Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro
Ituro ang tungkol sa mga titulo, tungkuling ginagampanan, at mga katangian ni Jesucristo.


“Ituro ang tungkol sa mga titulo, tungkuling ginagampanan, at katangian ni Jesucristo,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magtuon kay Jesucristo (2023)

“Ituro ang tungkol sa mga titulo, tungkuling ginagampanan, at katangian ni Jesucristo,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magtuon kay Jesucristo

Magtuon kay Jesucristo: Magturo tungkol kay Jesucristo Anuman ang Itinuturo Mo

Ituro ang tungkol sa mga titulo, tungkuling ginagampanan, at mga katangian ni Jesucristo.

Kasanayan

Gumawa ng mga tanong sa pagsasaliksik upang matulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga tungkulin, titulo, simbolo, katangian, at pagkatao ni Jesucristo.

Ipaliwanag

Kapag hinangad nating tulungan ang mga estudyante na hanapin si Jesucristo sa mga banal na kasulatan, makikilala at mamahalin nila Siya. Isang paraan para makagawa ng tanong sa pagsasaliksik na makatutulong sa mga estudyante na matukoy ang tungkulin, titulo, simbolo, katangian, o pagkatao ni Jesucristo ay ang pagsama ng sumusunod sa iyong tanong: (1) ang scripture passage, (2) ang nais mong hanapin ng estudyante (mga tungkulin, titulo, simbolo, katangian, o pagkatao ni Jesucristo), at (3) paano matutuklasan ng mga estudyante ang mga bagay na ito para sa kanilang sarili. Ang mga tanong na ito ay dapat itanong bago mo ipabasa sa mga estudyante ang mga talata mula sa banal na kasulatan upang maging handa ang mga estudyante na matuklasan kung ano ang matututuhan nila tungkol kay Jesucristo.

Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.

Ipakita

Rebyuhin ang mga sumusunod na tanong, at pansinin kung paano isinasama ng mga ito ang scripture passage, ano ang hahanapin ng mga estudyante, at kung paano ito matutuklasan mismo ng mga estudyante:

  • Sa pagbabasa ninyo ng kuwento tungkol sa mabuting Samaritano sa Lucas 10:25–37, anong mga banal na katangian ni Jesucristo ang nakikita ninyo?

  • Sa pag-aaral ninyo ng Doktrina at mga Tipan 29:1–8, maghanap ng tatlong magkakaibang titulo at tungkulin ni Jesucristo na nadarama ninyong nauugnay sa kinakailangan ninyo ngayon sa inyong buhay.

  • Sa pagbabasa ninyo ng Mga Gawa 3:1–7, ano ang napapansin ninyo tungkol kay Pedro na nagpapaalala sa inyo tungkol kay Jesucristo?

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

2:25

Magpraktis

Basahin ang mga sumusunod na talata, at para sa bawat set ng mga talata ay sumulat ng isang tanong sa pagsasaliksik na tutulong sa mga estudyante na matuklasan ang mga tungkulin, titulo, simbolo, katangian, at pagkatao ni Jesucristo.

Talakayin o Pagnilayan

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa pagiging isang guro na katulad ni Cristo mula sa karanasang ito?

  • Paano ito makatutulong sa ating mga estudyante at sa mga talakayan sa klase na mas magtuon kay Jesucristo?

Isama

  • Gamit ang natutuhan mo sa praktis, mag-isip ng mga sitwasyon at pangangailangan ng iyong mga estudyante habang pinag-aaralan mo ang iyong mga lesson sa linggong ito. Sa isang scripture passage sa iyong lesson, sumulat ng isang tanong sa pagsasaliksik na tutulong sa mga estudyante na matuklasan ang mga tungkulin, titulo, simbolo, katangian, at pagkatao ni Jesucristo na tutulong sa kanila na magtuon sa Kanya. Isulat ang mga tanong na naiisip mo at, kung may oras ka, magpraktis na itanong ang mga iyon sa isang tao bago mo itanong ang alinman sa mga ito sa klase. Makatutulong ito sa iyo na mapagbuti ang iyong tanong bago mo ito gamitin sa iyong mga estudyante.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

  • Chad H Webb, “Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo, Nagagalak Tayo kay Cristo” (taunang training broadcast ng Seminaries and Institutes of Religion, Hunyo 12, 2018), broadcasts.ChurchofJesusChrist.org

