Mga Panimulang Materyal
Buod
Ngayong taon sa seminary, pag-aaralan mo ang Bagong Tipan. Ang mga lesson sa linggong ito ay tutulong sa iyo na maghandang matuto tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo habang nag-aaral ka sa taong ito.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Pambungad sa Bagong Tipan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na lumapit kay Jesucristo at sumunod sa Kanya habang pinag-aaralan nila ang Bagong Tipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung bakit magiging makabuluhang pag-aralan ang Bagong Tipan sa taong ito. Maaaring makatulong na anyayahan sila na itanong sa ilan sa kanilang mga kapamilya kung bakit sa palagay nila ay magiging makabuluhan ito.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Tiyakin na bawat estudyante ay may scripture study journal at access sa isang kopya ng Bagong Tipan sa digital o print format (isang Latter-day Saint edition na may mga footnote, indeks, at iba pa, kung mayroon sa inyong wika).
-
Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari kang mag-ukol ng ilang oras bago simulan ang lesson para ipakilala ang iyong sarili sa mga estudyante at tulungan ang mga estudyante na makilala ang isa’t isa.
Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na lumapit kay Cristo at mas makilala Siya sa pamamagitan ng pag-aaral nila ng salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan at pagtatakda ng mga mithiin sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.
-
Paghahanda ng estudyante: Kung maaari, ipakumpleto sa mga estudyante ang pagsusuri sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan ilang araw bago magklase. Maaari mo itong gawin sa isang electronic format o bigyan ang mga estudyante ng handout sa pagsusuri na pupunan nila nang hindi nagpapakilala at ipasa ito bago ang lesson na ito.
Matuto sa pamamagitan ng Espiritu
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano sila tinutulungan ng Espiritu Santo na matutuhan ang katotohanan at tumanggap ng personal na paghahayag.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Juan 14:26–27 at isipin ang mga karanasan kung kailan nadama o natutuhan nila ang isang bagay mula sa Espiritu Santo sa mga paraang inilarawan ng Tagapagligtas sa mga talatang ito.
-
Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari mong gamitin ang whiteboard function para mailista ng mga estudyante ang mga paraan na inilarawan ang Espiritu Santo sa mga banal na kasulatan na nakalista sa lesson.
Matuto sa pamamagitan ng Pananampalataya kay Jesucristo
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng pagkilos nang may pananampalataya kay Jesucristo habang natututo sila sa seminary.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang mabuti ang tanong na ito: Ano ang nagawa mo na nakatulong sa iyo na lubos na matutuhan ang ebanghelyo?
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Para sa bawat estudyante, magdala ng isang papel na malaki para hatiin sa tatlong column.
Pambungad sa Doctrinal Mastery
Layunin ng lesson: Ipaalam sa mga estudyante ang doctrinal mastery at kung paano nito mapagpapala ang kanilang buhay at matutulungan silang maitayo ang kanilang espirituwal na pundasyon kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa mga doctrinal mastery passage na nakakainteres sa kanila, makatutulong sa isang personal na pangangailangan, o masasagot ang tanong nila. Isang listahan ng mga scripture passage ang matatagpuan sa Doctrinal Mastery app o sa katapusan ng Doctrinal Mastery Core Document.
-
Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari kang gumamit ng mga breakout room para matulungan ang mga estudyante na talakayin ang isa o mahigit pang mga tanong sa lesson.
-
Handout: Ihanda ang handout na “Ang Aking Espirituwal na Pundasyon” para sa bawat estudyante.
-
Nilalaman na ipapakita: Maghandang ipakita ang diagram na naglalarawan ng mga elemento ng mga doctrinal mastery lesson.