Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro
Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay.


“Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magtuon kay Jesucristo (2023)

“Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magtuon kay Jesucristo

Magtuon kay Jesucristo: Tulungan ang mga Mag-aaral na Lumapit kay Jesucristo

Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay.

Kasanayan

Magtanong ng mga bagay na nakatuon sa pag-uugnay ng kapangyarihan, awa, at impluwensiya ng Panginoon sa mga katotohanang itinuturo.

Ipaliwanag

May kapangyarihang dumarating kapag iniuugnay natin ang ating mga pagsisikap para maipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo sa ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Mag-ukol ng oras sa iyong paghahanda na pagnilayan kung ano ang naitutulong sa iyo ng mga alituntunin ng ebanghelyo sa scripture block para malaman at maunawaan mo ang tungkol kay Jesucristo. Pagkatapos ay maingat na bumuo ng mga tanong na nag-aanyaya sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang matututuhan nila tungkol sa Kanyang pagmamahal, kapangyarihan, at awa mula sa mga katotohanang itinuturo. Bukod pa sa pagtulong sa mga estudyante na maunawaan ang doktrina, ang ganitong uri ng mga tanong ay makatutulong din sa kanila na makita kung paano makatutulong sa kanila ang pamumuhay ng doktrinang iyon para maranasan ang Kanyang pagmamahal, kapangyarihan, at awa, at maging higit na katulad Niya. Ang ganitong mga uri ng mga tanong ay makatutulong din sa mga estudyante na pag-isipan kung paano sila matutulungan ni Jesucristo na ipamuhay ang doktrinang iyon.

Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.

Ipakita

Sa halip na itanong ang …

  • Bakit mahalagang sundin ang batas ng ikapu?

  • Bakit kailangan nating magsisi araw-araw?

Subukang itanong ang …

  • Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa inyong Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pagsunod ninyo sa batas ng ikapu?

  • Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa awa ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagsisisi araw-araw?

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

1:24

Magpraktis

Magpraktis sa pamamagitan ng pagbabago ng mga sumusunod na tanong sa mga paraang makatutulong sa mga estudyante na maiugnay ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa mga katotohanang itinuturo.

Sa halip na itanong ang …

  • Bakit mahalagang pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw?

  • Anong kapangyarihan ang dumarating sa pagdalo sa templo?

Subukang itanong ang …

Talakayin o Pagnilayan

  • Paano mo natutuhang makita na nagiging mas makabuluhan ang mga alituntunin ng doktrina kapag iniugnay mo ang mga ito sa pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon?

  • Paano nito matutulungan ang ating mga estudyante na mas maunawaan at mas umasa sa mga turo at Pagbabayad-sala ni Jesucristo?

Isama

Tingnan ang susunod na lesson plan mo. Mag-ukol ng 10 minuto sa pagrerepaso ng mga tanong upang matulungan ang mga estudyante na maiugnay ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa mga katotohanang itinuturo.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

  • Chad H Webb, “Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo, Nagagalak Tayo kay Cristo” (taunang training broadcast ng Seminaries and Institutes of Religion, Hunyo 12, 2018), broadcasts.ChurchofJesusChrist.org

  • Chad H Webb, “Pagdamay” (taunang training broadcast ng Seminaries and Institutes of Religion, Ene. 26, 2021), broadcasts.ChurchofJesusChrist.org

Kasanayan

Magbigay ng mga paanyaya na nakatutulong sa mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang sariling mga karanasan.

Pinagagaling ni Jesucristo ang lalaki

Ipaliwanag

Matutulungan mo ang mga estudyante na lumapit kay Jesucristo sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila na damhin ang Kanyang pagmamahal, kapangyarihan, at awa sa sarili nilang mga karanasan. Matapos mong matukoy ang isang talata sa banal na kasulatan kung saan inilarawan ang Kanyang pagmamahal, kapangyarihan, o awa:

  • Magpahayag na nakatitiyak ka na naranasan na ng mga estudyante ang pagmamahal, kapangyarihan, o awa ni Cristo sa kanilang buhay.

  • Bigyan ng oras ang mga estudyante na alalahanin ang mga sandaling nadama nila ang pagmamahal, kapangyarihan, o awa ng Tagapagligtas sa kanilang sariling mga karanasan (ang mga sandaling ito ay maaaring nakaraan na o sa kasalukuyan).

  • Itanong kung mayroong handang magbahagi ng isang karanasan.

Kapag mas natukoy ng mga estudyante ang ginagampanan ni Cristo sa kanilang personal na mga karanasan, mas mapapalapit sila sa Kanya at titibay ang kanilang ugnayan sa Kanya.

Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.

Ipakita

Narito ang isang halimbawa ng maaaring kalabasan nito:

  • Inilarawan si Jesucristo sa Doktrina at mga Tipan 61:1 bilang “[Siya] na nagtataglay ng lahat ng kapangyarihan.” Upang matulungan ang mga estudyante na madama ang Kanyang kapangyarihan sa kanilang mga karanasan, maaari mong sabihing: “Naniniwala ako na bawat isa sa inyo ay nagkaroon na ng mga karanasan kung saan nadama ninyo ang kapangyarihan ng Tagapagligtas sa inyong buhay. Mangyaring gamitin ang susunod na tatlong minuto at isulat ang isang pagkakataon na nadama ninyo ang Kanyang kapangyarihan.” Matapos makumpleto ng karamihan sa mga estudyante ang pagsusulat, maaari mong itanong, “Kung hindi ito masyadong personal, may gusto bang magbahagi ng kanilang karanasan sa klase?”

1:49

Magpraktis

Pag-aralan ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod:

  • Ang Lucas 5 ay may ilang halimbawa ng kapangyarihan ng Tagapagligtas na magpagaling. Basahin ang Lucas 5:12–17. Magpraktis sa pagsulat ng isa o dalawang paanyaya na tutulong sa mga estudyante na pag-isipan kung naranasan din nila ang nagpapagaling na kapangyarihan ni Cristo.

  • Tingnan ang susunod na lesson mo sa kurikulum. Humanap ng bahagi sa mga scripture block kung saan maaari mong praktisin ang pagsulat ng isa o dalawang paanyaya para matulungan ang mga mag-aaral na pagnilayan ang mga ito kapag personal nilang naranasan ang pagmamahal, kapangyarihan, o awa ng Panginoon.

Talakayin o Pagnilayan

  • Anong mga paanyaya ang ibinibigay mo sa kasalukuyan upang matulungan ang mga estudyante na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ni Cristo sa kanilang personal na buhay?

  • Paano mo maaalala na magbigay ng ganitong mga uri ng paanyaya sa susunod mong pagtuturo sa mga estudyante?

  • Dahil sa mga karanasan mo sa pagmamahal, awa, at kapangyarihan ni Cristo, paano iyan nakahihikayat sa iyo na magpatuloy o marahil ay dagdagan ang iyong mga pagsisikap na tulungan ang iyong mga estudyante na makita rin Siya sa kanilang buhay?

Isama

Pumili ng susunod na scripture block na nagpapakita ng awa, pagmamahal, o kapangyarihan ni Cristo. Maingat na gumawa ng paanyaya sa iyong lesson plan upang matulungan ang mga estudyante na makita ang Tagapagligtas sa kanilang mga personal na karanasan.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

  • Tulungan ang mga Mag-aaral na Lumapit kay Jesucristo,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas (2022), 8–9

  • Dieter F. Uchtdorf, “Ang Kaloob na Biyaya,” Liahona, Mayo 2015, 107–10

  • Russell M. Nelson, “Ang Walang Hanggang Tipan,” Liahona, Okt. 2022, 4–11