“Tulungan ang mga mag-aaral na magsikap nang mabuti na maging higit na katulad ni Jesucristo,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magtuon kay Jesucristo (2023)
“Tulungan ang mga mag-aaral na magsikap nang mabuti na maging higit na katulad ni Jesucristo,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Magtuon kay Jesucristo
Magtuon kay Jesucristo: Tulungan ang mga Mag-aaral na Lumapit kay Jesucristo
Tulungan ang mga mag-aaral na magsikap nang mabuti na maging higit na katulad ni Jesucristo.
Kasanayan
Obserbahan ang mga katangiang tulad ng kay Cristo sa mga estudyante at ibahagi ang napansin mo sa mga paraan na naghihikayat sa kanila na patuloy na maging katulad Niya.
Ipaliwanag
Ang makita sa iba ang mga kilos o katangian ni Jesucristo at pagsasabi sa kanila ng napansin mo ay mag-aanyaya sa Espiritu Santo na patotohanan ang Ama at ang Anak at bibigyang-inspirasyon tayo na patuloy na mamuhay na katulad Nila. Sa oras ng klase, obserbahan ang mga estudyante at itanong sa iyong sarili, “Anong mga ugali o katangian ni Jesucristo ang nakikita ko sa taong iyon?” Ibahagi kung ano ang nahihiwatigan mo sa paraang makatutulong sa kanila na malaman na nakikita mo silang nagsisikap na maging higit na katulad ni Jesucristo.
Ipakita
-
Matapos makita ng guro si Julio na nagbubukas ng pinto para sa mga estudyante, tahimik na itinanong ng guro sa kanyang sarili, “Anong mga ugali o katangian ni Jesucristo ang nakikita ko sa taong ito?” Pagkatapos ay sinabi niya ang sumusunod: “Julio, salamat sa pagbukas mo ng pinto habang pumapasok ang lahat ng estudyante. Ipinaalala mo sa akin kung paano naghanap ang Tagapagligtas ng mga paraan para mapaglingkuran at mapagpala ang iba.”
-
Nabalitaan ni Kai na pumanaw ang isa niyang kapamilya, at nakita ng guro si Kalani na inaalo si Kai. Itinanong ng guro sa kanyang sarili, “Anong mga ugali o katangian ni Jesucristo ang nakikita ko kay Kalani?” Pagkatapos ay sinabi sa kanya ng guro, “Kalani, nang makita kitang kinakausap at tinutulungan mo si Kai kanina, ipinaalala mo sa akin kung paano nag-ukol ng oras si Jesucristo sa mga tao nang isa-isa. Salamat sa paggawa ng gagawin Niya.”
Magpraktis
-
Pumili ng isang estudyante sa klase mo at itanong, “Anong mga ugali o katangian ni Jesucristo ang nakikita ko sa taong ito?” Ihanda ang sasabihin mo sa estudyante at pagkatapos ay sabihin sa kanya ang ugali o katangian.
-
Pumili ng isa pang estudyante at itanong, “Anong mga ugali o katangian ni Jesucristo ang nakikita ko sa taong ito?” Ihanda ang sasabihin mo sa estudyante, at pagkatapos ay sabihin sa kanya ang ugali o katangian.
Talakayin o Pagnilayan
-
Paano maaaring maghikayat sa mga estudyante na patuloy na magsikap na tularan si Jesucristo ang pagmamasid mo ng mga katangiang mayroon sila na katulad ng kay Cristo at pagsasabi ng mga ito sa kanila?
Isama
-
Magsimula sa pagpili ng isa o dalawang estudyante sa bawat araw. Magmasid at ibahagi sa kanila kung paano mo napansin na nagiging higit na katulad sila ni Cristo. Ipagpatuloy ito hanggang sa maging natural na ito.
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
Chad H Webb, “Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo, Nagagalak Tayo kay Cristo” (taunang training broadcast ng Seminaries and Institutes of Religion, Hunyo 12, 2018), broadcasts.ChurchofJesusChrist.org
Kasanayan
Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng mga paraan para matularan ang halimbawa ni Jesucristo sa kanilang personal na buhay.
Ipaliwanag
Matapos matukoy ang mga kilos o katangian ni Jesucristo, matutulungan mo ang iyong mga estudyante na sikaping tularan ang Kanyang halimbawa sa kanilang personal na buhay. Ang isang paraan na matutulungan mo ang iyong mga estudyante ay ipaisip sa kanila ang sumusunod na tatlong bagay:
-
Isang tao na mapagpapala nila sa pamamagitan ng pagkilos o ng katangiang tulad ng kay Cristo.
-
Isang bagay na magagawa nila para pagpalain ang taong iyon sa pamamagitan ng pagkilos o ng katangiang tulad ng kay Cristo.
-
Panahon na magagawa nila ito.
Kapag pinag-isipan ng inyong mga estudyante ang mga pahiwatig na ito, matutulungan sila ng Espiritu Santo na mas kusang sikaping tularan ang halimbawa ni Jesucristo at palakasin ang kanilang hangaring kumilos.
Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.
Ipakita
Matapos matukoy at talakayin ang kabaitan na katangiang tulad ng kay Cristo, inaanyayahan ng guro ang mga estudyante na pagnilayan at isulat ang sagot nila sa mga sumusunod na tanong:
-
Sino ang kakilala ninyo na nangangailangan ng kabaitan ni Jesucristo?
-
Ano ang magagawa ninyo para tulungan sila na madama ang kabaitan ng Tagapagligtas?
-
Kailan ninyo gagawin ito?
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
Para sa bawat isa sa sumusunod na mga katangian o kilos na katulad ng kay Cristo, sumulat ng isang bagay na maaari mong itanong sa iyong mga estudyante na mag-aanyaya sa kanila na tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas:
-
Pagmamahal
-
Nang sabihin ng Tagapagligtas, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34)
-
Ginawa o katangian ng Tagapagligtas sa susunod na lesson
Talakayin o Pagnilayan
-
Ano ang natutuhan mo nang magpraktis ka na anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng mga paraan para tularan ang halimbawa ni Jesucristo?
-
Ano ang mangyayari sa iyong mga estudyante kapag palagi mo silang inaanyayahan na tukuyin ang mga paraan na matutularan nila ang halimbawa ng Tagapagligtas?
Isama
-
Maglaan ng oras sa paghahanda ng susunod mong mga lesson para makagawa ng mga tanong na naghihikayat sa mga estudyante na tularan ang halimbawa ni Jesucristo tuwing makakatukoy ka ng isa sa Kanyang mga katangian o kilos.
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
Gerrit W. Gong, “Ministering,” Liahona, Mayo 2023, 16–19