“Tulungan ang mga mag-aaral na mahanap, makilala, at maunawaan ang mga katotohanan sa mga banal na kasulatan,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Ituro ang Doktrina (2023)
“Tulungan ang mga mag-aaral na mahanap, makilala, at maunawaan ang mga katotohanan sa mga banal na kasulatan,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Ituro ang Doktrina
Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo: Ituro ang Doktrina
Tulungan ang mga mag-aaral na maghangad, makilala, at maunawaan ang mga katotohanan sa mga banal na kasulatan.
Kasanayan
Gumawa ng mga pagsusuri sa sarili para sa mga estudyante na tutulong sa kanila na matukoy ang kanilang kasalukuyang nauunawaan at kakayahan tungkol sa mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.
Ipaliwanag
Ang pagsusuri sa sarili ay mahalagang paraan para matutuhan ng mga estudyante na gamitin ang kalayaang pumili at magkaroon ng sarili nilang mga karanasan sa pagkatuto. Ang madalas na pagpapagawa ng mga pagsusuri ng mga estudyante sa kanilang mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay tutulong sa mga guro na malaman kung anong uri ng mga karanasan sa pagkatuto ang gagawin upang matulungan ang mga mag-aaral na umasa sa sarili nilang kakayahan sa pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan. Ang mga pagsusuring ito ay maraming iba’t ibang uri, tulad ng mga scale, mga pariralang hindi tapos, o self-rating. Tinutulutan ng mga ito ang mga guro na tulungan ang mga estudyante na (1) suriin ang kanilang kasalukuyang karanasan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan, (2) tukuyin kung anong mga pagpapabuti ang gusto nilang gawin, at pagkatapos ay (3) pumili ng isang kasanayan sa pag-aaral na tutulong sa pagtamo ng kanilang gustong resulta.
Ipakita
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng iba’t ibang uri ng pagsusuri sa sarili hinggil sa mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan:
-
Sa scale na 1 hanggang 10, gaano ako katiwala na mahahanap ko si Jesucristo sa bawat kabanata?
-
Sa tingin ko ay mas mahahanap ko si Jesucristo sa bawat kabanata kung …
-
Ang isang kasanayan sa pag-aaral na makatutulong sa akin na mahanap si Jesucristo sa bawat kabanata ay …
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
Gumawa ng isang pagsusuri sa sarili para sa mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan ng mga estudyante na kinabibilangan ng tatlong elementong nakalista sa bahaging “Ipaliwanag.” Anyayahan ang isang tao na rebyuhin ito at sabihin sa iyo kung gaano ang maitutulong nito sa palagay niya.
Talakayin o Pagnilayan
-
Ano ang natututuhan mo tungkol sa kahalagahan ng pagtulong sa mga mag-aaral na masuri ang sarili nilang mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan?
-
Paano madaragdagan ng pagtulong sa mga mag-aaral na masuri ang kanilang mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na magkaroon sila ng mas makabuluhang karanasan sa salita ng Diyos?
Isama
-
Anyayahan ang mga estudyante na suriin ang kanilang personal na kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan linggu-linggo mula ngayon hanggang sa matapos ang school year.
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
“Lesson 5: Techniques of Effective Scripture Study,” Scripture Study—The Power of the Word Teacher Manual, ChurchofJesusChrist.org
-
“Daily Scripture Study and Goals,” Inservice Leaders’ Resources
Kasanayan
Isiping maingat na pumili ng media, personal na kuwento, at mga object lesson para sa mga tanong sa assessment.
Ipaliwanag
Pinayuhan ni Elder Neil L. Andersen ang mga guro sa seminary at institute na “Mag-ingat sa pagpili ninyo ng media, personal na mga kuwento, at mga object lesson. Kung magagamit sa epektibong paraan, nagdaragdag sila sa pagiging kawili-wili at lalim ng aralin. Kung labis na bibigyang-diin, maaaring makahadlang ang mga ito sa inyong pagtuturo. Maaaring mapalabo ng pamamaraan ang mensahe” (“Ang Kapangyarihan ni Jesucristo at ng Dalisay na Doktrina” [mensahe sa Church Educational System religious educators, Hunyo 11, 2023], Gospel Library). Maaaring sundin ng mga guro ang payong ito sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga tanong para sa assessment na makatutulong sa kanila na maingat na magpasiya sa kanilang mga pagpili. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga tanong na maaari mong itanong sa iyong sarili:
-
Nagdaragdag ba ito ng interes o lalim sa paraang hindi nito napapalabo ang itinuturo?
-
Makatutulong ba ito sa mga estudyante na maunawaan ang nilalaman ng lesson?
-
Kukonsumo ba ito ng mas maraming oras?
-
Iniuugnay ba nito ang klase sa Tagapagligtas at sa mensahe o inilalayo kami?
Kapag tumigil muna ang mga guro sa paghahanda ng lesson para pagnilayan ang balak nilang gamitin sa pamamagitan ng media, kuwento, o mga object lesson, tutulungan sila ng Espiritu Santo na maging maingat at huwag lumihis mula sa layunin ng mensahe.
Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.
Ipakita
-
Si Sister Treu ay naghahanda ng lesson tungkol sa Alma 5. Gusto niyang magbahagi ng isang object lesson. Habang binabalangkas niya ang aktibidad at tinitipon ang mga materyal, itinanong niya sa kanyang sarili ang sumusunod: “Iuugnay ba ng object lesson na ito ang klase sa Tagapagligtas at sa mensahe o ilalayo kami?” Nagpasiya siya na mag-uugnay ito sa mga estudyante kay Jesucristo at isinama ito sa kanyang lesson plan.
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
-
Naghahanda ka para ituro ang alituntunin ng panalangin. May video ka na ginawa ng Simbahan tungkol sa panalangin na gusto mong ibahagi. Anong mga tanong ang maaari mong pag-isipan para makapagpasiya kung gagamitin mo ang video na ito? Gamitin ang isa o mahigit pa sa mga tanong sa itaas o isang tanong mula sa iyo para magpasiya kung gagamitin mo ang video o hindi.
-
Para sa susunod na lesson, tukuyin kung saan mo maaaring gamitin ang media, mga personal na kuwento, at mga object lesson. Anong mga tanong ang maaari mong isipin para makapagpasiya kung ano ang gagamitin?
Talakayin o Pagnilayan
-
Ano ang natutuhan o naramdaman mo habang pinapraktis mo ang kasanayang ito?
-
Anong kaibhan ang magagawa sa karanasan sa pagkatuto ng paglalaan ng oras na i-assess ang gagamitin mong media, mga kuwento, at mga object lesson?
Isama
-
Tuwing naghahanda ka ng lesson, maglaan ng oras para tumigil sandali at pag-isipan ang iyong mga layunin sa paggamit ng media, mga personal na kuwento, at mga object lesson. Maging handa na magbago at umangkop ayon sa patnubay ng Espiritu.
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
Neil L. Andersen, “Ang Kapangyarihan ni Jesucristo at ng Dalisay na Doktrina” [mensahe sa Church Educational System religious educators, Hunyo 11, 2023], Gospel Library