Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro
Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo.


“Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Ituro ang Doktrina (2023)

“Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Ituro ang Doktrina

Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo: Ituro ang Doktrina

Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo.

Kasanayan

Magtanong ng mga bagay na makatutulong sa mga estudyante na matukoy at mabigyang-diin ang mga alituntunin na nagpapabalik-loob.

Ipaliwanag

Sinabi ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan, “Ang alituntuning nagpapabalik-loob ay ang yaong humahantong sa pagsunod sa kalooban ng Diyos” (“Converting Principles” [mensahe sa gabing kasama si Elder L. Tom Perry, Peb. 2, 1996], 1). Ang isang paraan para matulungan ang mga estudyante na matukoy at maihayag ang mga alituntuning nagpapabalik-loob ay magtanong sa kanila ng isang tanong na naghihikayat sa kanila na maghanap ng mga parirala na tutulong sa atin na mapalakas ang ating pananampalataya at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ang isa pang paraan para matulungan silang matukoy at maihayag ang mga alituntuning nagpapabalik-loob ay magbigay ng mga follow-up na tanong matapos magbahagi ang isang estudyante ng kuwento, karanasan, o paliwanag. Ang mga follow-up na tanong ay nag-aanyaya sa mga estudyante na ipahayag ang kanilang mga komento sa simpleng paraan na nagpapalakas ng pananampalataya kay Cristo at ng kahandaang sundin ang kalooban ng Diyos.

Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.

Ipakita

Mga tanong sa pagsasaliksik:

  1. Habang sinasaliksik mo ang Doktrina at mga Tipan 121:41–46, anong mga parirala ang nakikita mo na makahihikayat sa iyo na sumunod at manampalataya sa kalooban ng Diyos?

  2. Habang binabasa mo ang Josue 1:5–9, ano ang nakita mo na tumutulong sa iyo na naising gawin ang kalooban ng Diyos?

  3. Anong mga katotohanan ang nakita mo sa Mateo 7:7–12 na makatutulong na mapalakas ang iyong pananampalataya kay Jesucristo at sumunod sa Kanya?

Ang mga tanong ding ito ay maaaring baguhin nang bahagya upang makabuo ng mga follow-up na tanong upang matulungan ang mga estudyante na maipahayag ang isang alituntunin ng pagbabalik-loob.

  • Karanasan ng estudyante: Ibinahagi ni Maria ang isang karanasan kung saan ang pagtatanong sa panalangin ay humantong sa sagot na ayaw niya.

  • Tanong ng guro: “Sa isang parirala, ano ang natutuhan mo mula sa karanasang iyon na makatutulong sa iba na manampalataya kay Jesucristo at sundin ang Kanyang patnubay?”

  • Paliwanag ng estudyante: Ibinahagi ni Kyle ang isang napakaganda ngunit mahabang paliwanag tungkol sa natutuhan niya sa kanyang pag-aaral ng mga banal na kasulatan kagabi.

  • Tanong ng guro: “Sa isang simpleng pahayag, ano ang natutuhan mo na tutulong sa inyo na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?”

  • Kuwento ng estudyante: Ikinuwento ni Katana kung paano niya sinunod ang batas ng ikapu kahit mahirap ito.

  • Tanong ng guro: “Sa isang pangungusap, anong bahagi ng karanasang iyon ang tutulong sa iyo na patuloy na manampalataya kay Cristo kapag maaaring mahirap sumunod sa Kanya?”

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

2:10

Magpraktis

Magsulat ng mga tanong sa pagsasaliksik para sa mga sumusunod na scripture passage:

Magsulat ng follow-up na tanong para sa bawat sitwasyon para matulungan ang mga estudyante na maipahayag ang isang alituntunin na nagpapabalik-loob:

  • Ibinahagi ni Elena ang isang magandang personal na karanasan sa pagsunod sa pahiwatig ng Espiritu.

  • Nagbigay si Chris ng magandang paliwanag tungkol sa natutuhan niya mula sa kuwento nina David at Goliath.

  • Ibinahagi ni Mele ang isang personal na kuwento ng pagbaling kay Jesucristo nang pumanaw ang isang kapamilya.

Talakayin o Pagnilayan

  • Ano ang natututuhan mo tungkol sa pagtulong sa mga estudyante na magtuon sa mga alituntunin na nagpapabalik-loob?

  • Paano makatutulong ang gawaing ito sa mga estudyante na maituro ang doktrina na matatagpuan sa salita ng Diyos?

