“Pag-aralan ang doktrina ni Jesucristo para sa iyong sarili,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro (2023)
“Pag-aralan ang doktrina ni Jesucristo para sa iyong sarili,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Ituro ang Doktrina
Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo: Ituro ang Doktrina
Pag-aralan ang doktrina ni Jesucristo para sa iyong sarili.
Kasanayan
Lumikha ng mga tanong sa pagsasaliksik na tutulong sa mga estudyante na matuklasan ang doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo sa sarili nila at huwag akayin ang mga estudyante sa partikular na sagot.
Ipaliwanag
Ang mga tanong sa pagsasaliksik ay nag-aanyaya sa mga estudyante na tuklasin at unawain ang mga katotohanan sa mga banal na kasulatan para sa kanilang sarili sa halip na akayin sila sa isang inihanda na o partikular na sagot. Magagawa ng pamamaraang ito na mas nauugnay ang pag-aaral ng estudyante ng mga banal na kasulatan at magtutulot sa Panginoon na sila ay maturuan at mabigyang-inspirasyon nang personal. Ang mga tanong na ito ay (1) may kasamang paanyaya sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang pinakamahalaga para sa kanila, (2) inaalis ang pangangailangang hanapin ng mga estudyante ang isang partikular na sagot na iniisip ng guro, at (3) tinutulungan ang mga estudyante na pag-isipan kung paano maipamumuhay ang mga katotohanang natukoy at naunawaan nila. Ang mga tanong na ito ay magagamit kapag inaanyayahan ang mga estudyante na saliksikin ang mga talata upang matukoy ang mga katotohanan at sa paghahangad na mas maunawaan ang mga katotohanang natukoy nila.
Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.
Ipakita
Narito ang ilang halimbawa kung paano mo matutulungan ang mga estudyante na matuklasan at maunawaan ang mga katotohanan para sa sarili nila sa pamamagitan ng mga tanong sa pagsasaliksik:
-
Sa halip na mag-anyaya na, “Hanapin ang talata kung saan itinuro ng Panginoon ang kahalagahan ng pagsunod,” maaari mong itanong, “Anong alituntunin ang nakikita ninyo sa mga talatang ito?”
-
Sa halip na sabihing, “Binigyang-diin ni Jesucristo na kailangan nating manampalataya sa Kanya sa mga talatang ito,” maaari mong itanong, “Anong mga alituntunin ang matututuhan natin mula sa mga turo at halimbawa ni Jesus sa mga talatang ito?”
-
Sa halip na itanong, “Nakikita ba ninyo kung paano tayo pinapaalalahanan ng Panginoon na laging manalangin sa talatang ito?” maaari mong itanong, “Anong mensahe tungkol sa panalangin ang gusto ng Panginoon na maunawaan ninyo sa talatang ito?”
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
Gamitin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod para mapagbuti ang kakayahan mong tulungan ang mga estudyante na matuklasan at maunawaan ang mga katotohanan para sa kanilang sarili:
-
Tingnan ang Moroni 10:32–33. Magpraktis na tumukoy ng mahigit sa isang alituntunin para makita kung paano matutukoy ng mga estudyante ang iba’t ibang alituntunin mula sa mga talatang ito. Magsulat ng isang tanong na magtutulot sa mga estudyante na matuklasan ang maraming alituntunin.
-
Isaalang-alang ang isang scripture block na plano mong pag-aralan kasama ng mga estudyante sa susunod na lesson. Sa halip na magplanong ipabasa sa mga estudyante ang mga talatang ito at hanapin ang isang partikular na alituntunin na natukoy mo na, magpraktis na sumulat ng dalawa hanggang tatlong tanong sa pagsasaliksik para matulungan sila na matuklasan nila mismo ang isang alituntunin.
-
Tingnan ang susunod na lesson plan. Pumili ng isang alituntunin na maaaring matukoy ng mga estudyante mula sa mga talatang pinag-aaralan. Magpraktis sa pagsusulat ng dalawa o tatlong simpleng tanong upang matulungan sila na mas maunawaan ang alituntuning ito sa paraang hindi humahantong sa isang inihanda na o partikular na sagot.
Talakayin o Pagnilayan
Pagnilayan ang natutuhan mo mula sa karanasang ito. Marahil ay maaari mong isulat ang ilan sa mga ideyang ito sa isang study journal. Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:
-
Ano ang nagawa ko na noon para tulungan ang mga estudyante na matuto sa pamamagitan ng mga tanong sa pagsasaliksik?
-
Ano ang natutuhan ko sa karanasang ito na magpapahusay sa kakayahan kong magtanong ng mga tanong sa pagsasaliksik?
