2021
Fun Stop
Abril 2021


“Fun Stop,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2021, 28–29.

Fun Stop

Fun Stop

Sa Iyong Bahagi ng Mundo

Paano kayo magkakasamang nagkakasiyahan ng inyong pamilya? Kunan ng larawan ang masayang pagsasama-sama ng inyong pamilya at sumulat ng maikling paglalarawan tungkol sa nangyayari.

Ipadala ang iyong retrato at deskripsyon sa ftsoy@ChurchofJesusChrist.org. Ilalathala namin ang mga sagot sa isang isyu sa hinaharap para maibahagi ang mga ito sa mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo. Malay natin, baka may matutuhan ang inyong pamilya na ilang masasaya at bagong bagay upang sama-samang subukan!

Mga Laruang Stick

Maaari mo bang ibaligtad ang toreng ito sa pamamagitan ng paglipat ng apat na stick lamang? Kailangang gayon pa rin ang hugis ng tore. Buuin ang puzzle gamit ang mga munting sanga, craft sticks, o isang bagay na katulad nito. Kapag nalutas mo na ang puzzle, tingnan kung may iba pang paraan para malutas ito. Ngayon ay ipagawa rin ito sa iyong pamilya at mga kaibigan!

Mga Sagot

Ngiting Kapatid

Masasabi mo ba kung sino ito sa pamamagitan lamang ng kanyang ngiti? Siya ay nasa isa sa mga General Presidency ng Simbahan.

Mga Sagot

Komiks

binatilyo sa pulpito

Ang mensahe ko ay tungkol sa pagpapaliban—na kasusulat ko lang ngayon habang nakaupo ako rito sa harap.

Val Chadwick Bagley

Batang nasa telepono, inang nagbebeyk ng cake

Dylan! Di ba sinabi ko sa iyo na linisin mo ang silid mo!

Nilinis ko po! Dapat nakita ninyo ito kanina!

Ryan Stoker

  1. Mga Laruang Stick: Ilipat ang tatlong nasa itaas at ilagay sa ibaba. Pagkatapos ay ilipat ang isa na nasa ibabang kaliwa sa kanan sa itaas. Tingnan ang halimbawa.

    mga stick

  2. Ngiting Kapatid: Sister Becky Craven, Pangalawang Tagapayo sa Young Women General Presidency.