Mga Banal na Kasulatan
Paksimile 3


Isang Paksimile mula sa Aklat ni Abraham

Bilang 3

Paksimile 3

Paliwanag

Larawan 1. Si Abraham na nakaupo sa trono ni Faraon, sa pamamagitan ng kagandahang-asal ng hari, na may putong sa kanyang ulo, na kumakatawan sa Pagkasaserdote, na pinakasagisag ng dakilang Panguluhan sa Langit; na may setro ng katarungan at kahatulan sa kanyang kamay.

Larawan 2. Si Haring Faraon na ang pangalan ay ibinibigay ng mga titik na nasa itaas ng kanyang ulo.

Larawan 3. Sumasagisag kay Abraham sa Egipto gaya rin sa Larawan 10 ng Paksimile Bilang 1.

Larawan 4. Prinsipe ni Faraon, Hari ng Egipto, gaya ng nakasulat sa itaas ng kamay.

Larawan 5. Shulem, isa sa mga pangunahing tagapagsilbi ng hari, gaya ng isinasalarawan ng mga titik sa itaas ng kanyang kamay.

Larawan 6. Olimlah, isang aliping pag-aari ng prinsipe.

Si Abraham ay nakikipagtalakayan hinggil sa mga alituntunin ng Astronomiya, sa hukuman ng hari.