-
Ano ang gagawin ko para patuloy na humusay?
Isama
-
Habang inihahanda mo ang iyong mga lesson sa linggong ito, gumawa ng dalawa hanggang tatlong tanong sa pagsasaliksik na tumutulong sa mga mag-aaral na tuklasin nila mismo ang doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo at hindi umaakay sa mga estudyante sa isang partikular na sagot. Isulat ang mga ito at subukang itanong ang bawat isa sa isang kapamilya, sa kasama sa trabaho, o sa sarili mo. Pumili ng isang itatanong sa klase, at gamitin ito sa iyong lesson.
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
Chad H Webb, “Hindi Tayo Umabot Dito para Hanggang Dito na Lang Tayo” (taunang training broadcast ng Seminaries and Institutes of Religion, Hunyo 9, 2020), broadcasts.ChurchofJesusChrist.org
-
Sections 2.1–2.3, “Unit 2: Teach the One,” Inservice Leaders’ Resources (learner-focused teaching)
-
“Help Learners Find Scriptural Truths,” sa “Teach the Doctrine,” Teaching in the Savior’s Way (2016), 21
Kasanayan
Saliksikin ang mga banal na kasulatan at mga salita ng mga buhay na propeta para lalo pang makaunawa.
Ipaliwanag
Sa Doktrina at mga Tipan 11:21, tinutulungan tayo ng Panginoon na makita ang kahalagahan ng pag-alam sa doktrina para sa ating sarili: “Huwag hangaring ipahayag ang aking salita, kundi hangarin munang matamo ang aking salita, at pagkatapos ay kakalagan ang iyong dila; pagkatapos, kung iyong nanaisin, mapapasaiyo ang aking Espiritu at ang aking salita, oo, ang kapangyarihan ng Diyos sa ikahihikayat ng mga tao.” Ang paghahangad na matutuhan nang mas malalim ang tunay na doktrina o mga alituntunin ay magagawa sa pamamagitan ng masusing paghahanap at pag-aaral ng sinabi ng Panginoon tungkol dito sa mga banal na kasulatan at sa pamamagitan ng mga propeta. Matapos matukoy ang isang doktrina o alituntunin na nais mong mas maunawaan, maaari mong:
-
I-type ang alituntunin o mahahalagang salita sa search engine ng Gospel Library.
-
Pumili ng Mga Banal na Kasulatan o Pangkalahatang Kumperensya sa “Mga Resulta ng Filter” (online) o “Collections” (app).
-
Pumili sa iba’t ibang resources para mas matuto at maunawaan ang doktrina o alituntuning iyon.
Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.
Ipakita
Habang naghahanda si Brother Latu ng lesson tungkol sa paglikha, tinukoy niya ang sumusunod na doktrina sa kurikulum, “Sa ilalim ng pamamahala ng Ama sa Langit, nilikha ni Jesucristo ang mga daigdig na hindi mabilang.” Gusto niyang malaman pa ang tungkol sa paglikha ni Jesucristo ng mga daigdig na hindi mabilang kaya siya:
-
Ipasok ang doktrina sa search engine ng Gospel Library.
-
Piliin ang “Pangkalahatang Kumperensya.”
-
Pag-aralan ang isa sa mga mensahe na pinakamahalaga sa kanya.
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
Naghahanda kayo ng isang lesson kung saan ang personal na paghahayag ang pangunahing pagtutuunan ng pansin. Upang mas maunawaan ang alituntuning ito:
-
I-type ang “personal na paghahayag” sa search engine ng Gospel Library.
-
Pumili ng Mga Banal na Kasulatan o Pangkalahatang Kumperensya sa “Mga Resulta ng Filter” (online) o “Collections” (app).
-
Pumili ng isang resource para mapalakas ang iyong pag-aaral at pag-unawa sa personal na paghahayag.
Ngayon gawin itong muli sa isang doktrina o alituntunin sa darating na lesson.
Talakayin o Pagnilayan
-
Matapos magpraktis ng kasanayang ito, ano ang natututuhan mo tungkol sa prosesong ito ng pagsasaliksik sa mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta para sa mas malalim na pag-unawa?
-
Paano mo nakikita ang prosesong ito bilang titser?
Isama
-
Sa paghahanda mo sa lesson para sa susunod na linggo, pumili ng isang alituntunin o doktrina na mapapalalim mo ang iyong pag-unawa sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta. Maglaan ng oras para isulat ang iyong mga impression at mga bagay na natututuhan mo.
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
John C. Pingree Jr., “Walang Hanggang Katotohanan,” Liahona, Nob. 2023, 99–104