Mga Banal na Kasulatan
Paksimile 1


Isang Paksimile mula sa Aklat ni Abraham

Bilang 1

Paksimile 1

Paliwanag

Larawan 1. Ang Anghel ng Panginoon.

Larawan 2. Si Abraham na nakatali sa ibabaw ng dambana.

Larawan 3. Ang mapagsamba sa diyus-diyosang saserdote ni Elkenah ay nagtangkang ialay si Abraham bilang isang hain.

Larawan 4. Ang dambana para sa paghahain ng mga mapagsamba sa diyus-diyosang saserdote, na nakatayo sa harapan ng mga diyos na sina Elkenah, Libnah, Mahmackrah, Korash, at ni Faraon.

Larawan 5. Ang diyus-diyosan ni Elkenah.

Larawan 6. Ang diyus-diyosan ni Libnah.

Larawan 7. Ang diyus-diyosan ni Mahmackrah.

Larawan 8. Ang diyus-diyosan ni Korash.

Larawan 9. Ang diyus-diyosan ni Faraon.

Larawan 10. Si Abraham sa Egipto.

Larawan 11. Iginuhit upang mailarawan ang mga haligi ng langit, gaya sa pagkakaunawa ng mga taga-Egipto.

Larawan 12. Raukeeyang, pinapakahulugan ang kalawakan, o ang papawirin sa ating ulunan; subalit sa pagkakataong ito, kaugnay ng paksang ito, ang mga taga-Egipto ay sinadya itong ipakahulugang si Shaumau, na mataas, o ang kalangitan, tumutugon sa salitang Hebreo, Shaumahyeem.