Isama

  • Sa training na ito ay nagpraktis ka ng dalawang kasanayan na tutulong sa mag-aaral na matukoy at malinaw na maipahayag ang mga alituntunin na nagpapabalik-loob: mga tanong sa pagsasaliksik at mga follow-up na tanong. Habang iniisip mo ang iyong mga estudyante, pumili ng isang kasanayan na gagamitin mo na magiging lubos na kapaki-pakinabang sa kanila. Sa linggong ito, habang inihahanda mo ang bawat scripture passage, patuloy na itanong sa iyong sarili, “Paano ko matutulungan ang mag-aaral na matukoy at maipahayag ang isang alituntunin na nagpapabalik-loob?” Maaari mong isulat ang tanong na iyan bilang paalala habang naghahanda ka.

  • Pagkatapos mong isulat ang isang tanong na makatutulong sa estudyante na matukoy o maipahayag ang isang alituntunin na nagpapabalik-loob, subukang isipin kung paano ito sasagutin ng mga estudyante. Kung nakikita mo sa isipan mo na sasagutin nila ito gamit ang isang alituntunin na nagpapabalik-loob, huwag nang baguhin ito. Kung nakikita mo sa isipan mo na nahihirapan ang mga estudyante na magbigay ng alituntunin na nagpapabalik-loob, baguhin ang tanong para makatulong ito na matamo ang ninanais na resulta.

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Kasanayan

Sumagot sa mga tanong sa paraang maiiwasan ang mga haka-haka at mga personal na ideya na hindi doktrina.

babaeng nagtuturo sa mga estudyante sa silid-aralan

Ipaliwanag

Kapag nagtanong ang mga estudyante na maaaring magdulot ng mga haka-haka at mga personal na ideya na hindi doktrina, mahalagang tumugon sa sitwasyon sa paraang magpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo at maiiwasan ang pagbabahagi ng hindi tumpak na impormasyon. Dapat laging hangarin ng mga guro na tulungan ang mga estudyante na mahanap ang mga sagot sa kanilang mga tanong. Gayunman, kung nararamdaman ng isang guro na maaaring mag-udyok ng haka-haka ang isang tanong, nagbigay si Elder Neil L. Andersen ng mabuting payo kung paano tutugon. Sabi niya, “Maging handa tayong sabihing, ‘Hindi ko alam ang tungkol diyan, pero ito ang alam ko.’” Ang paggawa nito ay makatutulong sa atin na “[mabago] ang magagandang tanong ngunit naghihikayat ng haka-haka, sa mga sagot na nagpapalakas ng pananampalataya sa ating Tagapagligtas na si Jesucristo” (“Ang Kapangyarihan ni Jesucristo at ng Dalisay na Doktrina” [mensahe sa Church Educational System religious educators, Hunyo 11, 2023], Gospel Library).

Ipakita

  • Si Brother Motsepe ay nagtuturo tungkol sa Paglikha, at isang estudyante ang nagtanong, “Ano ang koneksyon ng big bang at nina Adan at Eva?” Sagot ni Brother Motsepe, “Hindi ko alam ang sagot sa tanong na iyan, pero alam ko na sina Adan at Eva ay nilikha ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.”

  • Itinuturo ni Sister Chen ang tungkol sa “Tema ng Young Women,” at isang babaeng estudyante ang nagtanong, “Bakit wala tayong gaanong nalalaman tungkol sa ating Ina sa Langit?” Sagot ni Sister Chen, “Hindi ko alam ang sagot sa tanong na iyan, ngunit alam ko na kayo ay minamahal na anak na babae ng mga magulang sa langit, na may banal na katangian at walang hanggang tadhana.”

Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.

Magpraktis

Sa pagsunod sa huwaran sa itaas, paano mo kaya sasagutin ang mga sumusunod?

  • “Brother Brown, bakit hindi tayo nananalangin sa Ina sa Langit?”

  • “Sister Parkin, bakit kailangan pang tumingin ni Joseph Smith sa loob ng sumbrero para isalin ang Aklat ni Mormon?”

Talakayin at Pagnilayan

  • Ano ang natututuhan mo habang pinapraktis mo ang kasanayang ito?

  • Ano ang iba pang mga paraan na natuklasan mo para maiwasan ang mga haka-haka at pagbabahagi ng mga personal na ideya na hindi doktrina?

Isama

  • Habang iniisip mo ang mga susunod na lesson, pag-isipan kung ano ang maaaring itanong ng iyong mga estudyante na maaaring humantong sa mga haka-haka o mga personal na ideya na hindi doktrina na ibinabahagi. Isulat kung paano mo masasagot ang mga tanong na ito, simula sa “Hindi ko alam …, pero ito ang alam ko …”

Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?