“Makababalik Pa Ba Ako sa Normal Matapos ang Pagtatangkang Magpakamatay?” Mga Nakaligtas sa Pagtatangkang Magpakamatay (2018).
“Makababalik Pa Ba Ako sa Normal?” Mga Nakaligtas sa Pagtatangkang Magpakamatay.
Makababalik Pa Ba Ako sa Normal Matapos ang Pagtatangkang Magpakamatay?
Ang mga taong nagmamalasakit sa iyo ay mangangailangan ng panahon para maproseso ang mga naiisip at nararamdaman nila tungkol sa iyong pagtatangkang magpakamatay. Maaaring nakokonsensya sila dahil iniisip nila na dapat ay mayroon pa silang higit na ginawa para matulungan ka. Sa kanilang mga pagsisikap na mag-alok ng tulong ngayon, maaaring makapagsabi sila ng mga bagay na makakasakit sa iyo, pilitin ka nilang magbahagi ng impormasyong hindi ka komportableng ibahagi, o iwasan ka nila nang lubusan. Maaari itong magdulot sa iyo ng mas matinding emosyonal na sakit. Sikaping pagtuunan ang mabuting intensyon sa likod ng sinasabi o ginagawa nila. Maaaring hindi na maibalik sa dati ang ilan sa iyong mga relasyon—ngunit ayos lang iyon. Iba ka na rin ngayon kaysa noon. Hindi nito binabago ang katotohanan na ikaw ay pinahahalagahan, minamahal, at kinakailangan pa rin (tingnan sa “Hindi Tayo Kailanman Nag-iisa,” Thomas S. Monson, Liahona, Nob. 2013, 121–24).
Bigyan ang iyong sarili at ang iba ng panahon para makabangon at maghilom. Alalahanin ang sinabi ni Elder Kent F. Richards ng Pitumpu: “Ang Tagapagligtas ay hindi tahimik na nagmamasid. Alam na alam Niya mismo ang lahat ng pasakit na ating dinaranas” (“Sakop ng Pagbabayad-sala ang Lahat ng Nararamdaman Nating Sakit,” Liahona, Mayo 2011, 16). Hindi ka nag-iisa.
Mga Resource mula sa Simbahan at sa Komunidad
(Ang ilan sa mga resource na nakalista sa ibaba ay hindi nilikha, tinutustusan, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga materyal na ito ay nilayon para magsilbi bilang mga karagdagang resource habang pinag-aaralan mo ang paksang ito. Ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang content na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)
-
“Sagradong Pribilehiyo Natin ang Mapabilang,” Bonnie D. Parkin, Liahona, Nob. 2004.
-
“After an Attempt [Pagkatapos ng Pagtatangka],” American Foundation for Suicide Prevention.
-
“For Suicide Attempt Survivors [Para sa mga Nakaligtas sa Pagtatangkang Magpakamatay,” Suicide Awareness Voices of Education.
-
“Real advice for those who’ve attempted suicide, and want to step back into life [Tunay na payo para sa mga nagtangka nang magpakamatay, at nais makabalik sa normal na buhay],” JD Schramm, TEDBlog, Ene. 14, 2014.