“Tulungan ang mga mag-aaral na makahanap ng personal na kaugnayan sa doktrina ni Jesucristo,” Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Ituro ang Doktrina (2023)
“Tulungan ang mga mag-aaral na makahanap ng personal na kaugnayan sa doktrina ni Jesucristo, Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Ituro ang Doktrina
Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo: Ituro ang Doktrina
Tulungan ang mga mag-aaral na makahanap ng personal na kaugnayan sa doktrina ni Jesucristo.
Kasanayan
Maghanda ng mga paanyaya at pahiwatig na tutulong sa mga estudyante na makahanap ng personal na kaugnayan sa isang scripture block.
Ipaliwanag
Maaaring makahanap ang mga estudyante ng personal na kaugnayan sa mga banal na kasulatan kapag pinag-isipan nila kung paano magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang ang pinag-aaralan nila sa kanilang mga sitwasyon. Ang isang paraan na matutulungan ng mga guro ang mga estudyante sa prosesong ito ay sa pamamagitan ng paghahanda ng mga paanyaya at pahiwatig na kinabibilangan ng mga sumusunod:
-
Isang pagkakataon para mapag-isipan ng mga estudyante ang kanilang kasalukuyang sitwasyon sa buhay.
-
Isang sandali para mabasa ng mga estudyante ang isang scripture passage.
-
Isang pahiwatig na makatutulong sa mga estudyante na matukoy ang mga pagkakatulad ng kanilang kalagayan at ng mga kalagayan ng mga taong binabasa nila sa mga banal na kasulatan. Halimbawa, “Ang karanasan ko ay katulad ng kay Pedro dahil …”
-
Ang pagkakataon para mapag-isipan ng mga estudyante ang matatapat na tugon ng mga yaong nasa mga banal na kasulatan ay makapagbibigay-inspirasyon sa kanilang matatapat na mga tugon sa panahong ito.
Ang paggawa nito ay tutulong sa mga estudyante na matutuhan kung paano matuto mula sa mga banal na kasulatan at paano tulutan ang Espiritu Santo na tulungan sila na makahanap ng personal na kaugnayan.
Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.
Ipakita
Habang inihahanda ni Sister Williams ang kanyang lesson para sa Mga Gawa 4–5, isinama niya ang mga sumusunod sa kanyang plano:
-
Itanong sa mga estudyante: “Ano ang isang bagay sa buhay ninyo na kailangan ninyo ng tulong ngayon?”
-
Sabihin sa mga estudyante na basahin at tumugon: “Habang binabasa ninyo ang Mga Gawa 4:1–13, mangyaring maghandang tapusin ang sumusunod na pahiwatig: ‘Ang buhay ko ay katulad ng kina Pedro at Juan dahil …’”
-
Itanong sa mga estudyante: “Ano ang natutuhan ninyo mula sa mga tugon nina Pedro at Juan na makatutulong sa inyo?”
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
-
Maghanda ng mga paanyaya at pahiwatig na tutulong sa mga mag-aaral na makahanap ng personal na kaugnayan sa susunod na lesson sa linggong ito. Ibahagi ang iyong mga paanyaya at pahiwatig sa isang kaibigan, kapamilya, o kasamahan at humingi ng feedback.
Talakayin o Pagnilayan
-
Paano makatutulong ang paggawa ng ganitong mga uri ng paanyaya at mga pahiwatig para makahanap ang mga mag-aaral ng personal na kaugnayan?
-
Paano mapagbubuti ng mga uring ito ng paanyaya at pahiwatig ang karanasan sa pagkatuto?
-
Ano ang iba pang mga paraan na matutulungan mo ang mga estudyante na makahanap ng personal na kaugnayan sa mga banal na kasulatan?
Isama
-
Gumawa ng plano na magpraktis sa pagggawa ng mga paanyaya at pahiwatig na tutulong sa mga estudyante na makananap ng personal na kaugnayan sa doktrina at alituntunin ng ebanghelyo na itinuturo mo.
