“Anyayahan ang mga mag-aaral na maghandang matuto,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral (2023)
“Anyayahan ang mga mag-aaral na maghandang matuto,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral
Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo: Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral
Anyayahan ang mga mag-aaral na maghandang matuto.
Kasanayan
Gumawa ng mga paanyaya na tutulong sa mga mag-aaral na maghanda para sa susunod na karanasan sa pagkatuto.
Ipaliwanag
Matapos turuan ang ilan sa Kanyang mga tagasunod sa lupain ng Amerika, inanyayahan sila ng Tagapagligtas na “ihanda ang [kanilang] mga isip para sa kinabukasan, at ako ay paparitong muli sa inyo” (3 Nephi 17:3). Ang pag-anyaya sa mga estudyante na maghandang matuto ay mahalagang bahagi ng pagtulong sa kanila na malaman ang katotohanan para sa kanilang sarili (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:20). Ang mga paanyayang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na magkaroon ng karanasan sa isang scripture passage o katotohanan bago sila pumasok sa klase. Ang mga paanyayang maghanda ay magagawa sa maraming uri o paraan. Ang mga ito ay kadalasang maikli at simpleng pangungusap na kinabibilangan ng:
-
Scripture passage o katotohanan na tatalakayin sa susunod na lesson.
-
Isang paraan para makatuon ang mga estudyante sa salita ng Diyos. Halimbawa, maaaring pag-aralan, ipamuhay, pag-usapan, o pag-isipan ng mga estudyante ang mga tanong tungkol sa matututuhan nila.
Mabibigyang-inspirasyon ka ng Espiritu Santo sa paghahanda ng lesson at sa karanasan sa pagkatuto sa pamamagitan ng mga paanyaya na pinakamainam na makatutulong sa mga estudyante na maging handang matuto. Ang kurikulum ay kadalasang may ganitong mga uri ng paanyaya na kasama sa mga materyal ng lesson.
Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.
Ipakita
-
Nais ni Sister Mendez na tulungan ang kanyang mga estudyante na makadama ng pag-asa habang pinag-aaralan nila ang 2 Timoteo. Gumawa siya ng paanyaya: “Habang pinag-aaralan ninyo ang 2 Timoteo sa linggong ito, hanapin ang mga talatang nagbibigay sa inyo ng pag-asa sa pamamagitan ni Jesucristo at magbahagi sa isang tao ng isang bagay na natutuhan ninyo.”
-
Naghahandang magturo si Brother Bradshaw ng tungkol sa paglilingkod gamit ang diskurso ni Haring Benjamin. Inihanda niya ang paanyaya: “Humanap ng paraan para mapaglingkuran ang isang tao sa linggong ito at dumating sa klase na handang magbahagi habang pinag-aaralan natin ang Mosias 2–4.”
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
-
Magtuturo ka ng tungkol sa pagtitiyaga na katangiang tulad ng kay Cristo sa susunod na lesson. Gumawa ng paanyayang maibibigay mo sa klase ngayon para maging handa ang mga estudyante sa pagpasok sa susunod na klase.
-
Pumili ng isang scripture passage o katotohanan sa susunod na lesson sa kurikulum at gumawa ng paanyaya na maghahanda sa mga estudyante na matuto.
Talakayin o Pagnilayan
-
Ano ang natututuhan mo tungkol sa paggawa ng mga paanyaya na tutulong sa mga estudyante na matuto?
-
Sa paanong mga paraan mo nakita na nakatulong ang paghahanda ng isang mag-aaral sa karanasan sa pagkatuto?
Isama
-
Magbigay ng paanyaya para sa susunod na lesson na gawin ng mga estudyante ang isang bagay sa labas ng klase para makapaghanda para sa susunod na karanasan sa pagkatuto. Suriin ang natutuhan mo pagkatapos. Humingi ng feedback mula sa iyong mga estudyante para patuloy na mapagbuti ang mga paanyayang ibinigay mo.
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
“Paano Ko Matutulungan ang mga Tao na Gumawa at Tumupad ng mga Pangako?,” Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Paglilingkod ng Misyonero (2004), 223–30
-
“Inanyayahan ng Tagapagligtas ang Iba na Maghandang Matuto,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas (2022), 25
-
Jan E. Newman, “Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas,” Liahona, Mayo 2021, 16–19
Kasanayan
Gumawa ng makabuluhang paanyaya na nauugnay sa resulta ng lesson na gagamitin sa simula ng bawat lesson.
Ipaliwanag
Ang paghahandang matuto ay mahalaga sa pag-aaral ng ebanghelyo. Ang isang epektibong paraan na makatutulong ang mga guro sa paghahanda sa kanilang mga estudyante ay sa pamamagitan ng paggawa ng makabuluhang paanyaya na gagamitin sa simula ng lesson. Sa iyong paghahanda, isipin ang iyong mga estudyante at kung ano ang inaasahan mong magiging resulta ng lesson. Pag-isipan kung anong paanyaya ang pinakamainam na maghahanda sa kanila na kumilos at matuto sa buong lesson para makamit ang resulta at isulat ito sa iyong lesson plan. Ang paggawa ng mga paanyayang ito ay makapagpapalakas ng kakayahan ng mga estudyante na makamit ang resulta at maaaring maghikayat ng makabuluhang pagbabahagi.
Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.
Ipakita
-
Ituturo ni Brother Fernandez ang tungkol sa alituntunin ng pagsunod. Nais niyang tulungan ang kanyang mga estudyante na maunawaan na ang mga pagpapala ay dumarating dahil sa pagsunod. Sa kanyang paghahanda, isinulat niya ang sumusunod na paanyaya: “Habang tinatalakay natin ang lesson, hanapin ang mga alituntunin ng pagsunod at mga kaugnay na pagpapala at isulat ang mga ito sa inyong journal.”
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
Gumawa ng makabuluhang paanyaya na nauugnay sa resulta ng lesson na gagamitin sa simula ng mga sumusunod na lesson:
-
Itinuturo mo ang 3 Nephi 28, at ang resultang inaasam mo ay madama ng mga estudyante ang mas matinding hangaring dalhin ang iba kay Jesucristo.
-
Ang susunod mong lesson.
Talakayin o Pagnilayan
-
Mula sa natututuhan mo habang nagpapraktis ka, ano ang ilang katangian ng isang makabuluhang paanyaya?
-
Anong magagandang resulta ang maaaring maranasan ng iyong mga estudyante kapag tinulungan mo silang kumilos ayon sa makabuluhang mga paanyaya sa simula ng bawat lesson?
Isama
-
Gamitin sa klase ang paanyayang inihanda mo sa praktis.
-
Habang naghahanda ka ng mga karagdagang lesson paano mo patuloy na magagamit ang huwarang ito?
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
“Inanyayahan ng Tagapagligtas ang Iba na Maghandang Matuto” sa “Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas (2022), Gospel Library