Magtuon kay Jesucristo Magturo tungkol kay Jesucristo anuman ang itinuturo mo. Bigyang-diin ang halimbawa ni Jesucristo. Tulungan ang mga estudyante na maiugnay ang natututuhan nila sa kung paano ipinapakita ni Cristo ang alituntunin.Bigyang-diin ang halimbawa ni Jesucristo. Gumamit ng mga larawan at video ni Jesucristo upang ilarawan ang isang alituntunin ng ebanghelyo.Bigyang-diin ang halimbawa ni Jesucristo. Ituro ang tungkol sa mga titulo, tungkulin, at mga katangian ni Jesucristo. Gumawa ng mga tanong sa pagsasaliksik upang matulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga tungkulin, titulo, simbolo, katangian, at pagkatao ni Jesucristo.Ituro ang tungkol sa mga titulo, tungkuling ginagampanan, at mga katangian ni Jesucristo. Magtanong sa mga estudyante ng tungkol sa mga bagay na magtutulot sa kanila na matukoy ang mga tungkuling ginagampanan ni Jesucristo sa kanilang buhay.Ituro ang tungkol sa mga titulo, tungkuling ginagampanan, at mga katangian ni Jesucristo. Maghanap ng mga simbolo na nagpapatotoo kay Jesucristo. Magtanong ng mga bagay na makatutulong sa mga estudyante na malaman ang tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng mga simbolo sa mga banal na kasulatan. Tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng karanasan na magamit ang kanilang pandama sa mga bagay sa banal na kasulatan na sumisimbolo kay Jesucristo. Tulungan ang mga mag-aaral na lumapit kay Jesucristo. Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay. Magtanong ng mga bagay na nakatuon sa pag-uugnay ng kapangyarihan, awa, at impluwensiya ng Panginoon sa mga katotohanang itinuturo.Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay. Magbigay ng mga paanyaya na nakatutulong sa mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang sariling mga karanasan.Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay. Tulungan ang mga mag-aaral na patibayin ang kanilang ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Mga pahayag na nakatutulong sa mga estudyante na malaman at madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Magtanong ng mga bagay na tutulong sa mga estudyante na makahanap ng mga halimbawa ng pagmamahal ng Ama sa Langit sa scripture passage. Tulungan ang mga mag-aaral na magsikap nang mabuti na maging higit na katulad ni Jesucristo. Obserbahan ang mga katangiang tulad ng kay Cristo sa mga estudyante at ibahagi ang napansin mo sa mga paraan na naghihikayat sa kanila na patuloy na maging katulad Niya. Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng mga paraan para matularan ang halimbawa ni Jesucristo sa kanilang personal na buhay.