Mga Banal na Kasulatan
Mga Ideya sa Paggamit ng Gospel Library App


“Mga Ideya sa Paggamit ng Gospel Library App,” Mga Ideya sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan (2021)

“Mga Ideya sa Paggamit ng Gospel Library App,” Mga Ideya sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

Larawan
mag-ina na nakatingin sa tablet

Mga Ideya sa Paggamit ng Gospel Library App

Makinig

Isa sa pinakamagagandang paraan para pag-aralan ang mga banal na kasulatan ay makinig sa mga recording. Magagawa mo ito sa iyong tahanan o halos saanman. Maaari ka ring makinig sa iba’t ibang bilis at wika.

Mag-aral ayon sa Paksa

Mahahanap mo ang mga talata sa mga banal na kasulatan tungkol sa isang ibinigay na paksa gamit ang search function at pagkatapos ay rebyuhin ang mga kaugnay na resulta ng paghahanap. Magagamit mo rin ang lathalain na Mga Paksa ng Ebanghelyo na nagbibigay ng mahahalagang talata sa mga banal na kasulatan para sa isang paksa.

Mag-organisa Ayon sa Paksa

Maaari kang mag-organisa ng nilalaman ayon sa mga paksa gamit ang mga “Tag” at “Notebook.” Ang mga paksang ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang kapag naghahanda ka ng mensahe o lesson.

Mag-highlight

Maaari mong i-highlight o markahan ang iyong mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng pagpili ng isang talata at pagkatapos ay pumili ng estilo. Ang estilo ay maaaring kumbinasyon ng iba’t ibang kulay at salungguhit o highlight.

Gumawa ng mga Link

Maaari kang gumawa ng mga link sa pagitan ng mga banal na kasulatan, mensahe sa pangkalahatang kumperensya, at iba pang nilalaman. Makatutulong ito sa iyo na maalala at mabilis na pag-ugnayin ang mga ginawa mo.

Hanapin ang mga Depinisyon

Madali mong mahahanap ang depinisyon ng salita sa mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng pagpili nito at pag-tap sa “Define” button.

Gumamit ng mga Bookmark at Screen

Mabilis kang makakabalik para piliin ang nilalaman sa pamamagitan ng paggamit ng mga bookmark para masubaybayan ang ilang lugar at screen. Sa paggamit ng mga bookmark ay maaaring manatiling nakabukas ang iba’t ibang kabanata at iba pang nilalaman nang sabay-sabay.

Gumawa ng Iskedyul

Maaari kang gumawa ng plano sa pag-aaral na makakatulong sa iyong subaybayan ang iyong progreso sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Maaari ka ring magtakda ng mga paalala para matulungan kang makamit ang iyong mga layunin sa pag-aaral. Ang iskedyul ay makatutulong sa iyo na sabayan ang iskedyul ng pagbabasa sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin o personal na basahin ang Aklat ni Mormon.

Print