“Pambungad,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)
“Pambungad,” Ministeryo sa Bilangguan
Pambungad
Itinuro ni Jesucristo sa Kanyang mga disipulo na paglingkuran ang mga nangangailangan. Kabilang dito ang mga nabilanggo o nakabilanggo. Sinabi niya na “yamang ginawa ninyo ito sa isa sa pinakamaliit sa mga kapatid kong ito, ay sa akin ninyo ginawa” (Mateo 25:40).
Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay isa sa maraming relihiyon at organisasyon sa komunidad na nakikipagtulungan upang tulungan ang mga naapektuhan ng krimen at pagkabilanggo. Inaanyayahan tayong lahat na tularan ang halimbawa ni Jesucristo sa pangangalaga sa mga nakabilanggo o nabilanggo at sa kanilang mga kapamilya (tingnan sa Mateo 25:35–40; Mosias 18:8–9).
Nahabag ang Tagapagligtas sa mga dating nabilanggo (tingnan sa Lucas 23:43). Gayundin, matutulungan ng mga disipulo ni Cristo na magsisi ang iba na may mabigat na pasanin. Matutulungan nila sila na magtatag ng mabubuting pamantayan para sa matagumpay na pamumuhay at bumalik sa kaligtasan at pagmamahal ng Simbahan ni Cristo (tingnan sa sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw,kabanata 32).
Para sa karagdagang impormasyon, mag-email sa PrisonMinistry@ChurchofJesusChrist.org o tumawag sa 1-801-240-2644.