Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral Tulungan ang mga mag-aaral na maging responsable sa kanilang pagkatuto. Iwasan ang tendensiyang sagutin ang bawat komento at tanong at anyayahan ang klase na sumagot. Magpokus sa kung ano ang magagawa ng mag-aaral sa klase na karaniwang ginagawa ng guro. Hikayatin ang mga mag-aaral na kilalanin ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo araw-araw—mithiin sa pag-aaral. Tulungan ang mga estudyante sa paggawa ng mithiin sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan araw-araw.Hikayatin ang mga mag-aaral na kilalanin ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo araw-araw—mithiin sa pag-aaral. Gumawa at magtanong ng mga tanong na makatutulong sa mga mag-aaral na iugnay ang natutuhan nila sa kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan at pag-aaral kasama ng pamilya sa natutuhan nila sa klase.Hikayatin ang mga mag-aaral na kilalanin ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo araw-araw—mithiin sa pag-aaral. Anyayahan ang mga mag-aaral na maghandang matuto. Gumawa ng mga paanyaya na tutulong sa mga mag-aaral na maghanda para sa susunod na karanasan sa pagkatuto. Gumawa ng makabuluhang paanyaya na nauugnay sa resulta ng lesson na gagamitin sa simula ng bawat lesson. Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila. Tulungan ang mga mag-aaral na lumikha o magpasimula ng mga pag-uusap tungkol sa ebanghelyo.Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila. Maghanda ng mga paanyaya para sa mga estudyante na ibahagi sa isa’t isa ang natutuhan nila.Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila. Anyayahan ang mga mag-aaral na ipamuhay ang natututuhan nila. Planuhing mag-follow-up sa mga paanyayang ibinigay sa nakaraang klase at anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa pamumuhay ng natutuhan nila. Magtanong ng mga tanong sa pagsasaliksik na tutulong sa mga mag-aaral na pag-isipan kung sino ang Diyos at ang mga pagpapalang ibinibigay Niya sa kanila.