Sino ang Sanggol na Ito?Dueto o Dalawahang-Bahagi na Koro Marahan1Sino’ng sanggol ang nakahimlaySa kandungan ni Maria?Inawitan ng mga anghel,Habang pastol nagbabantay?Siya si Cristong Hari,Ang mundo ay nagbubunyi;Halina’t purihin Siya,Ang Sanggol, na Anak ni Maria.2Bakit doon Siya nakahimlay,Doon sa hamak na sabsaban?Mga Kristiyano’y sumasamoPara sa makasalanan.Krus, Kanyang pinasan,Sa atin buhay Niya’y inalay;Siya’y nagkatawang-tao,Ang Sanggol, na Anak ni Maria.3Insenso, ginto, at mira,Handog ng lahat sa Kanya;Sa Hari ng kaligtasan,Ang alay ay pagsamba.Awitin at himig,Hele ng birhen ay narinig;Si Cristo’y isinilang,Sanggol, na Anak ni Maria.Sanggol, na Anak ni Maria. Mga titik ni William C. DixKatutubong Awit na Ingles. Areglo ni Sally DeFord© 1991 ni Sally DeFord. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa tahanan o simbahan. Ang paalalang ito ay dapat isama sa bawat kopyang gagawin.