Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro
Maghanap ng mga simbolo na nagpapatotoo kay Jesucristo.


“Maghanap ng mga simbolo na nagpapatotoo kay Jesucristo,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magtuon kay Jesucristo (2023)

“Maghanap ng mga simbolo na nagpapatotoo kay Jesucristo,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magtuon kay Jesucristo

Magtuon kay Jesucristo: Magturo tungkol kay Jesucristo Anuman ang Itinuturo Mo

Maghanap ng mga simbolo na nagpapatotoo kay Jesucristo.

Kasanayan

Magtanong ng mga bagay na makatutulong sa mga estudyante na malaman ang tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng mga simbolo sa mga banal na kasulatan.

Larawan
lalaking nagpapasa ng sakramento

Ipaliwanag

Sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapaglitas, nakasaad rito: “‘Ang lahat ng bagay,’ ipinahayag ng Panginoon, ‘ay nilalang at nilikha upang magpatotoo sa akin’ (Moises 6:63; tingnan din sa 2 Nephi 11:4). Nasasaisip ang katotohanang iyan, [matutulungan natin ang mga estudyante] na matutong makita ang maraming simbolo sa mga banal na kasulatan na nagpapatotoo tungkol sa Tagapagligtas. … Makahahanap ka rin ng mga pagkakatulad sa buhay ng Tagapagligtas sa buhay ng mga propeta at iba pang matatapat na kalalakihan at kababaihan sa mga banal na kasulatan. Ang paghahanap ng mga simbolo ay naghahayag ng mga katotohanan tungkol sa Tagapagligtas sa mga resource na maaaring hindi mo napansin noon” (pahina 7). Matutulungan natin ang mga estudyante na matutong makita si Jesucristo sa pamamagitan ng pagtatanong na makatutulong sa kanila na pag-isipan kung paanong ang mga tao, lugar, pangyayari, o bagay sa mga banal na kasulatan ay nagtuturo, nagpapatotoo, nauugnay, o nagpapaalala sa atin tungkol sa Kanya. Ang mga tanong na ito ay maaaring itanong bago o pagkatapos mong anyayahan ang mga estudyante na magbasa. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ng ganitong mga uri ng tanong ang mga sumusunod.

  • Anong mga katangian ni Jesucristo ang nakikita ninyo sa ?

  • Paano nauugnay kay Jesucristo ang mga bagay sa mga talatang ito?

  • Paano nagpapatotoo ang salaysay na ito tungkol kay Jesucristo?

  • Anong mga simbolo ni Jesucristo ang nakikita ninyo sa kuwentong ito?

Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.

Ipakita

Habang dinadala ng guro ang talakayan ng klase hanggang Juan 10, itatanong niya ang mga sumusunod:

  • Anong mga katangian ni Jesucristo ang nakikita ninyo sa “pintuan” na tinukoy sa talata 2?

  • Paano nauugnay kay Jesucristo ang “bantay” sa talata 3?

  • Anong iba pang mga simbolo ni Jesucristo ang nakikita ninyo sa Juan 10?

Praktis 1

  1. Anong mga bagay ang maaari mong itanong sa Mga Gawa 3:1–7 na makatutulong sa mga estudyante na makita si Jesucristo sa salaysay na ito?

  2. Habang tinitingnan mo ang kasunod na mga scripture block sa kurikulum para sa susunod na dalawang linggo, anong mga bagay ang maitatanong mo na tutulong sa iyong mga estudyante na makita si Jesucristo?

Talakayin o Pagnilayan

  • Anong kahalagahan ang nakikita mo sa pag-anyaya sa iba na matutong makita si Jesucristo sa lahat ng bagay?

  • Paano nakaimpluwensya sa buhay mo ang pagkakita sa Tagapagligtas sa mga banal na kasulatan?

Isama

  • Sa bawat lesson na kasunod, isipin ang mga simbolo ng Tagapagligtas na matatagpuan sa mga banal na kasulatan at magtanong para matulungan ang mga estudyante na matuklasan ang mga ito.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Kasanayan

Tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng karanasan na magamit ang kanilang pandama sa mga bagay sa banal na kasulatan na sumasagisag kay Jesucristo.

Larawan
tinapay at tubig ng sakramento

Ipaliwanag

Ang mga propeta at apostol ay madalas gumamit ng mga simbolo upang ituro ang tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Ang Tagapagligtas mismo ay naglakip ng mga simbolo sa Kanyang pagtuturo at nagsabing, “Ang lahat ng bagay ay nilalang at nilikha upang magpatotoo sa akin” (Moises 6:63). Ang isang paraan na matutulungan ng mga guro ang mga estudyante na mas maunawaan ang misyon at Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga simbolo sa banal na kasulatan ay hayaan ang mga estudyante na magkaroon ng karanasan na magamit ang kanilang pandama sa mga bagay-bagay. Ang karanasan sa paggamit ng pandama ay kapag inaanyayahan ang mga estudyante na hawakan, amuyin, pakinggan, tingnan, o tikman ang isang simbolikong bagay bago, sa oras, o pagkatapos magbasa ng isang scripture block. Mapapalalim nito ang pag-unawa ng mga estudyante tungkol sa simbolo at kung ano ang maituturo nito tungkol sa Tagapagligtas. Matutulungan ng mga guro ang mga estudyante na magkaroon ng karanasan sa paggamit ng pandama sa pamamagitan ng:

  1. Paglalahad ng bagay mula sa scripture block na gusto mong maranasan ng mga estudyante.

  2. Pagsasabi kung ano ang gagawin ng mga estudyante sa bagay na iyon.

  3. Pagtatanong na tutulong sa mga estudyante na maiugnay ang simbolo sa Tagapagligtas.

Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.

Ipakita

  • Itinuturo ni Sister Jones ang Helaman 5:12. Nagdala siya ng isang bato na katamtaman ang laki para ipasa-pasa ng mga estudyante. Habang hinahawakan nila ang bato, sinabi niya sa mga estudyante, “Habang hinahawakan ninyo ang bato, pag-isipan kung bakit sa palagay ninyo ay pinili ni Helaman ang isang bato para ihambing sa Tagapagligtas at sa pundasyon kung saan tayo dapat tumayo.”

  • Binigyan ni Brother Gonzalez ang bawat estudyante ng maliit na tasa ng tubig at inanyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang Juan 4:10–14 habang iniisip nila ang tubig. Tinanong niya ang mga estudyante, “Ano ang alam ninyo tungkol sa tubig na maaaring maging dahilan para gamitin ng Tagapagligtas ang ideyang ‘tubig na buhay’ para ituro ang Kanyang tungkulin sa plano ng Ama sa Langit?”

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

Magpraktis

Para sa sumusunod na mga scripture block at aytem, isulat kung paano mo ilalahad ang bagay, kung ano ang ipapagawa mo sa mga estudyante sa bagay, at isang tanong na tutulong sa mga estudyante na iugnay ang bagay sa Tagapagligtas:

Talakayin o Pagnilayan

  • Ano ang natututuhan mo sa iyong pagpapraktis?

  • Paanong ang pagbibigay sa mga estudyante ng karanasan sa paggamit ng pandama sa isang simbolikong bagay ay naiiba sa pag-uusap lamang ng tungkol sa simbolo?

Isama

  • Habang naghahanda ka ng mga lesson, maghanap ng mga pagkakataong tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng karanasan sa paggamit ng pandama sa isang bagay na sumisimbolo kay Jesucristo mula sa scripture block.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Understanding Symbolism in the Scriptures,” Scripture Study Skills (2024), Gospel Library

Print