Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro
Anyayahan ang mga mag-aaral na ipamuhay ang natututuhan nila.


“Anyayahan ang mga mag-aaral na ipamuhay ang natututuhan nila,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral (2023)

“Anyayahan ang mga mag-aaral na ipamuhay ang natututuhan nila,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral

Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo: Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral

Anyayahan ang mga mag-aaral na ipamuhay ang natututuhan nila.

Kasanayan

Planuhing mag-follow-up sa mga paanyayang ibinigay sa nakaraang klase at anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa pamumuhay ng natutuhan nila.

Larawan
babaeng naghahanda ng lesson

Ipaliwanag

Habang naghahanda ka ng mga paanyaya sa mga estudyante na ipamuhay ang natututuhan nila, maaari ka ring magplano na mag-follow up. Ang mga pag-follow-up na ito ay maaaring gawin sa simula ng mga sumunod na klase, sa pamamagitan ng mga pag-uusap sa labas ng klase, sa oras ng mga debosyonal, o sa mga magkakaklase. Para makapagplano ng mga pag-follow-up, maaari mong itanong sa iyong sarili:

  1. Anong paanyaya ang maibibigay ko na magtutulot sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa pamumuhay ng isang katotohanang natutuhan nila sa nakaraang klase?

  2. Kailan ang magandang pagkakataon para mag-follow up?

Ang pagtatanong ng mga bagay na ito ay nag-aanyaya sa Espiritu Santo na gabayan ka habang nagpaplano kang mag-follow up. Ang pagpaplano na mag-follow up sa mga estudyante ay tutulong sa kanila na madama na may responsibilidad sila at magnais na tuparin ang kanilang mga pangako, na maaaring humantong sa pagbabalik-loob kay Jesucristo.

Ipakita

  • Habang mapanalanging inihahanda ni Brother Dalton ang susunod na karanasan sa pagkatuto para sa kanyang mga estudyante, itinanong niya sa kanyang sarili, “Anong paanyaya ang maibibigay ko na magtutulot sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang karanasan sa pamumuhay ng katotohanang natutuhan nila sa nakaraang klase? Kailan ang magandang pagkakataon na mag-follow-up sa susunod na klase?” Naisip niya na bigyan ng oras ang mga estudyante sa simula ng susunod na klase na isulat sa kanilang journal ang kanilang mga pagsisikap na kumilos ayon sa isang katotohanang natutuhan nila sa huling lesson.

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

Magpraktis

Praktisin ang pagtatanong ng mga sumusunod habang inihahanda mo ang iyong susunod na mga lesson:

  1. Anong paanyaya ang maibibigay ko na magtutulot sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa pamumuhay ng mga katotohanang natutuhan nila sa nakaraang klase?

  2. Kailan ang magandang pagkakataon para mag-follow up?

Talakayin o Pagnilayan

  • Paano palalalimin ng palaging pag-follow-up ang pagbabalik-loob ng mga kabataang tinuturuan mo?

  • Ano ang ilang paraan na nabigyang-inspirasyon ka ng Espiritu Santo na tulungan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa pamumuhay ng natutuhan nila?

  • Paano ka makalilikha ng isang kultura ng mga estudyante na nagbabahagi ng kanilang mga pagsisikap na ipamuhay ang ebanghelyo sa buong kurso?

Isama

Bilang bahagi ng iyong paghahanda ng lesson, maglaan ng oras na itanong ang mga ito:

  • “Anong paanyaya ang maibibigay ko na magtutulot sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa pamumuhay ng mga katotohanang natutuhan nila sa nakaraang klase?”

  • “Kailan ang magandang pagkakataon para mag-follow up?”

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

  • M. Russell Ballard, “Pag-Follow Up,” Liahona, Mayo 2014, 78–81.

Kasanayan

Magtanong ng mga tanong sa pagsasaliksik na tutulong sa mga mag-aaral na pag-isipan kung sino ang Diyos at ang mga pagpapalang ibinibigay Niya sa kanila.

Larawan
estudyanteng nagtataas ng kamay sa loob ng silid-aralan

Ipaliwanag

Matutulungan ng mga guro ang mga estudyante sa kanilang hangaring ipamuhay ang kanilang natututuhan sa pamamagitan ng pagtatanong na tutulong sa mga estudyante na pag-isipan kung sino ang Diyos at ang mga pagpapalang ibinibigay Niya sa kanila. Ang mga tanong sa pagsasaliksik na ito ay dapat kapalooban ng scripture passage at paanyaya sa estudyante na tukuyin ang isang katangian o ipinangakong pagpapala ng Diyos. Dapat silang tanungin bago nila basahin ang scripture passage. Kapag mas kilala ng mga estudyante ang Diyos at kung ano ang maipagkakaloob Niya, mas handa silang kumilos.

Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.

Ipakita

  • Anong ipinangakong mga pagpapala ang nakikita ninyo sa Doktrina at mga Tipan 19:16–19 na nagbibigay-inspirasyon sa inyo na sundin si Jesucristo?

  • Sa pag-aaral ninyo ng Juan 14:6, ano ang natutuhan ninyo tungkol sa kung sino si Jesucristo na tumutulong sa inyo na magkaroon ng tiwala sa mga ipinangako Niya?

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

Magpraktis

Para sa mga sumusunod na scripture passage, sumulat ng isang tanong sa pagsasaliksik na tutulong sa mga mag-aaral na isipin kung sino ang Diyos at ang mga pagpapalang ibinibigay Niya sa kanila:

Talakayin o Pagnilayan

  • Ano ang natututuhan mo habang pinapraktis mo ang mga tanong na ito sa pagsasaliksik?

  • Saan ninyo nakita sa mga banal na kasulatan ang mga taong kumikilos nang may pananampalataya dahil nalaman nila ang tungkol sa Diyos at sa Kanyang mga pangako?

Isama

  • Sa susunod na ilang linggo, humanap ng pagkakataong gamitin ang ganitong uri ng tanong sa pagsasaliksik kahit isang beses sa bawat lesson na itinuturo mo.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

  • 1 Nephi 3:7 (Dahil sa nalaman niya tungkol kay Jesucristo, nagtiwala si Nephi na humayo at gumawa.)

  • Joseph Smith Kasaysayan 1:13 (Alam ni Joseph Smith na maaari siyang maglakas-loob na magtanong sa Diyos nang pag-isipan niya kung ano ang magagawa ng Diyos para sa kanya.)

Print