Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro
Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila.


“Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral (2023)

“Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral

Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo: Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral

Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila.

Kasanayan

Tulungan ang mga mag-aaral na lumikha o magpasimula ng mga pag-uusap tungkol sa ebanghelyo.

Ipaliwanag

Hiniling ng Panginoon sa mga kabataan at young adult na tumulong sa pagtipon ng Israel. Ang pagbabahagi ng kanilang mga paniniwala at patotoo sa iba ay mag-aanyaya ng karagdagang pagkatuto at magpapalalim ng kanilang pagbabalik-loob sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo. Ang ilang estudyante ay nahihirapan na malaman kung paano sisimulan ang mga pag-uusap na ito tungkol sa ebanghelyo. Maaaring simulan ng mga estudyante ang pakikipag-usap sa iba tungkol sa ebanghelyo sa pamamagitan ng (1) pag-iisip kung ano ang natututuhan nila tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, (2) pagninilay kung sino ang makikinabang sa pag-uusap, at (3) pagpapasiya kung paano nila sisimulan ang pakikipag-usap sa taong iyon. Magagawa ito sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan, tulad ng pagtuturo ng lesson mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, pamumuno sa talakayan sa klase, pagsulat ng maikling liham, pagpapadala ng text message, o pagbabahagi ng isang artikulo tungkol sa Simbahan. Ang layunin ay hindi para ibahagi ang paniniwala o karanasan kundi simulan ang pag-uusap tungkol sa ebanghelyo. Ang paggawa nito ay nag-aanyaya sa iba na magtanong at maghihikayat ng iba pang mga pag-uusap sa hinaharap.

Paalala: Kung may mga estudyante ka na natatakot na gawin ito, isipin kung paano mo sila matutulungang umugnay kay Jesucristo. Tutulungan Niya sila kapag binuksan nila ang kanilang bibig upang ibahagi ang Kanyang katotohanan.

Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.

Ipakita

Sa pagtatapos ng klase, sabihin sa iyong mga estudyante na pag-isipan kung sino ang gusto nilang bahaginan. Anyayahan sila na magsulat ng maikling liham o magpadala ng mensahe sa text na magbibigay sa kanila ng oportunidad na magkaroon ng pag-uusap tungkol sa ebanghelyo sa tao na iyon kapag nagkita sila. Halimbawa, maaaring mag-text ang mga estudyante ng:

  • “May isang bagay kaming napag-usapan sa seminary kaya naisip kita. Ipaalala mo sa akin na ikuwento ito kapag nagkita tayo.”

  • “Iniisip ko ang tungkol sa kapangyarihan ng Tagapagligtas na magpatawad. Pwede mo ba akong tulungan na mag-isip ng ilang bagay tungkol sa Kanya? Kung pwede, kailan tayo pwedeng mag-usap?”

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

1:37

Magpraktis

Mag-isip ng tatlong iba pang parirala na magagamit mo bilang mga halimbawa para matulungan ang mga estudyante na makita kung paano sisimulan ang pakikipag-usap tungkol sa ebanghelyo.

Talakayin o Pagnilayan

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa pagtulong sa mga mag-aaral na simulan ang pakikipag-usap tungkol sa ebanghelyo?

  • Paano makatutulong ang pagbabahagi ng mga mag-aaral ng kanilang mga paniniwala at patotoo sa kanilang pamilya para maging isang tunay na karanasang nakasentro sa tahanan ang kanilang karanasan sa seminary o institute?