Kasanayan

Magtanong sa mga estudyante ng tungkol sa mga bagay na magtutulot sa kanila na matukoy ang mga tungkuling ginagampanan ni Jesucristo sa kanilang buhay.

mga estudyanteng nagtataas ng kamay

Ipaliwanag

Ang mga guro ay maaaring magtuon kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagtatanong na nagtutulot sa mga estudyante na matukoy kung ano ang mga tungkuling ginagampanan Niya sa kanilang buhay. Ang mga tanong na ito ay magagamit upang anyayahan ang mga estudyante na saliksikin ang mga tungkuling ginagampanan ni Jesucristo bago o pagkatapos basahin ang isang scripture passage o mga salita ng mga propeta. Ang mga tanong ay dapat magturo sa mga estudyante sa isang source, mag-anyaya sa kanila na magsalisik ng tungkuling ginagampanan ng Tagapagligtas sa kanilang buhay, at makatulong sa kanila na mapagnilayan kung paano nila ito maipamumuhay. Kapag naipatukoy ng mga guro sa mga estudyante kung ano ang tungkuling ginagampanan ng Tagapagligtas sa kanilang buhay, tutulungan sila ng Espiritu Santo na makita kung gaano kahalaga si Jesucristo sa kanilang kasalukuyang sitwasyon, at nanaisin nila na palalimin ang ugnayan nila sa Kanya habang dinadaig nila ang mga personal na hamon.

Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.

Ipakita

Narito ang ilang halimbawa ng mga maitatanong mo upang maanyayahan ang mga estudyante na tukuyin ang mga tungkuling ginagampanan ni Jesucristo sa kanilang buhay:

  • Batay sa mga pangakong ito ni Elder Kearon, ano ang tungkuling ginagampanan ni Jesucristo sa buhay ninyo na maaari ninyong magamit ngayon?

  • Paano maiaangkop sa inyo ang tungkuling ginampanan ni Jesucristo sa buhay ni Nephi (1 Nephi 7:16–18) sa inyong kasalukuyang sitwasyon?

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

1:6

Magpraktis

Sumulat ng tanong na tutulong sa mga estudyante na matukoy ang mga tungkuling ginagampanan ni Jesucristo sa kanilang buhay para sa mga sumusunod na sitwasyon:

  • Ibinabahagi ng isang estudyante ang sumusunod na banal na kasulatan, “Hindi pa ba kayo ngayon magbabalik sa akin, at magsisisi sa inyong mga kasalanan, at magbabalik-loob, upang mapagaling ko kayo?” (3 Nephi 9:13).

  • Ibinabahagi mo ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson: “Habang nagsisikap tayong isabuhay ang mga nakatataas na batas ni Jesucristo, unti-unting nagbabago ang ating puso at mismong likas na pagkatao. Tinutulungan tayo ng Tagapagligtas na madaig ang impluwensya ng masamang mundong ito sa pamamagitan ng pagkakaloob sa atin ng higit na pag-ibig sa kapwa, pagpapakumbaba, pagiging bukas-palad, kabaitan, disiplina sa sarili, kapayapaan, at kapahingahan” (“Daigin ang Mundo at Makasumpong ng Kapahingahan,” Liahona, Nob. 2022, 97).

  • Isang halimbawa mula sa susunod na lesson.

Talakayin o Pagnilayan

  • Ano ang natutuhan mo nang praktisin mo ang mga tanong na ito?

Isama

  • Gamitin ang kasanayang ito sa mga lesson mo sa susunod na ilang linggo sa pamamagitan ng pagtatanong na nagtutulot sa mga estudyante na makita ang mga tungkuling ginagampanan ni Jesucristo sa kanilang buhay. Maglaan ng ilang oras upang ibahagi sa iyong supervisor ang mga resulta ng paggamit ng kasanayang ito. Talakayin ang mga paraan upang mas humusay.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

  • Ituro ang tungkol sa mga Titulo, Tungkuling Ginagampanan, at mga Katangian ni Jesucristo,” sa “Magturo tungkol kay Jesucristo Anuman ang Itinuturo Mo,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas (2022), Gospel Library

  • Chad H Webb, “Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo, Nagagalak Tayo kay Cristo” (taunang training broadcast ng Seminaries and Institutes of Religion, Hunyo 12, 2018), Gospel Library