Pagpapakamatay
Doktrina at mga Alituntunin


“Doktrina at mga Alituntunin,” Doktrina at mga Alituntunin (2018).

“Doktrina at mga Alituntunin,” Doktrina at mga Alituntunin.

Doktrina at mga Alituntunin

Inanyayahan tayo ng Panginoon na pakitunguhan ang lahat ng tao nang may pag-unawa at pagkahabag nang itinuro Niyang, “Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:39). Ang ating mga pagsisikap na mag-minister sa mga taong naapektuhan ng pagpapakamatay ay magiging mas epektibo kung nauunawaan natin nang lubos ang doktrina at mga turo, tulad ng sumusunod:

  • Sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, naranasan ni Jesucristo ang kabuuan ng mga hamon sa buhay sa lupa para malaman Niya “kung paano tutulungan ang kanyang mga tao alinsunod sa kanilang mga kahinaan” (tingnan sa Alma 7:11–13). Itinuro ni Pangulong James E. Faust: “Dahil napagdusahan na ng Tagapagligtas ang lahat ng bagay na maaari nating maramdaman o maranasan, matutulungan Niya ang mahihina na maging mas malakas” (“The Atonement: Our Greatest Hope,” Ensign, Nob. 2001, 20).

  • Ang buhay sa lupa ay isang mahalagang kaloob mula sa Diyos—isang kaloob na dapat pahalagahan at protektahan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 18:10; M. Russell Ballard, “Suicide: Some Things We Know, and Some We Do Not,” Ensign, Okt. 1987, 6–9).

  • Kapag kinitil ng isang tao ang kanyang sariling buhay, ang Diyos lamang ang may kakayahang husgahan ang kanyang mga kaisipan, mga gawa, at antas ng pananagutan. Hindi lamang pagpapakamatay ang pagbabatayan ng magiging buhay ng isang tao sa kawalang-hanggan (tingnan sa I Samuel 16:7; Doktrina at mga Tipan 137:9; Dale G. Renlund, “Grieving after a Suicide [Pagdadalamhati Matapos Magpakamatay ang Isang Mahal sa Buhay]” [video, suicide.ChurchofJesusChrist.org]).

Karagdagang Resource

Tingnan ang buong resource na “Paano Mapipigilan ang Pagpapakamatay at Pagbangon Matapos Mawalan ng Isang Mahal sa Buhay”.