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
Chad H Webb, “Hindi Tayo Umabot Dito para Hanggang Dito na Lang” (taunang training broadcast ng Seminaries and Institutes of Religion, Hunyo 9, 2020), broadcasts.ChurchofJesusChrist.org
-
“Panel Discussion” (taunang training broadcast ng Seminaries and Institutes of Religion, Hunyo 9, 2020), broadcasts.ChurchofJesusChrist.org
-
“Ask Inspired Questions,” Teaching in the Savior’s Way (2016), 31–32
Kasanayan
Simulan ang aktibidad sa pagkatuto sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na pagnilayan ang isang personal na sitwasyon.
Ipaliwanag
Sa The Charted Course of the Church in Education, nagpatotoo si Pangulong J. Reuben Clark Jr. na ang ating mga estudyante ay nagkaroon ng mga espirituwal na karanasan nang sabihin niyang, “Sasabihin kong muli, halos walang kabataan na pumapasok sa inyong seminary o institute ang hindi nakatanggap ng mga espirituwal na pagpapala” (9). Bago anyayahan ang mga estudyante na magbasa ng scripture passage, sabihin sa kanila na isipin kung naranasan nila ang katotohanang matututuhan nila. Maaaring anyayahan ng guro ang mga estudyante na magbahagi, ngunit hindi kailangang ibahagi ng mga estudyante ang kanilang iniisip. Nagbibigay ito ng pagkakataon para maipagkaloob ng Espiritu Santo ang personal na kaugnayan sa simula ng aktibidad sa pagkatuto.
Ang mga ipinakita at mga praktis sa ibaba ay pangkalahatang mga halimbawa. Ang training ay magiging mas epektibo kung ang mga ipinakita at mga praktis ay nauugnay sa susunod na mga lesson na tatalakayin sa kurikulum.
Ipakita
Ang mga sumusunod ay mga tanong na maaari mong simulang gamitin sa isang lesson na nakatuon sa panalangin:
-
Anong mga karanasan ang nagturo sa iyo ng kahalagahan ng panalangin?
-
Batay sa iyong mga karanasan sa panalangin, ano ang gusto mong maunawaan ng buong klase?
Sinimulan ni Sister Tanaka ang klase sa pagsasabing, “Pag-uusapan natin ngayon ang Alma 36 at ang pagsisisi ni Alma. Bago tayo magsimula, pag-isipan ang tanong na ito: ‘Ano ang nalaman ninyo tungkol sa pagsisisi?’”
Mag-klik dito upang mapanood ang video tungkol dito.
Magpraktis
Ano ang maitatanong mo para matulungan ang mga estudyante na isipin ang isang personal na karanasan kung nagtuturo ka ng:
-
Isang lesson tungkol sa edukasyon.
Para sa susunod mong lesson, isulat ang isang tanong na maaari mong itanong sa iyong mga estudyante na magbibigay-daan sa kanila na pag-isipan ang mga personal na sitwasyon na nauugnay sa isang alituntunin o katotohanan sa doktrina sa scripture block na ituturo mo.
Talakayin o Pagnilayan
-
Matapos magpraktis, ano ang kahalagahan ng pagpapaisip sa mga estudyante ng mga personal na sitwasyon na may kaugnayan sa scripture block para masimulan ang klase?
-
Ano pang mga alituntunin ang maaaring isaalang-alang kapag sinimulan mo ang klase sa pag-anyaya sa iyong mga mag-aaral na pag-isipan ang mga sitwasyon?
Isama
-
Sa susunod na ilang linggo isiping magtanong para simulan ang klase na nagbibigay-daan sa mga estudyante na pag-isipan ang mga karanasan na nauugnay sa katotohanan o alituntunin ng doktrina na matatagpuan sa scripture block na ituturo mo.
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
-
J. Rueben Clark Jr., The Charted Course of the Church in Education, rev. ed. [1994; mensahe sa Church Educational System religious educators, Ago. 8, 1993], Gospel Library