Paningningin ang Iyong Liwanag
Pangangalaga at Pagbabahagi
Malo e lelei! Ako si Lui, at pinaniningning ko ang aking liwanag sa pagbabahagi sa iba ng kung ano ang mayroon ako.
Isang Malaking Isla at Isang Malaking Pamilya
Nakatira ako sa isang malaking isla sa Tonga. Mayroon akong anim na kapatid na babae at apat na kapatid na lalaki, at nakatira ako malapit sa Nuku’alofa Tonga Temple.
Mahilig sa Science
Marami kaming magagandang halaman at hayop sa aming isla. Nasa ika-apat na klase ako sa Ocean of Light Primary School, at science ang paborito kong subject.
Pagbabahagi ng Aming Pagkain
Nagtatanim ang tatay ko, kaya marami kaming pagkain. Pero maraming balo (mga babaeng namatayan ng asawa) at iba pang pamilya ang walang sariling mga pananim. Kaya dinadalhan sila ng mga magulang ko ng ilan sa aming ani. Palagi akong sumasama para tumulong!
Pagkakarga ng mga Bunot
Gumagamit ng mga bunot ang mga balong binibisita namin para ipanggatong sa pagluluto. Kapag dinadalhan namin sila ng pagkain, palagi kong ipinapaalala sa mga magulang ko na magdala rin ng mga bunot. Tumutulong ako sa pagkakarga ng mga bunot sa sasakyan at pagdidiskarga nito pagdating namin sa bahay ng mga balo.
Mga Pagpapala ng Pagtulong
Binibigyan ako ng Ama sa Langit ng malalaking pagpapala kapag tumutulong ako sa iba—hindi pagpapalang pinansyal kundi pagpapala ng karunungan at kaalaman. Gusto ko palaging tumulong at magbahagi sa iba ng kung ano ang mayroon ako.