
mga online tip sa pagtuturo
-
mga layunin ng lesson
-
mga ideya sa paghahanda ng estudyante
-
mga mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference
-
mga mungkahi sa pag-aangkop sa online content
Hinihikayat kang iangkop ang online na kurikulum ng seminary upang matugunan ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante. Maaaring i-edit ang bawat pahina sa online na kurikulum ng seminary. Maaaring kabilang sa ilang pag-aangkop na maaari mong gawin sa online na kurikulum ang
-
pagbabago ng aktibidad sa lesson upang gawin itong mas nauugnay at interesante sa mga estudyante,
-
pag-delete ng ilang content na maaaring napakahirap para maunawaan ng mga estudyante,
-
pagpapalit ng content ng isang video recording tungkol sa iyo o sa iba na nagpapatotoo tungkol sa isang alituntunin o doktrina sa mga banal na kasulatan, o pagbabahagi ng personal na karanasan, o
-
pagpapalit ng isang sipi sa isang siping mas bago o mas madaling maunawaan ng mga estudyante.
Kailangang i-angkop ng mga online seminary teacher ang pagkakasunud-sunod ng ilang lesson sa online na kurikulum ng seminary upang masunod ang mga lokal na pacing guide o iskedyul.
Mga Home-study Seminary Teacher
Kung ikaw ay isang home-study seminary teacher, kakailanganin ng mga estudyante na magkaroon ng kopya ng manwal ng estudyante sa seminary, o ma-access ito sa Gospel Library app o sa Gospel Library online, na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org. Kakailanganin mong makipag-ugnayan sa mga estudyante tungkol sa kung aling mga lesson ang pag-aaralan nila sa tahanan at aling mga lesson ang sama-sama ninyong pag-aaralan nang virtual o personal. Ang mga lesson sa manwal ng estudyante ay tumutugma sa mga lesson ding iyon sa manwal ng titser.
Kapag nagpapasya kung aling mga lesson ang ituturo sa isang face-to-face class, isaalang-alang kung aling mga lesson ang magiging epektibo lalo na kapag pinag-aralan bilang grupo. Maaari kang magbigay ng mga paanyaya sa mga estudyante na tutulong sa kanila na maghanda para sa klase. Ang mga mungkahi sa paghahanda ng estudyante na kasama sa simula ng bawat lesson ay makapagbibigay sa iyo ng ilang ideya tungkol sa kung paano gawin ito. Habang pinaplano mo ang mga karanasan sa pag-aaral sa mga face-to-face class, maglaan ng ilang oras sa klase para sa pagrerebyu ng mga reperensya at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng mga doctrinal mastery passage na napag-aralan na ng mga estudyante kamakailan.
Dapat kumpletuhin ng mga estudyante ang mga assignment na may numero mula sa manwal ng estudyante at ipasa nila ang mga ito sa iyo kahit linggu-linggo. Maaaring isumite ng mga estudyante ang kanilang ginawa sa elektronikong paraan (sa pamamagitan ng email, messaging app, o iba pang katulad ng mga ito) o sa study journal. Kung isusumite ng mga estudyante ang kanilang natapos na gawain sa isang study journal, dapat silang magkaroon ng dalawang study journal upang maiwan nila ang isang journal sa iyo kung kinakailangan at patuloy silang makagawa sa isa pang journal, at makipagpalitan sila sa iyo ng journal tuwing magkikita-kita kayo.
Habang nirerebyu mo ang gawa ng mga estudyante, magbigay ng feedback na partikular at makabuluhan. Humanap ng mga paraan na mahikayat ang iyong mga estudyante at matulungan silang umunlad sa kanilang pag-aaral. Makatutulong din sa mga estudyante kung makakahanap ka ng mga paraan na makausap sila sa buong linggo. Halimbawa, kung pinag-aaralan mo ang mga lesson sa manwal na ito habang ginagawa ng mga estudyante ang mga lesson ding iyon sa bahay, maaari kang mabigyang-inspirasyon na magbahagi sa mga estudyante ng isang tanong, iminungkahing video, o iba pang resource mula sa manwal na ito sa pamamagitan ng email, mga group text, o iba pang paraan ng pakikipag-ugnayan. Maaari mo ring bigyan ang mga estudyante ng mga paalala o paghihikayat upang makatulong na magkaroon ng pagkakaisa sa klase at matulungan ang mga estudyante na madamang kabilang sila habang pinag-aaralan nila ang ebanghelyo at sama-sama silang lumalago.