Ituro ang Doktrina Pag-aralan ang doktrina ni Jesucristo para sa iyong sarili. Gumawa ng mga tanong sa pagsasaliksik na tutulong sa mga mag-aaral na matuklasan ang doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo para sa kanilang sarili at huwag akayin ang mga estudyante sa partikular na sagot.Pag-aralan ang doktrina ni Jesucristo para sa iyong sarili. Saliksikin ang mga banal na kasulatan at mga salita ng mga buhay na propeta para lalo pang makaunawa.Pag-aralan ang doktrina ni Jesucristo para sa iyong sarili. Magturo mula sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta sa mga huling araw. Maghanda ng mga paanyaya na tutulong sa mga estudyante na maiugnay ang mga katotohanang matatagpuan sa mga banal na kasulatan sa sinasabi ng mga buhay na propeta. Ipahayag ang pagmamahal at patotoo sa mga propeta habang ibinabahagi ang kanilang mga salita sa klase. Tulungan ang mga mag-aaral na maghangad, makilala, at maunawaan ang mga katotohanan sa mga banal na kasulatan. Gumawa ng mga pagsusuri sa sarili para sa mga estudyante na tutulong sa kanila na matukoy ang kanilang kasalukuyang nauunawaan at kakayahan tungkol sa mga kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.Tulungan ang mga mag-aaral na mahanap, makilala, at maunawaan ang mga katotohanan sa mga banal na kasulatan. Isiping maingat na pumili ng media, personal na kuwento, at mga object lesson para sa mga tanong sa assessment.Tulungan ang mga mag-aaral na mahanap, makilala, at maunawaan ang mga katotohanan sa mga banal na kasulatan. Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo. Magtanong ng mga bagay na makatutulong sa mga estudyante na matukoy at mabigyang-diin ang mga alituntunin na nagpapabalik-loob.Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo. Sumagot sa mga tanong sa paraang maiiwasan ang mga haka-haka at mga personal na ideya na hindi doktrina.Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo. Tulungan ang mga mag-aaral na makahanap ng personal na kaugnayan sa doktrina ni Jesucristo. Maghanda ng mga paanyaya at pahiwatig na tutulong sa mga estudyante na makahanap ng personal na kaugnayan sa isang scripture block. Simulan ang aktibidad sa pagkatuto sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na pagnilayan ang isang personal na sitwasyon.