“Indibiduwal na Paghahanda,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)
“Indibiduwal na Paghahanda,” Ministeryo sa Bilangguan
Indibiduwal na Paghahanda
Mga Alituntunin
Layunin ng Gawain—Alam ng Panginoon ang puso at isipan ng lahat ng Kanyang mga anak (tingnan sa Alma 18:32). Ang layunin ng mga pagsisikap sa ministering sa bilangguan ay gawin ang kalooban ng Panginoon sa pagtulong sa mga adult at kabataang nakabilanggo na lumapit kay Jesucristo, magsisi, magpagaling, at maghanda para umunlad sa landas ng tipan at para sa isang kapaki-pakinabang na buhay.
Pag-unawa sa mga Pangangailangan—Ang Diyos ay nagpapala at naglalaan para sa Kanyang mga anak nang isa-isa (tingnan sa 3 Nephi 11:15). May halaga sa pag aaral kung paano nakakaapekto ang pagkabilanggo sa mga indibiduwal, pamilya, bata, at lipunan. Kapag regular kang nakikipag-usap sa mga adult na nakakulong, mas mauunawaan mo ang mga pangkalahatang pangangailangan ng marami pati na rin ang mga pangailangan ng isang indibiduwal.
Pag-unawa sa Batas—Bawat bansa ay may natatanging mga batas, patakaran, at pamamaraan na ipinapatupad hinggil sa pagkabilanggo. Ang mga lider at miyembro ay dapat kumilos ayon sa mga legal na hangganan na itinatag sa kanilang rehiyon. Ang mga chaplain at iba pang opisyal ng bilangguan ay makatutulong para maunawaan natin nang malinaw ang dapat na saklaw lamang ng pagmiminister natin.
Pagsasagawa
-
Isipin ang itinuturo ng mga banal na kasulatan tungkol sa mga salitang bilangguan at pagkaalipin. Ikumpara ito sa iyong tungkuling tulungan ang mga nakabilanggo.
-
Habang iniisip mo ang mga pangangailangan ng mga tutulungan mo, ilista ang mga karanasan sa buhay na sa palagay mo ay makatutulong sa iyo na mabisang makapag-minister.
-
Saliksikin ang mga resource na inilathala ng mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan upang may malaman pa ang tungkol sa mga realidad ng pagkabilanggo.
-
Sa pagtupad ng iyong tungkulin, isaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga pamilya at mga bata sa iyong komunidad na may mahal sa buhay na nasa bilangguan. May mga pangangailangan ba na hindi natutugunan na maaaring pag-usapan sa ward council para makagawa ng kaibhan?
-
Maging pamilyar sa mga patakaran at mga kinakailangan upang makakuha ng access sa pagbisita sa mga adult na nakakulong sa mga pasilidad ng correctional kung saan ka magmi-minister.
-
Ipakilala ang sarili sa prison chaplain at ipaalam sa kanya na gusto mong suportahan siya at yaong mga humihingi ng suporta ng Simbahan.
Karagdagang Resources
-
Video ng kuwento ni Hannah
3:57 -
Video ng kuwento ni Mark
7:19 -
“A Message of Hope for Those Who Are Incarcerated”
-
“Ministering sa mga Taong Nakabilanggo”