Mga Banal na Kasulatan
Bakit Kailangang Pag-aralan ang mga Banal na Kasulatan?


“Bakit Kailangang Pag-aralan ang mga Banal na Kasulatan?” Mga Ideya sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan (2021)

“Bakit Kailangang Pag-aralan ang mga Banal na Kasulatan?” Mga Ideya sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

Larawan
Christ institutes the sacrament among the Nephites [Pinasimulan ni Cristo ang sakramento sa mga Nephita], ni Andrew Bosley

Bakit Kailangang Pag-aralan ang mga Banal na Kasulatan?

Kapag masigasig nating pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan, mas napapalapit tayo kay Jesucristo at mas nauunawaan ang Kanyang ebanghelyo at nagbabayad-salang sakripisyo. Hinikayat tayo ng propetang si Nephi sa ganitong paraan:

“Kaya nga, kinakailangan kayong magpatuloy sa paglakad nang may katatagan kay Cristo, na may ganap na kaliwanagan ng pag-asa, at pag-ibig sa Diyos at sa lahat ng tao. Samakatwid, kung kayo ay magpapatuloy, nagpapakabusog sa salita ni Cristo, at magtitiis hanggang wakas, masdan, ganito ang wika ng Ama: Kayo ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan” (2 Nephi 31:20).

Larawan
pamilyang nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Ang mga turo mula sa mga banal na kasulatan ay tutulong sa atin na makabalik sa ating Ama sa Langit. Hiniling sa atin ng ating mga propeta sa mga huling araw na regular na pag-aralan ang mga ito bilang mga indibiduwal at, kung angkop, bilang mga pamilya. Inanyayahan nila tayong matuto mula sa mga karanasan ng mga nasa banal na kasulatan at ipamuhay ang mga salaysay at turo nito sa ating buhay ngayon, tulad ng payo ni Nephi sa 1 Nephi 19:23. Inanyayahan tayo kapwa ng mga sinauna at makabagong propeta na pag-aralan ang mga banal na kasulatan at “magpakabusog sa mga salita ni Cristo” (2 Nephi 32:3).

Larawan
lalaking nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Itinuro din ni Pangulong Russell M. Nelson ang mahalagang katotohanang ito tungkol sa “pagpapakabusog” sa mga banal na kasulatan:

“Ang magpakabusog ay hindi lamang tumikim. Ang ibig sabihin ng magpakabusog ay namnamin. Namnamin natin ang mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga ito na nalulugod sa pagtuklas at matapat na pagsunod. Kapag nagpakabusog tayo sa mga salita ni Cristo, nakaukit ang mga ito sa mga ‘tapyas ng puso ng tao’ [2 Corinto 3:3]. Nagiging mahalagang bahagi ang mga ito ng ating pagkatao” (“Living by Scriptural Guidance,” Ensign, Nob. 2000, 17).

Kapag palagi tayong personal na nag-aaral at nakikibahagi sa pampamilyang pag-aaral ng banal na kasulatan, tayo at ang ating pamilya ay magagabayan, mapoprotektahan, at mapatitibay laban sa maraming hamon sa ating panahon.

Print