“Tulungan ang mga mag-aaral na maging responsable sa kanilang pagkatuto,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral (2023)
“Tulungan ang mga mag-aaral na maging responsable sa kanilang pagkatuto,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral
Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo: Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral
Tulungan ang mga mag-aaral na maging responsable sa kanilang pagkatuto.
Kasanayan
Iwasan ang tendensiyang sagutin ang bawat komento at tanong at anyayahan ang klase na sumagot.
Ipaliwanag
Ang mga guro ay maaaring mag-anyaya ng masigasig na pag-aaral sa pamamagitan ng paggawa ng huwaran kung saan tumutugon ang mga estudyante sa isa’t isa sa isang silid-aralan sa halip na sa guro o bago magkomento ang guro. Kapag binibigyan ng mga guro ang mga estudyante ng pagkakataong ibahagi ang kanilang mga saloobin sa mga komento at tanong ng mga kaklase, nananatiling nakatuon ang pokus sa mga mag-aaral at mas nagiging kaengga-engganyo ang mga talakayan dahil nadaragdagan ang partisipasyon ng mga estudyante. Ang isang paraan para maisagawa ang huwarang ito ay sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga bagay na nagtutulot sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga iniisip at impresyon sa sinabi ng iba, sa halip na sa guro o bago magkomento ang guro.
Ipakita
Narito ang ilang halimbawa ng maaari mong itanong para maanyayahan ang klase na ibahagi ang kanilang mga naisip tungkol sa komento o tanong ng isang estudyante:
-
Sino ang maaaring magbahagi ng isang karanasan na may kaugnayan sa sinabi ni Gary?
-
Ano ang ikinagulat o hinangaan ninyo sa komento ni Lucinda?
-
Sino ang makapagpapatotoo sa sinabi ni Peter?
-
Ano ang maibabahagi ninyo tungkol sa natutuhan ninyo nang pag-isipan ninyo ang tanong na iyon?
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
Para sa bawat isa sa mga sumusunod na sitwasyon, sa halip na magbigay ng komento sa tanong o komento ng estudyante, pumili ng isa sa mga halimbawang tanong o sa sarili mong mga tanong na itatanong sa klase.
-
Sa oras ng klase, itinanong ni Amy ang sumusunod: “Paano ko malalaman kung ang isang ideya ay isang pahiwatig o kung ito ay sarili kong iniisip?”
-
Sa isang lesson sa Lumang Tipan, sinabi ni Kyle, “Sa palagay ko kamangha-mangha na makita na inaanyayahan ng Panginoon ang Israel na magsisi at bumalik sa Kanya, sa kabila ng maraming beses nilang pagtalikod sa Kanya.”
-
Isipin ang isang komento o tanong mula sa isang estudyante sa isang klase kamakailan. Gamit ang kasanayang ito, paano ka tutugon?
Talakayin o Pagnilayan
-
Isipin kung paano ka karaniwang tumutugon kapag nagkomento sa klase ang isang estudyante.
-
Anong magagandang resulta ang maaari mong maranasan kapag tinulungan mo ang mga estudyante na tumugon sa isa’t isa sa halip na magkomento ka agad o bago ka magbigay ng komento?
Isama
-
Habang inihahanda mo ang susunod mong lesson, pumili ng ilan sa mga halimbawang tanong o sa mga tanong na maiisip mo, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na sumagot sa isa’t isa.
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
“Tinulungan ng Tagapagligtas ang Iba na Maging Responsable sa Kanilang Pag-aaral” sa “Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas (2022), 24–25
-
Gabi Kasama ang Isang General Authority—Elder Bednar Talakayan (video), ChurchofJesusChrist.org
Kasanayan
Magpokus sa kung ano ang magagawa ng mag-aaral sa klase na karaniwang ginagawa ng guro.
Ipaliwanag
Ang mga estudyante ay maaaring maging responsable sa kanilang pag-aaral sa klase sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na karaniwang ginagawa ng guro. Sa paghahanda ng lesson, ang mga guro ay maaaring:
-
Tingnan ang isang scripture block na ituturo nila sa hinaharap.
-
Isipin ang kurikulum at ilan sa mga bagay na maaaring karaniwan nilang ginagawa habang itinuturo nila ang scripture block na ito (halimbawa: magtanong, mamuno sa talakayan, magsulat sa pisara, magbahagi ng mga ideya, at iba pa).
-
Itanong, “Ano ang maaari kong ipagawa sa mga estudyante sa klase na karaniwan kong ginagawa?”
-
Magtala ng mga impresyon sa lesson plan at gawin ang mga ito sa oras ng klase.
Ang paggawa nito ay nagbibigay ng mas maraming pagkakataon para maging aktibong kalahok ang mga mag-aaral sa proseso ng pag-aaral, na maaaring magpadali sa mas malalim na espirituwal na paglago.
Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.
Ipakita
-
Sa paghahanda niya sa susunod na lesson, nais anyayahan ni Sister Lawas ang mga estudyante na talakayin ang mga alituntuning natuklasan nila. Bago niya gawin ang mga tanong na tatalakayin nila, itinatanong niya sa sarili, “Ano ang maaari kong ipagawa sa mga estudyante sa klase na karaniwan kong ginagawa?” Nagpasiya si Sister Lawas na ipapagawa niya sa kanyang mga estudyante ang mga tanong sa talakayan sa klase sa pagkakataong ito at isusulat ito sa kanyang lesson plan.
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
Ano ang maaari mong ipagawa sa mga estudyante sa klase na balak mong gawin bilang guro sa mga sumusunod na sitwasyon?
-
Plano mong isulat sa pisara ang mga sagot ng estudyante habang sinasagot nila ang tanong tungkol sa pagtutuon sa Tagapagligtas sa sakramento.
-
Plano mong magbahagi ng isang personal na karanasan na nauugnay sa susunod na alituntunin.
-
Kung isasaalang-alang ang susunod na lesson, ano ang maaari mong ipagawa sa mga estudyante sa klase na balak mong gawin bilang guro?
Talakayin o Pagnilayan
-
Pagkatapos ng iyong karanasan sa pagpapraktis, anong kahalagahan ang nakikita mo sa paghahanap ng mga paraan para magawa ng mga estudyante sa klase ang karaniwan mong gagawin?
-
Ano ang iba pang mga paraan na sa palagay mo ay magagawa ito sa silid-aralan ng mga estudyante?
Isama
-
Habang naghahanda ka sa susunod mong lesson, maglaan ng oras para pag-isipan ang karaniwang gagawin mo sa klase at pagkatapos ay itanong sa iyong sarili, “Ano ang maaari kong ipagawa sa mga estudyante na karaniwan kong ginagawa?” Isulat ang iyong mga impresyon at maghanap ng mga paraan upang isama ang mga ito.
-
Sa paghahanda sa lesson, paano mo makakagawiang itanong sa sarili mo ang “Ano ang maaari kong ipagawa sa mga estudyante sa klase na karaniwan kong ginagawa?”
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
“Tinulungan ng Tagapagligtas ang Iba na Maging Responsable sa Kanilang Pag-aaral” sa “Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas (2022), Gospel Library
-
David A. Bednar at Chad H Webb, “Talakayan,” (gabi kasama ang isang General Authority, Peb. 7, 2020), Gospel Library
Pansinin kung paano ipinakita ni Elder Bednar ang kasanayang ito sa buong karanasan.