Isama

Ibahagi sa iyong mga estudyante ang ilang halimbawa ng maaari nilang isulat para masimulan ang pakikipag-usap tungkol sa ebanghelyo, at pagkatapos ay magpraktis na ibahagi ang mga ito sa klase. Sabihin sa iba pang mga estudyante na tulungan ang iba na humusay pa. Sabihin sa kanila na simulan ang pakikipag-usap kapag handa na sila.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

  • Russell M. Nelson, “How to Share the Gospel,” New Era, Hulyo 2011, 48

  • Pagbabahagi ng Ebanghelyo,” ChurchofJesusChrist.org

Kasanayan

Maghanda ng mga paanyaya para maibahagi ng mga estudyante sa isa’t isa ang natutuhan nila.

mga kabataang babae at lalaki na nag-aaral

Ipaliwanag

Ang mga paanyaya na tutulong sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila ay simple, malinaw, at partikular. Ang mga ito ay mga tagubilin na tumutulong sa mga estudyante na magturo, magpaliwanag, magbahagi, magtanong, o magpatotoo sa isa’t isa. Ang mga paanyayang ito ay kadalasang kinabibilangan ng mga elementong tulad ng mga sumusunod:

  • Bakit sila nagbabahagi.

  • Ano ang ibabahagi.

  • Kailan at kanino sila magbabahagi.

Maaari mong bigyan ng oras ang mga estudyante na maghandang ibahagi ang kanilang mga iniisip. Ang mga ito ay maaaring mga paanyayang magbahagi sa isang tao, sa maliliit na grupo, o sa buong klase. Ang pag-anyaya sa mga estudyante na ibahagi sa isa’t isa ang natututuhan nila ay pagpapakita ng pananampalataya na nagtutulot sa Espiritu Santo na patibayin ang lahat ng estudyante na kasama sa pag-uusap.

Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.

Ipakita

Narito ang ilang halimbawa ng maaaring maging pag-uusap sa isang silid-aralan:

  • “Salamat sa pag-uukol ninyo ng oras na basahin ang 3 Nephi 11:10–15. Gusto kong bigyan kayo ng pagkakataong ibahagi ang isang bagay na natutuhan ninyo tungkol kay Jesucristo at kung bakit mahalaga ito sa inyo. Puwede ba kayong bumaling sa katabi ninyo at maghalinhinan sa pagbabahagi ng natutuhan ninyo tungkol kay Jesucristo sa mga talatang ito at kung bakit mahalaga ito sa inyo?”

  • “Mag-ukol ng isa pang minuto para isulat ang natutuhan ninyo mula sa karanasan ni Pedro kay Jesucristo sa Mateo 14:22–33. Alam ko na bawat isa sa inyo ay may mahalagang bagay na maibabahagi. Sino ang handang magsimula sa pagbabahagi ng isang bagay na natutuhan ninyo mula sa karanasan ni Pedro kay Jesucristo?”

  • “Mayamaya, magbubuo tayo ng maliliit na grupo para talakayin ang natutuhan ninyo tungkol sa pagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo. [Bigyan ang mga estudyante ng isang minuto, at pagkatapos ay ibigay ang susunod na bahagi ng paanyaya.] Maaari bang maggrupu-grupo kayo na may tig-tatatlo o tig-aapat na miyembro sa bawat grupo? [O sa mas malaking klase maaari mo silang igrupu-grupo.] Sa grupo ninyo, maghalinhinan sa pagbabahagi ng isang karanasan kung saan napalakas ang inyong pananampalataya kay Jesucristo.”

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

0:57

Magpraktis

  • Tingnan ang pinakahuling lesson plan mo at maghanda ng paanyaya para sa iyong mga estudyante na magbahagi ng isang bagay na natutuhan nila sa grupo na may tigdadalawa o tigtatatlong miyembro.

  • Tingnan ang isang scripture block sa kurikulum na ituturo mo sa hinaharap. Maghanda ng isang paanyaya na nagtutulot sa mga estudyante na magbahagi ng personal na karanasan o patotoo sa taong katabi nila sa klase.

Isama

  • Habang naghahanda ka ng mga lesson sa susunod na ilang linggo, tiyaking magsama ka ng kahit isang pagkakataon sa bawat lesson para makapagbahagi ang mga estudyante ng natutuhan nila sa isa’t isa, sa isang kaklase o sa maliliit na grupo.

Talakayin at Pagnilayan

  • Ano ang kaibhang gagawin nito sa pakikibahagi ng mga estudyante?

  • Paano ka nakakita na ng ilang kapakinabangan ng pagbabahagi ng mga estudyante sa isa’t isa?

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?