1Dal’wang libong binatang mga mandirigma,
Lumaban sa digmaan, ganito’ng sigaw nila:
Ang D’yos aming kaanib; Sya’y paglilingkuran.
Hindi sila natakot na buhay ay ilaan.
2Handa at tinuruan ng kanilang ina
Na D’yos pagkatiwalaan sa isip at gawa,
D’yos ang mangangalaga, at S’yang magpapala.
Tiyak nilang ina’y alam; sa D’yos nagtiwala.
3Si Helaman ang puno nitong matatapang
Nagkaisa, nanalig, at sila’y nanindigan.
’Di nais na lumaban kundi makalaya,
’Pinagtanggol buhay, kalayaan, D’yos, pamilya.
4Dal’wang libong binatang layunin ay wagas,
Lakas nila’y buhat sa D’yos, buhay ay naligtas.
Pananampalataya ang s’yang nagpasigla.
Lumaban nang ubod lakas, D’yos kapanig nila.
Mga titik ni Bonnie Hart Murray
Himig ni Janice Kapp Perry
© 2009 nina Bonnie Hart Murray at Janice Kapp Perry. Lahat ng karapatan ay nakalaan.Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental, di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan. Ang paunawang ito ay kailangang isama sa bawat kopyang gagawin.